Hinatid namin ang mommy ko sa airport nung umaga ng Sabado. Nang pumasok na sya sa security check area, don ko lang naramdaman ang sobrang lungkot. Noong pa lang nag-sink in sa akin na hindi ko na ulit ang nanay ko. Kung babalik man sya, mga isang taon pa siguro. Mag-uusap pa kami sa telepono at mag-e-exchange ng emails pero iba yung nakikita ko sya ng harapan at nahahawakan.
Ayaw ko pa sanang umalis ang mommy ko kaya lang marami na syang dapat asikasuhin sa Pilipinas. Alam kong gusto pa nya sanang samahan kami dito pero mas malaki ang responsibilidad na naghihintay sa kanya doon. She never asked me if she can go 'cause I know it also breaks her heart to see us in a difficult situation. But I have to unleashed the selfishness in me so allowed her to go. This is for everyone’s best. We will always be grateful that she spent 6 "boring" months with us.
Bakit cheesecake moment? Sa Pilipinas kasi, when I feel really down I always get myself a slice of blueberry cheesecake to cheer me up. Kaso walang Red Ribbon of Cheesecake, etc. dito so sorry na lang ako.
2 comments:
malungkot talaga pag may nakikita tayong umaalis lalo na mga magulang natin.Sandali lang ang isang taon at makikita mo ulit ang mum mo.Libangin mo nalang sa ibang bagay ang sarili mo para ma mabawasan ang kalungkutan mo.
masarap ang cheesecake ng sara lee. mabibili mo sa foodtown or pak n save. pero yung nabibili sa The Cheesecake Shop, super creamy. nakakaumay. tamang-tama lang yung sa sara lee.
Post a Comment