Monday, October 17, 2005

4 Forks, 3 knives, 2 spoons and 1 teaspoon

I was able to get everything fixed for the party last Saturday. Last minute na nung nag-decide akong magpa-parlor para naman maging pinstraight yung crowning glory ko.

4:00pm yung wedding ceremonies but I got there at 6:00pm so sa reception na lang ako pupunta. I parked at Landmark, mahal sigurado kung doon mismo sa 6750 ako paparada. Ang dami nang tao sa labas ng ballroom when I arrive. They were waiting for the entourage to arrive. Narinig ko na nagpi-picturan pa sila doon sa ceremony venue.

It almost 7pm when the ballroom door opened. We immediately rushed our table because our feet were already hurting. Nalula ako sa utensils na nakahain. There were 4 Forks, 3 knives, 2 spoons and 1 teaspoon on the table. Baka kaya iba-iba pang klaseng kubyertos yon eh pwede namang isang pares lang ng kutsara, tinidor, kutsarita at kutsilyo? Nag-text ako agad kay Henry, asking for help. Syempre nakakahiya namang magtanong sa katabi ko kung kainan time na. Sabi nya, rule of thumb daw, use the outermost utensil first. Ewan ko kung nanghuhula lang ang asawa ko, eh katulad ko rin naman yong once in a blue moon lang pumunta sa sosyalan. Bahala na. I used whatever suits me.

Nung makita kong nagse-serve na ng pagkain yung mga matipunong waiters, talaga namang natuwa ako. Kung hindi naman kasi, baka bumulagta na ako doon because of hydoglycemia. Nabusog naman ako doon sa food. Actually, halfway through the menu eh busog na ako. I really enjoyed the pasta and salmon. May mga nakita akong nagwa-wine pa. Di naman ako sanay don kaya pass ako. Baka mamaya di pa ako makauwi ng bahay. Habang kumakain kami eh may mga kumakanta. Natutuwa ako doon sa nag-perform na galing pa talaga ng China. Akala ko mababasag yung mga baso doon sa tinis ng boses.

The highlight of the program was the message of the bride and groom to their parents, relatives and friends. After that, umuwi na kami. I got home at 11pm.

4 comments:

Flex J! said...

akala ko yung mga forks and spoons ---give away, dami eh,....hehehe

Preho pala tayo di masyadong sanay sa sosyalan.....

jinkee said...

Oo nga, Jun. Kawawa naman yung naka-assign sa lababo, ang dami nyang huhugasan. he he he

Anonymous said...

napangiti ako ng lihim, me naalala ako (nung medyo bata pa ako) me nag-invite sakin, ayun sa sobrang kaba di alam kung anu ang uunahin sa spoons , halos tinikman ko lang.

lam mo jinkee, halos nabasa ko ang blogs mo from the start, rami akong nakuhang tips for NZ, i gave it my bro-in-law. everyday i'm visiting ka uro's blog and others.

jinkee said...

Hi Anonymous,
Salamat sa pagsubaybay. Sana di ako maubusan ng mga mai-she-share sa inyo :-)