Thursday, October 13, 2005

Di mapakali

I feel so awkward today. Di ako mapakali. Nakakailang. Uuwi ba ako ng maaga o hindi. Bat naman kasi na-overlook ko yon.

Magkaiba yung medyas na naisuot ko (I bear boots kasi). Pareho naman ng kulay pero yung isa mahaba, yung isa maikli. One is made of cotton, polyester ata yung isa. Medyo nasasakal yung kaliwang paa ko dahil sa garter, maluwag naman yung sa kanan. Haay, ang hirap ng ganitong feeling. Lagi kasi kaming nagmamadali sa umaga kaya sa kotse na ako nagsusuot ng medyas. Huli na nang ma-realize ko na di pala sila magka-partner. Henry is already late for work, kaya di yon papayag na bumalik kasi. Kaya ako, pinagtyagaan ko na lang kahit magkaiba ng lapat yung paa ko.

Sana uwian na.....

3 comments:

Flex J! said...

I can't help it but laugh....ok ang comedy mo ha...subtle ang dating....

sana uwian na...

LOL!

kukote said...

next time, yung partner naman nung dalawang medyas ang isuot mo... para maging balanse na ulit ang lapat ng paa mo... hahahaha!

have a nice day!!

jinkee said...

Jun and Marhgil,
Nangyari na ba sa inyo yon? Ang hirap naman talaga di ba.