May appointment ako kaninang 7am sa isang daycare na malapit sa amin. Tinignan ko yung facilities nila at kung pano sila maghandle ng mga bata. So far, I like what I saw. Malinis yung lugar at mukhang mababait ang mga staff nila.
Plano naming ipasok si Shannen sa daycare by mid-August. Uuwi na kasi ang mommy ko kaya wala ng makakasama si Shannen sa bahay. Sa Nov pa sana pero marami na syang kailangang asikasuhin sa Pinas.
Ang una naming option na tinignan ay ipaalaga si kulasa sa pinoy. Akala kasi namin eh sobrang mahal ang daycare. Hindi naman pala totoo. Meron kasing free 20hrs/week na binibigay ang govt kaya $130pw na lang ang ibabayad namin (kasama na ang pagkain).
The daycare idea is not really bad. Ang mga bata ay may socialization with other kids at madami silang acitivies. Meron din silang nap time sa hapon at pinapakain sila ng healthy food (hopefully this will work for my picky eater). Ang problema lang eh nagkakahawahan ng sakit ang mga bata. Di yon maiwasan kahit na nagdi-disinfect sila ng gamit at banned ang mga batang may sakit. Ang uso daw ngayon ay cold, flu, conjunctivitis at chicken pox.
By end of next week ay magta-trial kami. Dadalhin ko si Shannen doon for a couple of hrs a day. If that turns out fine, she'll be on her own. Ihahatid ko sya doon ng 7am, susunduin naman sya ni Henry ng 3pm. This works for a lot of families so sana mag-work din sa amin ang ganitong setup (*fingers-crossed*).
2 comments:
Jinkee, pwede ka maka-claim ng tax rebate sa childcare. itago mo mga resibo mo. one third ng total cost but not more than $1650, whichever is lower.
kapatid, teynks sa advice. lahat ng resibo itatago ko. sayang din yung rebate. Sa amin, talagang every dollar counts.
Post a Comment