Tuesday, August 30, 2005

The coconut is not a nut

Nagpunta kami sa Megamall last Saturday para ipasyal yung mga bata at yung mother-in-law ko. Nadaanan namin yung exhibit sa Megatrade Hall tungkol sa niyog. National Coconut Week kasi ngayon. Ibat-ibang manufacturers and traders ang nag-join ng exhibit. Andyan yung may dalang accessories, virgin coconut oil, cooking oil, kapok mattress, buko juice, buko pie, vinegar, cocopeat, etc. Nakakaaliw ang variety ng products na nanggagaling sa simpleng puno na nyog.

Medyo nadumihan yung kamay ko sa kakatingin ng mga ladies' accessories kaya ng may nakita akong tubig ay dali-dali akong naghugas ng kamay. Nakupo, hindi pala tubig yung umaagos sa fountain, virgin coconut oil pala. I couldn't open my bag to take out my hankie, sayang naman yung bag ko kung malalagyan ng langis. Ipinahid ko na lang sa buhok. Tutal pampaganda naman daw yon ng hairstrands.

Ilang minuto lang kami sa exhibit then we proceeded to other shops. Pagpasok ko sa Reebok, narinig ko yung babae na nagsabi na amoy ‘lola’ daw. Nag-inhale ako ng malalim. Ngiiih! Ako pala yon. Nangamoy ‘lola’ ako dahil sa lana ng niyog na ipinahid ko sa buhok ko. I immediately went out of the store. Baka maalala pa ng lahat ng tao doon yung mga grannies nila. Pati si Henry umiiwas sa akin. Kakainis!$#^%@()*(^&

Moral lesson: Always read labels and notices.

2 comments:

Flex J! said...

Ganda ng blooper mo huh! Di bale gumanda naman yata buhok mo...

smiles...
--jun--

Bluegreen said...

Hehehe! Di bale, di ka naman nila kilala. Ganon na lang isipin mo Wala naman batas na nagbabawal mag-amoy lola.