Friday, August 19, 2005

Isang kagilagilalas na pangyayari

Ang aga-aga kanina, chaotic ang mood ng mga tao dito sa office. Paano ba namang hindi, nilooban yung second floor namin. It’s good thing that our guards conduct periodic roving. The culprit left without his lootbag. Although ransacked yung offices, wala namang ni-report na nawala.

May mga weird sa robbery na yon. Una, ang laman ng loot bag ay pera (di naman masyadong malaki) at 4 bags ng candy. Tama, candy nga. Bakit kaya? Sweet-tooth kaya yung magnanakaw?

Next weird (and gross) thing, nag-poo-poo at wee-wee pa yung salarin sa sahig bago lumayas. Katabi lang naman nung cubicle na yon yung CR, bat kaya sa sahig pa nya napiling magbawas? May isang nagsabi na pamahiin daw ng mga magnanakaw yung umebs sa crime scene para di sila mahuli. Ang laswa naman ng napili nilang paniwalaan.

Kung high-tech sana ang police dito, huli agad yung salarin. Yun bang parang sa CSI na napapanood ko na kukunin lang yung wee-wee o finger print eh huli agad ang criminal. Malayo pa sigurong maging ganon ang alagad ng batas natin. Kaya nga ang tatagal ma-solve ang mga crimes dito.

Wala mang natangay yung magnanakaw sa kanyang attempt, malaking takot naman ang iniwan nya sa mga tao dun sa kabilang opisina. Malaki ang impact ng alam mong na-violate ang privacy mo. Nakaka-trauma talaga yon. Bat ba naman kasi may mga gumagawa pa ng ganito. Naku, bahala na si lord sa kanila.

6 comments:

Bluegreen said...

Buti yan sa office. It's more scary pag own home mo like what happened sa min noon years ago. Wala nakuha kasi natunugan naman ng kapitbahay namin. Nabugbog nga yung isang thief eh. (ininggles pa no? para maikli at di masyado masakit sa tenga)

Nakaka-paranoid lang for a time kasi you feel like babalik yung salarin and try to do something sa inyo. Kaya always on the lookout at very sensitive sa paligid. Na check mo na locks, check uli..baka namalikmata lang...hehehe

jinkee said...

Hi BG,
Ang swerte nyo naman for having a concerned neighbor. Sana ganyan lahat ng kapitbahay.

Bluegreen said...

Alam mo bang on normal days eh di rin maganda ang neighborhood relationship namin noon? Hehehe. They are the typical na maiinis ka kasi tsismosa inggetera, malalakas magpatugtog ng sterio at maingay sila in general. Pero i guess in times of need, lumalabas din yung kabutihan ng bawat isa

jinkee said...

Minsan mainam din na pakialamera yung mga neighbors. he he he

Kiwipinay said...

ayus yung pamahiin about sa pag-ebs. yucky naman yun. paano halimbawa nahuli sya sa akto na umeebs? paano kaya sya makatakbo agad nun, noh? ahhahaha!!!

jinkee said...

Kiwipinay,
kadiri talaga yung ebs. Di kakayanin ng powers ko kung sa akin yon nangyari.