Bat ba lagi na lang akong may problema sa color coding? Nung Friday (Nov. 25), isa na namang nerve-wrecking na pangyayari ang naganap. Tandang-tanda ko pa ang lahat... tinganing-nganing-nganing….
Bibili ako ng plane ticket para kay kawsin na magbabalikbayan ngayong mid-December. Nag-suggest kasi ako na mag-Boracay sya para naman maging masaya ang vacation nya. Tamang-tama, meron akong officemate na pupunta rin ng Boracay pero on a later date. Sabi ko sa kanya, sabay na kaming pumunta sa Asian Spirit ticketing office sa Araneta Center, Cubao para mas tipid (walang credit card sur-charge pag diretso Asian Spirit ang payment). Umalis kami sa office nang lunchtime, babalik kami bago mag alas-tres. (‘window’ or lifted ang color coding from 10:00am to 3:00pm).
Pagdating namin sa ticketing office, may 4 na clients kaming inabutan. 2 ang nasa counter na, 2 naman ang nakaupo pa. Ayos, madali kaming makakabalik sa office, sa loob-loob ko. Ang di namin alam, tutubuan pala kami ng ugat sa paghihintay. Palibhasa, busy kami sa kwentuhan, di namin namalayan ng oras. 3:06pm nang matapos kaming magbayad. I got completely oblivious of the coding scheme. Nag-aya pa akong uminom ng juice kasi natuyuan na ako ng laway sa kakadaldal.
3:28pm lumabas kami ng parking lot ng Shopwise. Not so far away, may nakita akong 2 pulis. Biglang nataranta ang mga brain cells ko. Naku! tapos na pala ang coding window. Nag-isip ako ng mabilis – magpapahuli ba ako para makauwi na o iiwan ko ang kotse sa parking lot hanggang 7:00pm? Kung magpapa-tiket ako, di pa rin tapos ang kalbaryo ko. Siguradong sisitahin ako ng lahat ng pulis/MMDA na madadaanan ko. Abala yon. Iwan na lang si Yummy (nickname ni kotse) sa parking lot, safe naman siguro yon doon. Bigla kong kinabig ang manibela para bumalik sa parking lot. Nag-taxi na lang kami pabalik sa office.
Nang uwian na, bumalik ako ng Cubao. Panay ang dasal ko habang papalapit sa parking lot. Sana nandun pa si Yummy, sana nandun pa si Yummy, sana nandun pa si Yummy. Nakahinga ako ng malalim nang nakita ko syang di natinag. Naglipana ang mga pusakal sa paligid, buti na lang spared si Yummy. Salamat po, Lord.
Haaaay... Another exciting day. Another lesson learned. Pero sana wag nang maulit to sa akin.
5 comments:
"The coding Experience......pero ang ganda ng sound effect mo...tinganing-nganing-nganing! LOL! Aliw na aliw ako....LMAO!
Buti walang natakam at kumain kay Yummy....
Ingat!!
YUMMY..cute naman ng name ng car mo..Buti di sya nagutom ng iniwan mo sya sa parking.
UMY kasi ang start ng plaka ko kaya yUMmY ang tawag namin sa kanya.
Jun,
Pardon my ignorance, ano ba LMAO? Medyo kulang ata ako sa iodine lately :-)
LMAO - Laughing My A** Out!
eh ano naman yung A** :)
Post a Comment