Pag-bata ka, ang dali mong utuin. May marinig ka lang na sinabi yung kaibigan mo, maniniwala ka kaagad. Minsan pa nga, malaki ka na di mo pa rin maitapon ang mga akala mong tama noong bata ka.
- pwedeng mambatok kung may nakita kang kalbo o kotseng kuba (Volkswagen)
- may immunity ka naman sa pambabatok ng iba kung naka-peace sign ka
- pag-nabatukan ka, kailangan mong kontrahin yon sa pamamagitan ng pag-tuktok sa baba mo
- di pwedeng magtira ng kanin sa plato. Kung ilan ang natirang butil, yun ang dami ng tigyawat na tutubo sa yo
- Laging magsabi ng tabi-tabi nga po kung dadaan sa tabi ng punso (anthill) o kaya masukal na lugar
- Wag matutulog ng basa ang buhok kung ayaw mong mabubulag ka.
- Bawal maligo pag may monthly period, maloloka ka. ngek!
- Wag papayag na mahakbangan ka ng iba, di ka na tataas.
- Wag magpapakuha ng picture na tatlo kayo, matsu-tsugi daw yung nasa gitna (ang morbid nito)
- Ito ang paborito ko, kung sino ang unang lalaki o babae na makikita mo sa Valentine̢۪s day ang makakatuluyan mo
6 comments:
hahahaha!...huwag ka raw magsu-swimming sa gitna ng dagat...pag di ka marunong lumangoy...patay kang bata ka....LOL!
Nga pala naipadala ko na so e-mail mo sa toneguide.com yung files ng gallstones...
regards...
--jun--
P.s.
maglagay ka kasi ng tagboard mo para dumali ang ibang messages...
parang familiar sakin mga kasabihan na to :) except yung valentines...
... tumalon sa new year's eve, para tumangkad.
... masama ang mag-gupit ng kuko sa gabi, may masamang mangyayari. (totoo ito, nagupit ko pati finger ko, madilim e?)
Jun,
Naku pang gallstone pala yon. Kindney stones pa lang ang meron ako. Di bale baka magamit ko rin later on. thanks.
Kenji,
Buti ka pa di mo alam yung tungkol sa Valentines. Ako kasi dati halos madapa sa kalsada sa kakatakip ng mata. Baka kasi yung loko-lokong tambay sa kanto ang una kong makita :-)
Ka Uro,
Ay! yun pala yon kaya bawal.
Ka Uro,
May style pala dapat ang pagtalon sa New yr's eve. Dapat daw mula sa baba, pataas. Baliktad ang ginagawa ko kaya pala di umepek sa akin.
Post a Comment