Mataas ang standard ng NZ pagdating sa education. Gusto nila ka-level ng education nila ang natapos ng isang applicant. Sa Skilled Migrant Category, they actually award 50pts for qualification (yun ang tawag nila sa degree mo). Ang laki nito considering na 100pts ang threshold nila. Kung si spouse ay meron ding maipi-prisintang qualifications, it’s 10 bonus points.
Pero medyo tricky itong point factor na ‘to. Your school has to be on the list of recognized qualifications (LRQ) para kilalanin nila. Kung hindi naman, ipapa-assess mo yung qualifications mo sa New Zealand Qualifications Authority (NZQA). Nasa list yung schools naming ni Henry (MIT and UE) however, our joklang consultant insisted that we seek certification from NZQA. Kami naming uto-uto, nagpabola. That silly advice cost us P16000 each.
Sino nga ba ang dapat dumaan sa NZQA? First, those qualifications are not in the LRQ. Second, those who took up 4 yr course in an institution included in the LRQ but netted an average of less than 85%. This is equivalent to 2.00 in some schools. So kung nag aral ka ng 4yr course FEU tapos ang general weighted average mo 2.10, kailangan mong magpa-assess sa NZQA. Maswerte ang mga nag-aral ng kahit anong 5yr course sa LRQ, kahit na sinco-lar o bagsaker pa sila, ligtas na sa NZQA. Lastly, kung gusto mong mag-claim ng 5 extra points para sa post-grad course mo. Lahat ng post-grad studies ay kailangan ng NZQA (kahit na recognized pa yung school).
There are 2 types of assessment results released by NZQA – the Pre-Assessment Result (PAR) and the Full Assessment Report. PAR is a short-cut assessment, no documentation needed. Qualification info and syempre bayad (NZ$75) lang ang kailangan. The result is released 10 days after submission of requirements. Buti di na kami dumaan dito (di pa kasi uso yon nung 2003). Kung kapos na sa oras para magpa-full assessment, pagtyagaan mo na itong PAR.
Malaki ang singil sa Full Assessment service, tumataginting na NZ$450.00. 20 days daw na paghihintay for the release of the result. Actually, press release lang yon. Noong time namin, we waited for almost 4 months for the result. Balita ko 7 to 9 months na daw ngayon. Kung gusto mong ipa-fast track, bayad ka ng additional NZ$150.
Dito Full Assessment hinihingi ang mga supporting documents mo like diploma, transcript of record, certificate of employment, etc. Since there exists a University of Recto in the Phils., only original and certified copies are accepted from our country (mag-attach ka na rin ng photocopies para di ka na magdagdag ng NZ$50). Upon submission of documents, NZQA contacts your school to validate the documents you presented. Kapag matatagal sumagot ng school, nade-delay ang resulta. Isa pang pampatagal eh yung mode ng transmission ng verification. Syempre nagtitipid si school kaya snail mail ang ginagamit.
Simple lang naman talaga yung process pero matagal at magastos ang magpa-NZQA. Importanteng malaman ng lahat ng mag-a-apply kung kailangan ba talaga nila ito o hindi para di magkamali. Mainam din na ihanda ng maaga ang mga documentos para masimulan agad ang processo. Good luck.
5 comments:
hi,
ask ko lang what if my gen ave. is 2.02, do i need to take an assessment? akala ko pa naman, makakatipid ako!
appreciate sharing your knowledge regarding this matter.
thanks!
working mom
As per NZIS operation manual, yes, you need NZQA assessment. Pero I'll ask around to know if there are people who got away with it. Balik-balik ka lang dito.
jinkee,
thanks, every morning pagdating ko ng office after ka uro's blog, nagbabasa na ko ng blog mo.
i'll wait your answer!
godbless & goodluck!
hi I graduated from PLM it's included in LRQ do i need assessment kung di 2 ang ave. ko. di ko ba ma i susubmit ang EOI pag wala akong assessment result?
thanks
len
Hi Len,
Uy, magkapitbahay pala tayo ng school. You didn't mention if your degree is 4 or 5 yrs. Kung 5-yr course, no need for NZQA kahit > 2.0 ang grade mo. If not, get NZQA assessment. You take the Preliminary Assessment Report (PAR) if you want to submit your EOI soon. Yun kasing full report eh buwan ang binibilang.
Post a Comment