Wednesday, August 03, 2005

Feeling Guilty

Di ako nag-lunch dito sa office kanina. Instead, I went to the hospital to get the prescription medicines of my mother-in-law. Nakalimutan kasing ibigay nung doctor bago sya na-discharge kahapon. She had an emergency operation on Sunday to remove her gallbladder (sayang at huli na nang mabasa ko yung binigay sa akin na gallbladder flush ni Felix J!).

Actually, recovering pa rin yung byenan kong lalaki from an appendectomy last month tapos eto na naman ang isang operasyon. Since kami ang kasama nila sa bahay, natural lang na we look after them. They need our tender, loving care. Pero pano na kung matuloy kaming umalis? Sino magdadala sa kanila sa check-up? Sino magbabantay sa hospital kung maco-confine? Sino bibili ng gamot sa Mercury? Sino ang sasama sa SSS office? Naku, mahaba pa ang listahan. Henry has an older brother but he is super busy with his own family and his business. Baka wala rin syang time na nasikasuhin pa sila.

Sa pagpaplano naming mangibang-bayan, we only thought of the kids and us. We never considered Henry’s parents and their feelings. Are we selfish for not including them in our plans? Who will look after them if/when we leave? Kung marami sanang magkakapatid sila Henry ed di na masyadong masakit kung lalayo kami.

Di pa naman sila katandaan (74 and 68) but there are things that they can’t do anymore by themselves kagaya ng doctor’s appointment. Medyo malayo rin kasi ang UDMC from our place. Isa pang iniisip ko eh yung ilalayo namin sa kanila ang mga apo nila. May kakulitan man ang mga tsikitings ko, nakikita ko naman na labs-na-labs sila ng lolo at lola nila. Pag uwuuwi nga kami sa Bulacan ng weekends sinasabi ng bayaw ko na matamlay ang bahay namin. Pano na kaya kung milya-milya na ang layo naming sa kanila.

I don’t have the same problem with my mom. Ok na sa kanya yung tawag at text, at mga twice a month na dalaw. Isa pa, magkatabi lang sila ng bahay ng Ate ko. Tapos kasama pa nya sa bahay yung bunso namin. Kung sa lakaran naman, maraming nunal yon sa paa. Kahit ano nararating nya ng mag-isa. So sa mommy ko, no problem talaga.

Sa totoo lang, sobrang guilty ako. Palibhasa, ako yung mas pursigido na mag-migrate (I did all the research. Approving body lang si Henry). Hindi ko natanong kay Henry kung ok lang na iwanan namin ang parents nya. Di rin naman nya ako kinausap tungkol doon. Pero alam mo na naman ang mga lalaki. I’m sure my in-laws want a better life for us but it will surely cause them heartache. I just pray that they would be fine without us. Walang sakit, walang problema, para naman may peace of mind kami even if we are away from them.

6 comments:

Anonymous said...

hi! jinkee. siguro ganun talaga, may pros and cons lahat ng decisions natin. But I'm sure natutuwa sila na maging better ang life nyo para sa mga apo nila. Saka, pag nandun na kayo, pwede nyo naman silang invite di ba? Eh di, mas masaya na.

lucie

Ka Uro said...

only child ba si henry? kasi kung only child siya o kaya dalawa lang sila, madali niyong makuha ang parents niya. pati sila PR. at least di nila problema ang medical expenses dito sa nz.

jinkee said...

Hi Lucie, (Nasa pinoyz2nz ka rin di ba?) Sana madali silang makapag-adjust pag-umalis na kami.

KU,
2 lang silang magkapatid. Ang alam ko nga pwede nyang i-sponsor yung parents nya ang kaso may mga sakit sila kaya baka ma-reject lang.

Anonymous said...

yes jinkee, nasa pinoyz2nz nga ako. Di pa nga lang tayo nagkita, di kasi ako nakaattend ng meet e. San kayo sa Malabon? Yung husband ko sa Hulong Duhat pero we stay sa amin sa Valenzuela. When do you plan to leave? Tagal maghintay ng stamp ano?

Anonymous said...

sorry jinky kalimutan ko lagay, lucie 'to.

jinkee said...

Hi Lucie,
Punta ka sa 7th meet para naman magkita tayo. Nasa Concepcion, Malabon kami. Malapit lang yon sa Hulo. Mauuna si husband sa NZ kung saka-sakali. Sunod na lang kami. Mga next yr na siguro. Haaay... ang tagal bumalik ng passports namin.