Monday, August 20, 2007

Daycare: Separation Anxiety

Shannen’s first 3 half-days in daycare went just fine. Pero nung pang-apat na araw na, ayaw nang pumasok. “I’m sad when I’m there”, yun ang rason nya. I asked her what making her sad. Ang tagal daw kasi ng pasok at nami-miss nya kami. Halfday pa lang yon nagre-reklamo na, starting this week 8hrs a day na sya doon.

Nang ihatid ko sya kaninang umaga sa daycare, umiiyak at ayaw nyang bumaba ng kotse. Binuhat ko sya hanggang sa loob ng daycare. Nang nakita ng teacher na na umiiyak sya, kinuha nya si Shannen. Sinenyasan nya ako na pwede na akong umalis. Gusto ko pa sanang magtagal doon hanggang sa ma-appease sya but that wasn’t a good idea. I will just prolonging our agony. Yup, our agony kasi nagdudugo din ang puso ko na iwanan sya doon na umiiyak. Feeling ko nga mas apektado ako kasi si Shannen pagkaraan ng ilang sandali ok. Eh ako, buong araw nato-torture sa kakaisip sa kanya.

Oh my poor little girl, how I wish I can be with her all day. But that’s not possible at the moment. Siguro kung tatama ako sa lotto o kaya magiging manager sa trabaho si Henry, pwede pa. Sa November pa pwedeng bumalik ang Mama ni Henry so 3 buwan kaming magtitiis sa ganitong situation. Cheesecake, cheesecake ….. can someone please give a me slice. please….

6 comments:

Anonymous said...

sana talaga mag kapit-bahay lang tayo para maigawa ka ni mackie ng cheese cake.

Anonymous said...

masasanay din si shannen ,wag ka na mag alala ganyan talaga ang mga nanay pag dating sa mga anak masyado tayonmg apektado

yra said...

(((hugs))) to you jinkee..sabi nga nila, mas malakas ang separation anxiety ng parents kesa sa anak..kaya masasanay ka rin =) it's just a phase, soon magpapahatid pa si shannen sa yo.

Unknown said...

First year namin dito, si alexis hatid sundo pa ( hanggang classroom pa!)....2nd year hatid na lang ( parking lot na lang kami. ), pauwi may mga kasama na, ayaw na niyang pasundo. Paano kaya next year.... Ganyan talaga lalo na pag daddy's girl :-)

Anonymous said...

te,
visit me at starbucks, i'll give you a mini blueberry cheesecake witg matching coffee.. hehehe.... :-)

jinkee said...

@ malou,

pwede bang ihingi mo na lang ako ng copy ng recipe ng cheesecake kay Mackie :)

@ g,
mabuti pa kayo ni cioline inseparable. ok lang sa aking ang maging mom all the time.

@ ary,
musta na? ok-ok na si Shannen. umiiyak pa din pero di na araw-araw. but it still breaks my heart that some strangers take care of her.

@ mark,
daddy's girl pala si shobe nyo. ganyan din si Shannen. sabi ng iba cherish those moments daw dahil in a few years may sarili na silang gimik.

@ cindy,
sige, bibisitahi kita dyan one of these days para matikman ko yung kape mo. thanks :)