Monday, August 08, 2005

Bonding ng mag-ama

Henry, Vince and my father-in-law went fishing yesterday. It was raining but it did not dampen my son's excitement. Super saya talaga sya pag magfi-fishing sila. Di ko na mabilang kung ilang beses na syang sumama sa tatay. Minsan kahit may hika, sama pa rin sya. After almost 2 hours, they went home with 5kgs of tilapia in their nets.

Mahilig si Henry sa outdoor activities. This is something he shares with his father. Aside from fishing, they are also into hunting. Dati talagang dumadayo sila sa probinsya gaya ng Norzagaray (Bulacan), Mindoro at Tuguegarao para sa hobby nila. Kaso bawal na yon ngayon kaya mga isda na lang ang pinupuntirya nila. Merong mga fishponds sa Malabon and Valenzuela kaya di na sila lumalayo.

Natutuwa ako na nae-enjoy ng anak ko ang nature. Ayoko kasi na Playstation at computer lang ang alam nyang forms of recreation, mga larong nasa artificial environment, walang socialization. Sa fishing, close to nature na, may bonding pa yung mag-ama ko. Kami kaya ni Shannen, anong activity ang ishe-share namin? Hmmm... blogging siguro.

4 comments:

Anonymous said...

mageenjoy pala sila sa nz since fishing is 1 hobby ng mga tao dun di ba.
lucie

Ka Uro said...

oo nga jinkee, masarap mag-fishing and hunting dito sa nz. at kagandahan pa nga dito walang mga wild animals tulad ng leon o tigre at maging ahas wala rin.

Bluegreen said...

Hehehe blogging? Pwede. Aside from that, do something physical din. Maganda nga yung outdoor activities for a change..yup lalo pag nasa NZ na kayo! Sana ako rin hehhe

Good day Ate Jinkie!

jinkee said...

maraming nadi-discourage sa amin datin when we mentioned our plan to migrate. Sabi nila boring daw sa NZ. Sabi naman namin ni Henry, 'boring' naman kami :-) Solve na si Henry sa fishing and hunting, ako naman basta may pc ok na (we don't enjoy malling)