Friday, July 22, 2005

Bato-balani

I’ve been feeling this back pain lately. Duda ko, may nangyayari na naman sa lamang-loob ko. The last time I felt this, although not in the same intensity, was in September 2002. I didn’t know what was wrong. The pain was too much for me to handle considering that I already have a high threshold for pain. Henry decided to rush me to the hospital (UST) after I passed out.

After a series of tests, the doctors found out that I have cute little stones in my kidneys. Tama, kidneys nga, kasi parehong meron. Ang tawag nila doon ay nephrolithiasis and nephrocalcinosis. Ano ba yun? These are stones formed in my kidneys bec. of too much calcium formed in my system. Hanggang doon na lang ang paliwanag, baka magkamali pa ako. I wasn’t really surprised when I found this out. Noong 1992 kasi natanggalan na ako ng stone sa ureter.

Yesterday, I had a urinalysis to see if I have an infection. Meron nga pero konti lang naman. I’m planning to see my doctor next week. I’m sure sasabihan na naman ako na ipabasag (lithotripsy) na yung mga precious stones ko. Ok lang ako doon kaya lang ang tanong eh when? If I do it now, my company will pay for my hospital bill (wala kaming insurance, medical assistance lang). Kung matuloy kami in a few months sa NZ, nakakahiya naman na pagastusin ko pa sila ngayon. Mga P40K din ata yung procedure.

Libre daw ang hospitalization sa NZ. Mabuti naman. However, may isa pa akong dilemma. I didn’t declare in my application that I have such medical condition. Buti kung mapaniwala ko yung mga doctors doon na bagong tubo lang tong mga bato-balani ko. It may cause setback in our resident visa. Naku, ayaw ko non.

Nakadalawang buko ako kagabi tapos madami akong baong tubig ngayon. 1pm pa lang pero nakaka 7 glasses na ako. Medyo naibsan na yung pain. Sana nga makuha ito sa increase fluid intake. At para siguradong tatalab, sasamahan ko na rin ng isang toneladang dasal. Sana ok yung recipe ko.

7 comments:

Ka Uro said...

jinkee,
sana magamot na yan, whatever it is. ang isang bagay na hindi ako sure kung libre dito sa nz ang hospitalization sa mga holder ng WTR visa. ang alam ko kasi kung work visa, hindi libre. WTR di ko alam. in any case, huwag mong pabayaan ang health mo. take care of yourself.

Flex J! said...

Hi Jinkee,
I've kept a file somewhere about kidney stones..getting it out without operation by using apple juice, meron mga nag-try and accordingly..it is true after days lang..It was written by Maricel Laxa yata in one of her column...I'll send it to you if I find it...or else I ask a copy from Miss Maricel, nagbibigay naman yata sila nun eh..

Take care...

--jun--

jinkee said...

Hi Ka Uro,
Naku, sana naman libre ang hospitalization dyan. May mga naka-line up na kasi akong ipapa-ayos (pwede kaya lipo?)

Jun,
Interesado ako dyan sa alternative remedy mo. Intayin ko yung padala mo. Yun kasing magbubuko sa amin laging out-of-stock.

Kiwipinay said...

aha! ikaw pala'y isang kiwi wanabe! nabasa ko post mo sa aking blog. salamat sa pagbisita at sa wakas ay nag-iwan ng comment at nadalaw ko itong iyong blog.

sister, kung ika'y may ipapagamot, ipagamot mo na dyan kung covered ka naman ng medical dun sa company na pinapasukan mo. bayad naman yung health card mo kaya sulitin mo na. kasi last time i heard, may required number of days or months or years of stay dito sa nz bago ka maka-avail ng free hospitalization. sister, mahal ang hospitalization dito kung hindi ka mako-cover. tsaka stones yan, tita. baka dumami ang mga brillantitus mo sa pantog mo, mas mahirapan ka pa kaya ipatanggal mo na. pero ok rin yang buko juice therapy mo.

jinkee said...

Wow, sobrang happy naman ako at nadalaw ako ng isang haligi ng Pinoy blogging. Thanks KP sa pagbisita.

Medyo nawala na yung back pains ko pero I'll still work on have my teeny-weeny stones removed. Salamat sa payo.

Flex J! said...

Hello!

Finally na-send ko na yung file about gallstones by Maricel Laxa, just this moment. I send it to your e-mail ad in Hotmail.

Hope it could help...

God Bless...

--jun--

Flex J! said...

oooppss...

Nag-fail yung sending ko sa hotmail try ko ulit....