Friday, August 26, 2005
Kuntils
Kung mawawala man ako at magka-amnesia, madali akong mahahanap ng mga kamag-anak ko. Meron kasi akong kuntils sa tabi ng hinliliit ko. Take note, may ‘s’, ibig sabihin plural. Yup, my both pinkies have this cute little skin tags. Dahil dito, madalas akong natutukso noong nasa grade school ako. Di ko daw dapat kantahin yung “Sampung mga daliri, kamay at paa…�, labing dalawa daw kasi ang sa akin.
Ang totoo nyan, meron din akong kuntil sa kanang paa, sa tabi ng smallest toe ko (pinky din ba ang tawag don?). Sad to say, di sya cute kasi may kuko sya at may kalakihan ang sukat, di nalalayo sa itsura ng kinakabitan daliri. Torture ang pagsusuot ko noon ng sapatos. I’m ok with sandals pero pano na kung school shoes? Wala namang sapatos na mas malaki ang isang paa.
Bago magpasukan ng grade 1, nagbakasyon ako noon sa Pangasinan. Tuwang-tuwa ako nang isama ako ng lolo ko sa Alaminos District Hospital. Feeling ko paborito akong apo. Di ako nag-suspetsya na may binabalak ang mahal kong grandpa sa akin (retired employee kasi sya doon). Mamaya-maya, may doctor na tumingin sa paa ko. The next thing I knew, I was screaming like hell. Goodbye kuntil. Isang bote na may alcohol ang kanyang naging libingan.
Buti na lang spared yung mga finger kuntils ko, di naman kasi sila abala. Isa pa, sabi ng matatanda swerte daw ang kuntil. Ayaw siguro ng lolo ko na maubusan ako ng swerte. he he he. Meron pa nga akong mga kaibigan na nakiki-ambos sa ‘swerte’ ko. Yung iba makikihawak sa kuntil ko bago magsabong o bago tumaya sa beto-beto. Kung sinuwerte man sila o hindi, di ko na alam yon. Wala akong natanggap na blowout o balato ni minsan.
Ngayon, I don’t feel anything unusual sa sarili ko. Natapos na yung mga panunukso, wala na ring nagpapabwenas. Pero sa tuwing nakikita ko yung mga kuntil ko, alam kong unique ako.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
hahaha! wagi naman ang istori ng kuntils mo. sa purbinsya namin, tawag yata dyan ay "salapi" kasi may pinsan ako na may ganyan din.
pero kyut nung nasa fingers mo. :)
at! tama ka. unique ka nga. "mas" unique, ika nga.
san ka sa bulacan? taga bulacan tatay kow. :)
san ka sa malabon? may kakilala ako dyan. :)
san ka sa kalookan nag wo-work? nag work din ako sa kalookan. :)
san ka sa nz pupunta? andito ako sa auckland.
kita tayo pagdating mo dito ha? :))
pareho kayo ng daughter ko...hehehe, siguro makulit ka rin nung araw...
Pero akala ko ipinakikita mo sing-sing mo sa pics....hehe
--Flex J!--
Hi KP,
Oo nga pala, 'salapi' minsan ang tawag sa kuntil. Iniisip ko yon nung isang araw pa.
Sa Guiguinto, Bulacan ako lumaki. Sa Baliuag ako nag high school (13km mula sa bahay).
Sa Concepcion, Malabon ako ngayon nakatira. Malapit kami sa bilihan ng kakanin (Dolor's).
May kaibigan ako sa Auckland (Lorikeet Place) kaya don muna siguro kami tatambay. Sige magkita tayo. Patikim ng chicken curry mo :-)
Hi Jun,
dyaske, nakita mo pa yung singsing ko. Di kasi marunong humawak ng camera ang kaliwang kamay ko so sya na lang ang ginawa kong model. he he he
jinkee,
cute ng kamay mo. parang ang sarap pisil-pisilin. hihihi
ang cute! hehehe
KaDyo,
Bat kaya sa akin hindi tumitigas :-)
Salamat sa pagbisita.
Post a Comment