Monday, August 13, 2007

Shannen's first day at daycare


Maagang nagsimula ang araw namin kanina. Alas 5:30am ako gumising para ihanda lahat ng gagamitin ni Shannen sa daycare. Si Shannen naman 6:30 ko pinabangon. Normally, 8:30 ang wakeup time nya. Di naman ako nahirapan kasi excited sya sa first day nya.

Pagdating namin sa daycare, may 5 bata na kaming dinatnan. Nag-aagahan sila ng toast. Maganang kumakain yung mga bata, nakakainggit. Pinakain ko ng baon naming chocolate chips si Shannen (kaya medyo matambok ang pisngi nya sa picture). Kumain lang ng 2, tapos ayaw na. Sana eventually ma-encourage syang kumain ng mas madami sa daycare.

Bawal ang may nakakahawang sakit sa daycare, yung ang nakalagay sa house rules nila. This is conforting to know. Pero 2 bata ang nadinig kong uubo-ubo. Apparently, di masyadong pinapansin ang ubo dito kaya pwedeng papasukin ang bata. Hay naku, wag naman sanang mahawa si kulasa.

Since settling period pa lang ito ni Shannen sa daycare, half-day lang muna ang pasok nya. By noon, lumabas si Henry sa trabaho para iuwi si sya sa bahay. Next week, fulltime na sya doon.

O sya, matutulog na kami. Maaga pa ulit kaming babangon bukas. good night

2 comments:

Anonymous said...

sinong kasama ni shannen sa bahay kapag 1/2 day lang sya? sana mag-kapit-bahay lang tayo para may kalaro ang shobe namin.

jinkee said...

Hi Malou,

Last week nandito pa ang nanay ko kaya pwedeng halfday lang ang shobe namin pero ngayon fulltime daycare babe na sya. Sana nga magkapitbahay lang tayo para maturuan ng shobe nyo si Shannen na maglaro ng Barbie. Puro lalaki kasi ang kalaro nya ngayon