Thursday, October 13, 2005

Apat dapat

Ito yung assignment ko mula kay Flex!J

APAT NA PINAKADAKILANG PILIPINO
1. Ninoy Aquino
2. Ramon Magsaysay
3. Tatay ko
4. Nanay ko

APAT NA PILIPINONG HINAHANGAAN MO SA ANUMANG LARANGAN
1. Bayani Fernando
2. Tony Meloto (Gawad Kalinga)
3. Sen. Mar Roxas
4. Cong. Francis Escudero (he’s brillant, ayaw ko lang na nasa panig sya ni Erap)

APAT NA MAGAGANDANG LUGAR SA PILIPINAS NA NARATING MO
1. Baguio
2. Subic
3. Ilocos
4. Manila Bay (pag sunset, yung tipong di mo na maaninag yung mga lumulutang na basura)

APAT NA LUGAR SA PILIPINAS NA GUSTO MONG MAPUNTAHAN
1. Boracay
2. Amanpulo
3. Davao
4. Sorsogon

APAT NA BAGAY NA PAG-NAKIKITA MO NAALALA MO ANG PILIPINAS
1. Tabo
2. bahay kubo
3. Karitela
4. jeepney

APAT NA PUTAHENG PILIPINONG PABORITO MO
1. sinigang sa miso
2. kare-kare
3. daing na bangus
4. inihaw na talong

APAT NA SALITANG PILIPINO NA KAILANGAN MO NG TALASALITAAN PAG IYONG NARINIG
1. burnik (ito ang word of the day ko courtesy of my friend Jay)
2. salipawpaw – airport
3. pasimano – window pane ata
4.

APAT NA KANTANG PILIPINONG GUSTO MONG MARINIG
1. Lupang Hinirang
2. Pinoy Big Brother theme
3. Sa Kabukiran
4. Bahay Kubo

APAT NA MATATAMIS NA SALITA O KATAGANG PILIPINO
1. giliw
2. irog
3. sinta
4. jowa (ngek!!!)

APAT NA APELYIDO NA PAG IYONG NARINIG NAKAKATIYAK KANG SILA AY PINOY
1. Magpantay
2. Dimayuga
3. Liwanag
4. Munsayac

APAT NA PANGALANG PINOY NA AYAW MONG IPANGALAN SA IYONG ANAK
1. Ambrocio
2. Pogito (may officemate akongyan ang panglan)
3. Junior
4. Baby

APAT NA LARONG PILIPINO NA NALARO MO NA NG BATA KA PA
1. Moro-moro
2. Patintero
3. Tumbang Preso
4. Touch the color

APAT NA BAGAY NA AYAW MO SA PILIPINAS
1. graft and corruption
2. traffic
3. trapos
4. poor health service
5. mga driver ng bus and jipney
6. usok
7. baha
8. basura everywhere
9. Filipino time
....ha, apat lang ba talaga dapat?

APAT NA BAGAY NA GUSTO MO SA PILIPINAS
1. pamilya
2. kaibigan
3. kapitbahay (kahit minsan mga tsismosa)
4. tumatawa ang mga tao kahit maraming problema

APAT NA BAGAY NA GAGAWIN MO KUNG IKAW ANG PANGULO NG PILIPINAS
1. i'll see to it that all law-breakers get penalized
2. Ang penalty, community service
3. supilin lahat ng mga nangongotong
4. Magre-resign ako!


Di ko na maipasa ito, all of my blogmates have already been tagged.

4 comments:

Anonymous said...

Hi Jinkee,

Sori sa pangugulit, pero anong hindi mo gusto sa pangalang Ambrocio?

Ambrocio :)

jinkee said...

Ooooopsss.... may natamaan ba ako? sowee. Wala lang, di ko lang type yung ipangalan sa anak ko. Pwede namang Andrew, Gabriel, Miguel, Jose, etc.

Flex J! said...

ang dami mo palang ayaw sa pinas kaya pupunta ka sa NZ...hehehehe

jinkee said...

Hi Jun,
Masurin kasi akong tao (I had 2 Obedience awards in grade school). Mapa-company policy, traffic rules o promo mechanics pa yan, talagang sinusunod ko. Sa bahay nga talagang nagse-seggregate ako ng basura. Kaya I really feel bad pag may nakikita akong wala sa ayos.

By the way, nakalimutan kong ilagay doon ang street children. Hindi naman sa ayaw ko sila, ayaw ko lang ng may mga bata na kailangan pang pumunta sa kalye para may makain.