It’s very common for a pinoy to have a relative abroad. It’s not surprising anymore to know that your neighbor or officemate or former classmate also plans to live and work abroad. Favorite ng mga pinoy ang US. Pumapangalawang destination ang Canada. Now Australia and New Zealand are getting popular. Compared kasi sa dalawang naunang bansa, mas madali ang migration procedure sa ‘down under’.
When I read in INQ7 that Philippines is among the top migrant sending countries, I somewhat expected it. What stunned me is that we are actually 3rd in the list. Kahit nakapikit, alam nating lahat na China ang # 1. Kahit saang sulok ng mundo may chinese. The next one is India. In terms of population and land area, di hamak na malaki yung top 2 countries. India alone is 11 times bigger than the Philippines in terms of population and land area (3.3M sq km sila, 0.3M lang tayo; 1080M people sila, 87M tayo) and yet pumangalawa tayo sa kanila. There are 20M Indians overseas while Philippines have 7 million deployed around the world.
Is migration good or bad? Well it depends on who is asked. Para sa gobyerno, ok kasi malaking pera yan para sa bansa. Para sa mga kamag-anak (esp. mga anak) na naiwan, it could be devastating. Di na mabilang ang kwento ng mga pamilya ang nasira dahil kinailangang umalis ng tatay. Ilang kabataan ang napariwara dahil nawalan ng ina na mag-aaruga at gagabay... haaay naku, malalim na isyu to. Iba-iba ang dahilan sa pag-alis sa lupang tinubuan pero nangunguna dito ang economics. Sa dami ng tao sa Pilipinas at sa gulo ng mga politiko, ang pangarap na pag-asenso ni Juan Dela Cruz ay nananatiling pangarap. Sana dumating ang panahon na wala nang makakaisip ng umalis ng Pilipinas. ika nga, home sweet home
No comments:
Post a Comment