Tuesday, December 13, 2005

Winter Vince



Ipadala ko kaya 'tong picture na to kay visa officer Kamonrat, mamadaliin kaya nya yung issuance ng visa namin? Sasabihin ko sa kanya na despite warm and humid weather in Manila, my son insists on putting on a fleece jacket. If he continues to do this, he might get dehydrated.

Actually, paka kay Shannen tong jacket na to kaso lang ayaw i-try kasi natatakot. Para nga naman kasing may nagtatagong sheep sa loob. I got 2 pcs from Cristina of pinoyz2nz. P200 ang isa. Medyo hindi kami excited for NZ di ba.

9 comments:

Sassafras said...

nice jacket! talaga nga, P200 ang isa? di kaya nakalimutan mong ilagay yung isa pang 0? :D heheh. may pang 4 month old baby kaya niyan?
i'm sure you will get good news soon :D

kukote said...

hindi nga obvious na excited kayo... hehehe. kapag andun ka na, blog ka pa rin ha ;)

jinkee said...

Kiwinoy,
Siguradong masisiyahan kayo sa pagsho-shop sa Divisoria. Marami nang shopping centers don na naka-aircon - Divisoria Mall, Tutuban, 168, Meisic, etc. Pero dapat off christmas season para di masyadong madaming tao.

Sassy,
Paalis na sila Cristina come end of December. Itutuloy daw nila yung business nila sa Wellington. Pwede kang doon na bumili :-)

jinkee said...

Marghil,
Siguradong magbo-blog pa rin ako kahit nandoon na. Ang unang rason ko sa blogging ay para mabasa ng mga kamag-anak at kaba-barrio ko ang buhay namin pag nasa NZ na kami. Malapit ng mag-isang taong ang blog ko pero panay local news pa rin ako.

Anonymous said...

ang ganda at ang mura... Parang interesado ako... Don't worry Jinkee, dadating din iyan and masusuot na talaga ni Vince yung jacket sa NZ. See you there next year ...
lucie

Anonymous said...

eh di halos NZD6.00 lang papatak yan. kami ng little girl ko tuwang-tuwa kapag nakakita ng fleece jacket para sa kanya, sale na yun ha at simpleng-simple. Dito sa Chch, mga NZD 25.00-35.00 mo yan makukuha.

Anonymous said...

(nawala yung 3rd line ng comment ko)ibig kong sabihin, yung simpleng fleece jacket for kids NZD 15.00 dito sa Chch. sale pa yun ha.

Kiwipinay said...

ayus! kaso, baka kapag nakita ng visa officer mo, saka lang nya aprubahan papeles mo pagdating ng winter? ehehehe.. summer kasi na dito at di pa magagamit yan.

Flex J! said...

Hindi ka nga excited sa NZ! hehehehe

Nice jacket!!!