Thursday, August 16, 2007

Clever salesmen

Nasa NZ Herald ngayon yung balita kung pano na-revive ng isang medical equipment salesman ang isang nag-heart attack. Nataon na nagde-demo ng defibrillator itong si salesman kung saan naganap ang aksidente. I'm sure madami syang mebebentang gamit after that real-life heroic act.

Naalala ko tuloy yung kwento ng isang kaibigan kong ahente noong nasa university pa ako. Pero itong version nya eh "for reel". Top salesman ng Vulcaseal itong si Kuya Raul. Madiskarte sya sa pagbebenta ng produkto nya. Sari-saring gimik ang ginagawa nya para makakuha ng madaming order. Ito ang isa sa mga istayl nya (very effective lalo na pagkatapos ng bagyo). Sa halagang Php50, aarkilahin nya ang isang tambay para "sumama" sa kanya. Papasok sa hardware itong si accomplice at magtatanong kung may Vulcaseal sila. Pag wala, sasabihin nyang "sayang, bibili sana ako ng madami". After a while, dadating si Kuya Raul at mag-aalok. Syempre dahil sa may (artifial) market demand, eh mag-o-order ngayon itong si hardware. Ayos!

Eventually, naging sikat ang Vulcaseal (but not necessarily because of his efforts). Nagkaron pa nga nga madaming TV adverts at promo sa PBA. Hindi na nya kailangang maghagilap ng tambay sa kanto para kumota. Matagal na akong walang balita kay Kuya Raul. Ewan ko yun pa din ang trabaho nya. Anyway, kung ano man ang ibebenta non siguradong klik dahil sa creativity nya.

3 comments:

Wato said...

jinkee,kakatuwa kala ko ako lang ang me ganung strategy.ako naman ung isa kong helper ang papupuntahin ko sa tindahan.tapos pabibile ako ng blend 45 or great taste.tapos after 10 minutes dadating na ko"Good morning ati!ahente po ako ng urc.mga chippy , piatos ,nova ,hunts pork & beans at BLEND 45 at saka GREAT TASTE!"Tapos sabi nya " ay oo! me naghahanap nyan!bigyan mo ako ng tig isang dosena!Ang hirap lang pagbalik ko the following week tig isang dosena pa rin un display nya!

jinkee said...

@ wato,

style mo din pala yon. ha ha ha. di ba nakakahalata yung mga binebentahan mo. May Chippy din dito. Lagi akong bumibili non kasi "buy pinoy" di ba. Pero gawa pala yon sa Indonesia.

Kumusta naman ang mga manok dyan? Nabubuhay ba sila dyan eh ang init?

regards

Wato said...

hinde naman.ok naman mga manok dito kahit mainit.kumakain na lang sila ng halls at snowbear.ngek!