Friday, December 16, 2005
Hubad na Bayani
Ka-swerte naman talaga ng mga taga-UP . Nasaksihan nila kahapon ang annual Oblation Run sa kanilang campus. Ito yung pagtakbo ng hubad ng mga members ng frat na Alpha Phi Omega (APO). Bago nyo isiping pervert sila, may malalim na mensaheng ipinararating ang "greek" society na to sa kanilang effort. For this year, the issues are budget cut for the tuition, the backpay and cost of living allowance woes of the UP employees; and the implementation of the EVAT.
Konting background muna. Pano ba nagsimula ang Oblation Run? It started in 1977 as a publicity stunt for the play "Hubad na Bayani" which fraternity sponsored. The play was about censorship of the Marcos regime. Naging tradition na ito sa mga susunod na taon. Isinasabay ito sa founding anniversary ng group.
Contrary to common beliefs, hindi neophytes or aspiring members ang pinapatakbo dito kung hindi mga full-pledged brods na nag-volunteer. However, di naman kailangan taga-peyups sila. APO rin yung iba kaya lang from other schools. Nakatakip ang kanilang ulo sa pagtakbo. Syempre, dyahe yon kung may peklat ka sa pwet tapos makikilala ka ng tao. After the run, tumutuloy daw sila sa shower. Kaya para malaman kung sinu-sino ang kasali, abangan nyo yung bagong ligo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
ngayon ko lang nalaman ang purpose nila kaya sila tumatakbo.Ala kasi ako paki sa mga tumatakbo na yan.Buti na lang nabasa ko blog mo...Kung ako sa kanila wag silang maligo after ma exposed ang mga...nila.Para di halata di ba.
Hi Gi,
Oo, may purpose talaga yung pagtakbo na yon. Ewan ko lang kung naiintindihan pa yon ngmga nanonood. Baka sobra silang na-e-excite sa 'view' kaya nase-setaside yung real purpose.
Kiwinoy,
I understand why. Priority mo na kasi noon si 'wan en onli' at syempre ang studies.
Nag-aaral ako sa UP sa ngayon but I never saw that oblation run nor have the interest to watch..hahaha! I would definitely feel embarrassed being caught watching that.
Ah buti explain mo why they do that. Ngayon ko lang din nalaman. Well kanya kanyang pamamaraan yan..ako kasi i never believe in things na passed on lang by tradition. I need to understand. And most of our traditions, i do not quite agree kahit kuha ko na ang rationale..in other words, di pa rin ako solb sa dahilan kung bakit may oblation run heheheh..sa kin, perversion pa rin yon hahaha!
Anyway, ATe Jinkee! Merry Christmas sa inyo! God bless!
Hi Jinkee!
taga UP ka ba????hehehehe Mapua ka di ba...gaya ni Blue, dumadayo sa UP kada oblation run...hehehehe...joke!!!
Happy holidays to all of you!!!
Post a Comment