Friday, August 03, 2007

First language?

Sinagutan ko kagabi yung application form sa daycare. Nang dumating ako sa section na Child's First Language, napaisip ako. Ano nga ba ang ilalagay ko don? English na ang salita ni Shannen 75% of the time. Mula ng mag-kindy, nagsimula ng dumami ang english vocabulary nya. Kausapin man namin sya ng tagalog, english ang isasagot.

Nauwi ako sa paglalagay na "English/Filipino" ang first language ni Shannen. It's inevitable that english will be our kids first language as this is what they deal with most of the time. Gayun pa man, tagalog (or filipino) pa rin ang gagamitin namin sa loob ng bahay.

2 comments:

Anonymous said...

ganyan din kami sa bahay, tagalog ang usapan pero madalas si shobe 10y/o english na sumagot. sila mackie & aldrin naman matindi pa rin ang tagalog at heto pa american accent ang english ng mga teens pero si shobe kiwi accent.

jinkee said...

Hi Malou,

We're trying our best na hindi maging kiwi accent yung mga bata. Sanay na ang tenga kong na makarinig ng local accent pero di ko pa rin type kung manggagaling yon sa kasama ko sa bahay. Hindi kasi cute :D