I just read about bloopers in Bluegreen’s blog. Aba, marami rin ako nyan. The first one I’m sharing happened is the mother of all bloopers. Ang dami kasing naka-witness. Sobrang pahiya talaga ako.
This happened during my high school’s graduation ceremonies. Since special day yon, mga dress to kill kaming mga graduates. I was wearing a green dress tapos naka 2-inch high na shoes. Medyo nakaka-ilang pero kailangang tiisin. Anyway, the program is only for 3 hours at most.
All awardees with parents were called in front (Best in Recess ako, he he he). When my name was announced, my mom and I walked up the stage. Pababa na kami ng mommy ko nang biglang...#@$^*&! Nahulog ako sa hagdan! Saksi ang 500 na batchmates ko pati ng mga kama-anak nila. I stood up immediately to regain my composure. A few steps later, nilapitan ako nung official photographer namin, iniabot yung isang paa ng sapatos ko. Sa taranta ko, di ko namalayan na lumipad ang bago kong sapatos. Gosh, nakakahiya talaga. Parang gusto kong maging invisible that time.
Di pa don natapos ang lahat. A week later, I went to my new school, MIT, to pay my tuition fee. Habang nasa pila, may nakipag-kwentuhan sa akin na sophomore. Syempre, bagong salta ako doon kaya mega-tsika rin ako. After a while, naalala na nya kung saan nya ako nakita. Nandon pala sya sa graduation rites namin for her cousin. Ngekkk, buking ako.
Napapangiti ako pag-naalala ko yung eksena na yon. Things like that add spice to life. It make life more colorful, more exciting. We need this once in a while else, it would be dull and boring. Ngayon pag may kwentuhan tungkol sa bloopers, di lang ako tameme. Pwede pa akong bumangka. Aba, marami yata ako nyan.
2 comments:
Pareho pala kayo ni Blue...lahat yata tayo meron nyan...tama ka it adds spice to life...
smiles..
--jun--
Hahaha...i like this one. Tama ka mega! bigla akong may naalala sa school din!...kwnto ko na lang din sa continuation ng bloopers ko hehehe...
Post a Comment