Grabe. Sobrang busy ako the past few weeks. Marami ng nang asikasuhin sa bahay, marami pang problema sa office. Ang resulta, na-set aside ko ang blogging. I really miss blog-hopping.
Ngayong nagsisimula nang umaliwalas ang masalimuot kong mundo, pwede na ulit akong magkwento. Sisimulan ko sa November 29. Mag tinganing-nganing-nganing ulit tayo...
5:00am, ginising ako ni Henry. Hinahanap nya yung susi nya ng owner (jeep). Di man nya madalas gamitin yon, lagi naman itong nasa bulsa nya together with other keys. Medyo na-alarm din ako kaya napabangon ako ng di oras. Pagbaba ko ng bahay, hawak na nya yung susi. Napansin ko na may tao sa banyo. Tinanong ko si Henry kung sino yung nandon, si yaya Amy daw. Nagulat ako ng sabihin nyang kauuwi lang nito. Huh? Nagising pala ang mama ni Henry kaya nagkapagsumbong na sa kanya. Umalis daw si Amy ng bahay bago mag 12mn nang di nagpapaalam tapos kinuha yung susi para makabalik sya ng di namin namamalayan. Aba, iba na yon. I confronted her right after she got out of the bathroom. Inamin nyang di nga sya natulog sa bahay at tinangay ang susi ni Henry. Pumunta daw sya sa kaibigan nya na nag-text na may problema. Grrrrrr.... Lalo akong nagalit. Pati problema ng iba pinakikialaman nya. Gusto ko na syang palayasin that very moment pero alam ko rin ang hirap na maghanap ng kasama sa bahay. Di na kaya ng in-laws ko na mag-alaga ng 2 bata. In fairness, kahit medyo may katigasan ang ulo non, ok naman syang mag-alaga kay Shannen at masipag pa.
Pumasok pa rin ako sa office that day but I was restless the whole time. Di ko alam kung may ginawa ba syang masama sa susi namin. May plano kaya syang masama? First time nga ba itong nangyari? Ang daming tanong na lumilipad sa utak ko.
Nang sunduin na ako ni Henry, pinag-usapan namin kung pano iha-handle yung situation. We agreed to reinforce the door locks. Eh si Amy, papaalisin ba o hindi? We decided to let her stay, tutal kung matutuloy kami sa NZ, ilang buwan na lang naman naming syang makakasama. However, hindi na to pwedeng maulit. Pasensyahan na lang kami sa susunod. Amy was referred to us by our longtime plantsadora who is her mom. Mabait naman si Aling Flor, di iba ang turing namin sa kanya.
Nag-plantsa si Aling Flor the following day, ipinaalam namin yung nangyari and how we feel about it. She’s so sorry for her daughter’s acts. Sinermunan nya si Amy ng todo. Nangakong di na to mauulit.
I’m not sure if we made the right decision. Alam kasi namin ni Henry kung gaano kahirap ang buhay nila kaya malaking bagay yung may mapapasukan si Amy. Tama nga ba yon o ka-engotan na? Lagi ko na lang dinadasal na sana walang mangyayaring untoward incident after this at sana Amy has learned her lesson.
3 comments:
hi jink,palagay ko maluwag kayo sa yaya nyo.Bigyan nyo na lang sya ng isa pang chance kung sa tingin nyo ay di na sya uulit.Tutal naman ilang buwan na lang kayo ng pinas.
did you find out what it was that caused her to rush out with your jeep, na di man lang nagpaalam. hirap magtiwala ulit lalo na't may nasilip ka nang medyo kaduda-duda no? i do hope that amy has learned her lesson. huwag ka mangiming sabihin kay amy yung sama ng loob mo, at iyong hinayang mo sa tiwala na nabawasan. kung di niya pa mapangalagaan iyong trust at iyong second chance-- pasensiyahan na ngang talaga.
Medyo naka-bother nga yung ganung sitwasyon...
Ingat lang at have a very watchful eyes on your yaya....mahirap na!
Post a Comment