Wednesday, December 07, 2005

P2NZ_WTR

Since madami na ngayon ang members ng Pinoyz2NZ, naisipan ni Mon Pascual na mag-create ng sub-group for those who already have their visas and those who are patiently waiting for one. Di ito break-away group, actually, most of us are still subscribed to Pinoyz2NZ.

Our first meeting was on November 5 in Jupiter St. makati. Mga 20 siguro kaming dumating. Karamihan couples. Ako, kasama ko si Vince dahil may pasok si henry that day. Ang mga napagusapan namin ay tungkol sa mga things to do before leaving. Kasama dito yung pag-punta sa Commission on Filipinos Overseas (CFO) at yung pag-collate ng mga documents na dapat dalhin sa NZ (i.e. school docs, car insurance cert. of no claim, etc.)

Nung Saturday (Dec. 3), nagkita-kita-ulit kami. May mga bagong mukha, may mga datihan na. Nakakatuwa na marami ang nabigyan na ng visa. Ang topic naman namin ay airlines at cargo. Representatives from a travel agency and a cargo co. were invited.

Nakakatuwa talaga yung ganong klaseng meet. Marami na nga kaming natutunan, may mga bagong kaibigan pa kaming nakilala. I'm looking forward to the next meet.

7 comments:

Ka Uro said...

malaki na talaga ang pinoyz2nz at napakalaki ng naitutulong nito sa mga kababayan nating nag-aaply papuntang nz. maganda nga ang idea na magkaroon ng sub-groups para mas specialize ang pagtutulungan.

maganda sana kung ang pagtutulungang ito'y ma-extend pa natin kahit nandito na sa nz and member. marami nang nakarating sa nz dahil sa pinoyz at i'm sure willing pa rin silang tumulong sa iba in a more active way at hindi lang sa pagsagot sa mga emails.

towards the goal of making pinoyz members already in nz more active may naiisip sana akong programa na tentatively i'm calling it as "pinoyz big brother" program. it's quite simple naman. yung mga nandito sa nz they volunteer to be the big brother. yung mga kababayan natin na may WTR na at papunta na rito pero walang mga kamag-anak o kaibigan sa NZ, they can request for a "big brod" (or sis) na siyang gagabay sa kanila. among the things na pwedeng makatulong ang big brod are: 1.pagsundo sa airport, 2.find a flat/apartment 3.show them around in the first few weeks., etc. in short, treat the new migrant na parang kapatid na bagong dating sa nz. help them during the first few days to settle and be independent in nz.

ikaw pa lang ang sinabihan ko sa iniisip kong ito. one of these days i'll write something up sa blog ko tungkol dito. what do you think about this plan?

jinkee said...

brilliant plan big brother este KU pala. Bayanihan extended in NZ. Nasabi ko nga sa forum na willing akong mag-sponsor ng mga nag-apply pa lang pero kailangan nasa NZ na ako bago ko yon magawa. I'm sure maraming mag-a-agree dito.

PS: secret muna nating dalawa to. he he he

Ka Uro said...

ok pala kung meron na sa wlg. para kung sa wlg ang punta, ipapasa na lang natin siya sa wlgnzpinoys. yun na ang bahala sa kanyang gumabay sa pagdating niya. sa auck wala kasi. so kung may big brod na matatawag ang isang kababayan nating pupunta ng auck, at least may mapagtatanungan siya at may tutulong na kanya kahit wala siyang kamaganak sa auck.

Anonymous said...

hi jinkee! Maganda nga ang group na ito since the same ang concerns ng attendees. kailan ang next meet ng WTR groups?

thanks.

lucie

jinkee said...

Hi Lucie,

Wala pang sked ang next meeting ng WTR group but definitely sa January na yon. Yun namang mother-org - pinoyz2nz, ay sa Dec. 17 magkikita-kits. However, intead of the regular meeting, pupunta sila sa CRIBS (Marikina) to give gifts to the orphans. Sa January na ang resumption ng regular meet.

O di ba, likas na mapag-mahal sa kapwa ang pinoy. Kung lahat ng politiko ay magiging tulad ng mga P2NZ members, someday this nation will be great again.

jinkee said...

Kiwinoy,

I am really impressed with your group in Wellington. Karamihan kasi ng pinoy, pagnakarating na sa ibang bansa ay nagkakawatak-watak na. Intrigahan ang nariring kong nangunguna sa dahilan. Sana wag kayong magsawa sa pagtulong sa iba nating kababayans.

Flex J! said...

Ang galing nyo talaga! for thinking this bayanihan towards new pinoy in nz....

KU! kumandidato ka kaya sa auckland ng mayor pag marami na kami dyan...panalo agad !!

Sana matuloy ito para makatulong sa iba pang pinoy going there...