Magbabalik-tanaw ako sa ginawa ni Henry na pag-a-apply ng NZ tourist visa noong 2004 (di pa ako blogger that time).
January 2004 nang sabihin ng NZIS na 195 ang EOI selection points. Although bumababa naman ito every month, feeling namin malayo pa bago daanan ang 115pts namin. Henry and I entertained the idea of going to NZ as tourist then find a job whilst there. Si Henry muna, susunod na lang kami. When I mentioned this to my friend Len, she immediately sent Henry sponsorship form (NZ citizens na silang pamilya). Dip ala basta, basta sinasagutan yung form na yon. They went pa to the embassy to have it checked/authenticated.
Before going to the embassy, we already prepared the documents they require:
- Visitor’s Visa app form
- Passport
- Booking certificate (iba ito sa plane ticket)
- Emp. Cert
- Financial docs – bank cert, passbook, etc.
- Certificate of assets
- Sponsorship Form
Sa BPI Center sa Buendia ang office ng NZ embassy. Mga 8:30am kami dumating pero di kami pinaakyat agad nung guard. Dapat daw 9am impunto.
Sa itaas, hintayan na naman. Di lang kasi basta nagsu-submit ng documents. May konting interview na ginagawa yung visa officer upon receipt of application (sa may window lang naman ito). Nung kay Henry na, may mga tanong si v.o. na di nya marinig so come to the rescue si stage-wife (medyo ako yon). Nung una ok lang, pero nung second time na nag-coach ako, I was asked to return to my seat. Pahiya ang beauty ko. Henry was holding a slip when he returned to his seat. Nakalagay doon yung interview sked nya, July 13 daw.
Naka-formal si Henry nang bumalik for the interview (syempre kasama pa rin ako sa eksena). Mga 20 minutes tumagal yung interview. Tinanong daw kung ano ang gagawin nya sa NZ, saan sya titira, pano nya nakilala yung sponsors nya, ilang taon na yung mga members ng family ng sponsos nya (?), etc. Medyo nasilip din na ilang beses nang nag-sponsor ng relatives si Len and husband sa bahay nila. Tamang duda yung v.o. Ika nga, guily ka unless proven innocent.
Several days later, bumaba na yung result ng application. Nakakapanlumong denied ang hatol. Ang rason - no incentive to return to home country. However, Henry was given a chance to make an appeal. Dumugo ang utak ko sa pag-compose ng letter. Nilagay namin don na may stable job si Henry, could very much afford to pay for his trip, etc.
July 26, the final verdict arrived. Mag-isa akong pumunta sa embassy. Hindi tatak sa passport ang nakuha ko kundi isang malaking denial letter. Wala na kaming magawa. It is not our right to be travel to NZ, it’s just a privilege. Kung ayaw nila, wala kaming magagawa. Pero sumama talaga ang loob ko. Umuulan noon pero sige lang, lumakad ako papunta sa kotse kahit nababasa.
Isang araw ko ring dinamdam yong rejection na yon. Not sure if Henry felt the same, mas cool yon kesa sa akin. When I went back to my senses, I realized that there is nothing more I can do about it. Dapat na lang naming paghandaan yung plan B which is to wait for the pts to drop to 115. Di nagtagal, bumaba sa 100 ang selection pts. Pasok na kami.
Looking back, it’s good that Henry’s bid for visitor’s visa was not accepted. Medyo magastos din yon at walang katiyakang may trabahong makukuha. God is really good. When He closes a door, He opens a window.
15 comments:
Nangingiti ako kasi di ba ang laking hirap pinagdaanan nyo before it is finally in your hands. Di nga ba mas masarap ang victory pag pinaghirapan mo at di nakuha sa isang iglap lang. At pag alam mong worth it, you won't give up on it until all options are explored. Tama ka when God closes the door He opens a window somewhere.
Na-inspire naman ako dito kaya when it is my turn, I will remember this. Thanks for sharing it. Godbless!
Hi Jinkee,
I know the feeling....kakapanglumo.
Pero kung may gusot, may lusot naman. Dumating na ba ang pinakamimithing visa?
Hi BG,
Maraming laban sa buhay ang talagang pinaglalaban at meron ding isinusuko na lang. Everytime we look at our kids, we tell ourselves that they deserve the best we can offer.
How I wish I can say that we are victorious. Wala pa kasi yung visa namin. Although approved na yon in principle, we still have to see the stamp on our passports.
Hi Malou,
Kumusta ba sa Chch? still freezing?
Alam kong mas madugo ang pinagdaanan nyo pero kita mo naman, andyan na kayo.
Miss ka na namin :-)
Hi! Masakit na ang tama ng araw sa balat, 18deg na kami dito sa Chch pero mahangin pa rin. Laging nakapusod hair ko "filipina styl" kundi magmumukha akong bruha.
it's me
Malou,
Bagay naman sa yo ang nakapusod, beauty ka pa rin ;)
God indeed has a reason for everything. True enough, kung visitor's visa ka lang, very limited lang ang magagawa mo. Walang katiyakan. Mabuti na nga rin ang nangyari. At least, nasa sa ayos ang lahat sa umpisa pa lang. Good luck ha? Lapit na pala kayong makarating dito. :)
Hi Kiwipinay,
Salamat sa pagbisita. Sana magkita tayo pagnakarating na kami dyan :D
oo naman. maliit lang ang nz. magkikita at magkikita tayo rito. :) magpasabi ka lang kung parating ka na. kung sa auckland destination nyo at walang susundo, just let me know, ok?
KP,
Salamat ng marami. Sana makita ko yung mga flatmates mo pagdating namin dyan.
hahahaha!!! lekat na yan! mukhang ang mga flatmates ko pala ang gustong makita. LOL!!!
syempre ikaw muna bago yung mga torturers mo :)
hahahaha!!! torturers! napatawa mo tuloy ako ng wala sa oras dine!
kailan daw ba? ano na bang stage ang papeles nyo?
Hi KP,
Parang understatement pa ata yung 'torturers' eh :)
Walang balita kung kelan dadating yung visa namin. Di man lang kasi nagpaparamdam itong si visa officer. However, pangako ng ibang visa officers dun sa mga kasabay namin na by end of November daw. Sana kasama kami doon.
oo... ganun nga sa loob. may malaking problema kasi rin sila. kulang sila ng tao. maraming umaalis kaya napepending ang karamihang papeles. tas iba na rin talaga ngayon at nagkakahigpitan gawa ng mga ibang controversies nung nakaraan. kaya malakas ang pressure sa mga VO. try mo rin na mag-follow up baka sakaling umusad.
kung by end of november, sandali na lang yan. good luck ha? :D
Post a Comment