Wedding ng officemate ko tomorrow. Anak yon ng president naming kaya talagang bongga. Shangri-la Makati ang reception. There were only a handful of us who are invited, nakakahiyang di umattend.
Matagal ko nang pinoproblema tong occasion na to. Una, wala akong isusuot. Strickly formal daw ang attire. I only have 2 dresses that qualify. One is a maroon cocktail dress I wore on Tinay’s wedding 3 yrs and 10lbs ago. Nang isukat ko, muntik nang di mag-abot ang zipper. Imposibleng makaupo ako nang di bumibigay yung mga sinulid. Last months, I promised myself to loose some weight. Di kinaya ng powers ko. Masarap talagang kumain lalo na sa gabi. Tapos tuwing nag jo-jog or jumping jack naman ako, ewan ko ba kung bakit lagi akong nawi-weewee. 15 counts pa lang kailangan ko nang tumakbo sa banyo.
Dress #2. I wore this in Dec of 2003. No diet nor exercise necessary. Di problema sa paghinga dito. Pano ba namang hindi, I was 5 months pregnant when I wore this. Pangit tignan kasi ang luwag, pero wala na akong time magpa-repair.
Last week, nagdala yung isang officemate ko ng mga damit nyang formal. Buti na lang may nagkasya sa akin. May matching shoes and bag akong nakuha from my mom’s closet. Solve na ang costume ko.
Gift… Gift checks lang ang nasa bridal registry ng couple. Yung ibang officemates ko P2000 daw ang ibibigay. Kainis, wala pa man din akong pera ngayon. Kung pwede sana ang ibang item, madali lang yon, may credit cards naman ako. Bahala na kung magkano ang ibibigay ko.
Yan kasi ang problema sa mga hindi sanay sa sosyalan. Natataranta pag may mga social gatherings. Kung pwede lang sanang umabsent. One thing that I look forward to is rubbing elbows with the rich and famous. May mga tycoons na nandon. Meron din mga politicians. Titignan ko kung pano sila kumain. He he he. Kukwentuhan ko kayo sa Monday.
3 comments:
nakakarelate ako dito sa post mo. anti-social kasi ako. di ako mahilig sa sosyalan. good-luck na lang sa yo at sana mag-enjoy ka sa reception. liliitan mo lang ang subo mo. di ba ganon ang mga pasosyal? nabubusog kaya sila?
Hi Jinkee, ako rin, same problem, wala akong damit na formal--aside from my barong. Swerte ko na lang na ok ulit-ulitin ang barong for all the wedding I go to.
Sa reception, iba ang advice ko: mag-enjoy ka sa food. Pag sosyal na kasal, sosyal din ang pagkain. Malamang may wine din, so order ka na rin ng wine.
Hi KU and Jesse,
Success naman yung party. Di ko lang masyadong na-enjoy food kasi it's 'hotel food'. Ewan ko ba kung bakit mas type ng palate ko yung pagkain sa Ongpin at carinderia sa kanto sa amin =D
Post a Comment