Thursday, July 14, 2005

My memories of Intramuros

I have good memories of Intramuros. It was my 'home' for more than 4 yrs. I studied there from 1987 to late 1991. Di na rin ako lumayo na tirahan. After a short stay in Lerma (with my friend Ferry), Intramuros na ang bahay ko til I graduated.

Dahil nga love ko ang Intramuros, pinilit ko na sa Intramuros na rin mag-aral si Queenie (younger sister ko). Sa Letran sya kumuha ng business degree nya. Nung time na ni H.O. (bunso namin) na mag-kolehiyo, sa Intramuros din sya nag-enroll (we went to the same school pero di kami nag-abot).

Saksi ang mga adobeng pader na yon sa buhay kolehiyo ko. Pagnare-review ako o kaya may notes na kailangan kopyahin sa ka-klase, pumupwesto na ako sa ibabaw ng wall. Pag may gabing maalinsangan, dun sa ibabaw ng Patio Victoria mo kami mahahagilap. Pag nag-brownout at ayaw naming lamukin sa dorm namin, tumatambay kami sa harap ng Palacio del Gobernador. Pag-bored, pwedeng maglibang sa Fort Santiago. Di na rin lalayo kung magsisimba. Stone-throw away lang ang Manila Cathedral sa tinitirhan namin.

Kakaibang community ang Intramuros. Lahat ng buildings don eh kailangang sumunod sa gusto ng Intramuros Admin na medyo hispanic ang design. Bawat gate na papasok at palabas sa Walled City ay may bantay na akala mo mga gwardia-sibil. Pagdating ng 10pm, sinasara na nila ang mga gates. Oh di ba, parang exclusive village. At higit sa lahat, marami kang makikitang celebrities and prominent personalities doon. Nandon kasi ang office ng Comelec. Tapos sa di kalayuan makikita ang San Agustin Chruch at Manila Cathedral (paboritong kasalan mga rich and famous).

Two yrs ago, bumalik ako sa aking alma mater para kumuha ng school records. Nagulat ako na nakasabay na sa pagiging high-tech ang school ko. Mas nagulat ako sa Intramuros na nakita ko. May McDo, Jollibee at Starbucks na don. Marami na ring sosyal na mga restaurants na nagsulputan. Meron na ring SM Manila na tambayan ng mga estudyante.

Marami nang pinagdaanang pagbabago ang intramuros. From a fort in the spanish era to ruined city in the 1940's, ngayon commercial area na. Pero sa history ng buhay ko, Intramuros is where I enjoyed my college days.

2 comments:

Ka Uro said...

ako rin madalas diyan sa intramuros. nag-work kasi ako sa immigration yung office diyan sa intramuros malapit sa cathedral at fort santiago. pero una kong namangha sa kagandahan ng intramuros sa peliculang "ganito kami noon, paaano kayo ngayon". gandang pelicula ni boyet de leon.

jinkee said...

Alam ko yung BID, malapit lang yon sa dorm namin. Baka nakasalubong na kita dati don. Inabot mo pa ba si Miriam Defensor-Santiago doon? I heard super terror sya sa BID.