Tuesday, October 04, 2005

Happy 6th Birthday Vince

Medyo masama ang pakiramdam ko since yesterday kaya tinanghali ako ng gising kanina. When I opened my eyes, wala na si Vince sa kama (tabi-tabi kasi kaming matulog, hi hi hi). Pagbaba ko ng bahay, I saw him preparing for school. I gave him a big hug then greeted him Happy Birthday. Sabi ko sa kanya ako na ang magbibihis sa kanya. Aba, wag na raw. 6 years old na daw sya at kaya na nyang magbihis mag-isa. Napangiti ako. Parang kailan lang mukha syang bubwit na kinakarga ko. Ngayon, marunong nang magbasa, mag-toothbrush at magbihis nang walang tulong itong si kuya. Ilang panahon pa, magkakaron na sya ng sariling buhay, sariling mundo. Sana mapalaki namin sya ng tama para tama rin ang mga gagawin nyang desisyon sa buhay nya.

Happy 6th Birthday Vince. mwaaaaahhhh!

5 comments:

Flex J! said...

Mama Jinks...ang guapo ah!!!! kanino nagmana papa o mama???

smiles...
--jun--

Bluegreen said...

Happy birthday kay Vince! Hi Ate Jinkee! have a nice weekend!

jinkee said...

Jun,
Syempre kamukha ko.... pero mga kuko lang. Ang lakas kasi ng dugo ni Henry =(

BG,
Thanks. Renewed person na ang anak ko. Sya na ang naliligong mag-isa ngayon. Pati pinagkainan nya gusto sya na rin ang maghuhugas. syempre natutuwa ako. he he he

Ka Uro said...

guapo nga. parang alvin patrimonio. now i'm trying to recall kung sino ang kamukha. ikaw ba o si henry?

jinkee said...

KU, Glad to know you're back safe and sound. Na-miss ko yung blog mo. Update mo kami ha.

Dati sumasama ang loob ko pag sinasabing kamukha ni henry si Vince. Ngayon ok na. Basta yung bunso namin kamukha ko. he he he