Namasyal kami sa mall ng mommy ko at mga bata noong nakaraang lingo. Gaya ng dati, di kami pwedeng hindi dadaan sa paborito naming $2 shop. Habang tumingin ako ng mga home furnishings at ang mommy ko ay nasa mga beauty products, yung 2 bata ay nasa toy section. Sinisipat-sipat ko sila doon from time to time. A couple of minutes later, lumapit sa akin si Vince. Nasaan daw si Shannen. Pinuntahan ko si mommy, di nya kasama si kulasa. Inikot naming yung buong shop, wala doon. I told them to stay in the shop why I look for Shannen. Napansin noong isang Indian na babae na may hinahanap kami. Tanong sa akin “Are you looking for a little girl?”. Sabi ko oo. Balik nya, “There’s a lost little girl near the escalator.”
Dali-dali akong pumunta sa direksyon na sinabi ng babae. Nakita ko si Shannen sa tabi ng pinto papuntang carpark. Nakaupo sya sa sahig katabi ang isang puting babae. Kalmado sya pero mukhang galing sa iyak. Todo-todo ang pasasalamat ko doon sa babae na sumama sa kanya.
Natakot ba ako habang nawawala si Shannen? Sa totoo lang, hindi masyado. Maybe because I perceive NZ as a safe place. But when things begun to sink in, I realized that it was a very scary situation. I could have lost her kahit sabihin mo pang mababait ang tao dito. Next time, I'll make sure that she's got some ID with her.
Wednesday, May 30, 2007
Tuesday, May 29, 2007
Brain drain
Nandito sa NZ ngayon si GMA. Kung may chance akong makausap sya, itatanong ko to....
How does the govt feel that more and more Filipino skilled workers and professionals are choosing to work and live overseas? Is it a nation's pride or the motherland's anguish?

Saturday, May 26, 2007
Wednesday, May 23, 2007
One year and counting
Isang taon na kami dito sa NZ!!! Ang bilis talaga ng panahon.
368 days na nang kami ay sumakay ng Cathay Pacific para magsimula ng bagong buhay sa Akl. Grabe, miss na namin ang mga kamag-anak at kaibigang iniwanan namin. May email, Yahoo Messenger at telepono man, iba pa rin yung nakikita at nahahawakan mo sila.
Maliban sa kanila, may ilang mga bagay-bagay na sana meron dito kagaya ng:
- Phil. mango, lakatan, latundan
- cheap na beauty parlor (para makapagpa-rebond at highlight ako ng buhok)
- Purefoods hotdog (di ko type ang lasa ng sausages nila)
- Jollibee, Chowking at Kenny Rogers
- Pork (sabi ni MelNep, di kinakapon ang mga baboy dito kaya may kakaibang lasa)
- Sari-sari store
- Jeepney at tricyle
- mga nagtsi-tsismisan sa kanto (nuisance ang tingin ko sa kanila dati, ngayon mga “concerned citizens” na)
- Teleserye, telenovela, fantaserye, etc.
- Ready-to-eat na pinoy food (di kasi ikaw mismo ang magluluto)
- Beach na warm ang tubig
- Pinoy novelty songs (like otso-otso, spaghetti, wowowee, etc.)
- SM City, Megamall, Mall of Asia
- yaya (para di ko na kailangang pwersahin ang mommy ko na mag-stay dito kahit marami syang responsebilidad sa pinas)
So do we have plans to go back to the Philippines sometime in the future? At this point, wala. Pilipinas na lang ang dadalhin namin dito.

Friday, May 18, 2007
Alin ang bagay
Mula ng nagkaron ako ng idependence from my mom on grooming, lagi ng mahaba ang buhok ko. Madali ang mahaba ang buhok, pwedeng itali at lagyan ng mga anik-anik. Kahit matagal kang di magpagupit, ok lang. Nang mauso ang hair straightening, nakibagay din ako.
Bago ako umalis ng Pinas, sinigurado kong nasa things-to-do ko ang magpa-rebond. Isang taon na yon, di na ulit nasundan. Ang mahal kasi dito. Nagpapa-trim lang ako ng buhok every 2 months sa $10 Haircut. Lately, pinag-iisipan ko na magbago ng hairsytle (sa mga asians lang uso ang pin-straight hair). However, di ko alam kung ano ang bagay sa mukha ko. Pwede bang tulungan nyo akong mag-decide?

Wednesday, May 16, 2007
Cultural diversity - Samoan
The Auckland Region has a population of 1.3M, consisting 1/3 of New Zealand. Over 37% of its residents were born overseas making it the most culturally diversed place in the country.
Yan ang topic ng series of seminars dito sa opis namin. As a “new kiwi”, it is important to me to know what the other cultures. If you know more about them, you learn to respect and blend with them.
Samoan ang una naming pinag-usapan. Ito ang ilan sa mga natutunan ko tungkol sa kanila.
Migration. The first leg of Samoan migration in NZ happened in the 1950’s. In search of better opportunities, many Samoans travelled to their neighbouring Aotearoa by boat. They worked hard in NZ to give their children nourishment (kaya malalaki sila :D) and education. Kaya maraming nakapag-aral na mga second generation Samoans dito. Sila yung nasa 30 – 40 age group.
There’s an NZ immigration policy that allows them to go here through raffle. Every yr, 1100 samoans go here through that channel. Ka-swerte naman ng mga yon. However, sila yung mga nahihirapang mag-settle dito kaya madalas ay beneficiary sila ng govt assistance. If I understood it right, sila rin yung nai-involve sa mga gangs.
Settlement. Nasa South Auckland ang kanilang community. They find safety, security and belongingness in this area.
Culture. Si tatay ang nagtatrabaho at disciplinarian, si nanay ang taga pag-alaga at taga-instill ng values sa mga bata. They have extended family kaya madalas madaming occupants ang isang bahay. The head/s of the family are always consulted in major family issues. The eldest child looks after the welfare of his younger siblings while the youngest do the chores.
Humor. Samoans is a very happy culture. They laugh at almost anything. May madapa, tatawa. May pipilay-pilay maglakad, tatawa. This is their way of coping with life’s adversities.
Religion. Most of them are Christians. Church plays a big influence in their decision making.
Clash with the Tongans. Meron daw pero di sinabi bakit.
It’s not difficult to embrace the samoan culture coz I see similarities in our pinoy culture. I esp. like the humour part. Kaya nga kami ni Samoan friend ko ay nag-click right away.
Maori ang next topic namin. This will be really interesting. Gusto kong malaman kung ano ang tingin nila sa mga immigrants.

Friday, May 11, 2007
The actual driving test
Due to insistent public demand (mga hmmmm..... isa yon), I'm sharing my practical driving test experience.
3 parts yung test. First deals with basic driving skills. Second, identifying driving hazards. And lastly, driving in high speed zone.
Pero bago magsimula yung test, iche-check muna ng examiner yung indicators (signal lights) at brake lights. Tapos non, sakay na sa kotse.
1- Basic driving skills. The examiner, Ross, gave me instructions on where I should go. Nandyan yung sasabihin nyang liko ako sa kanan, liko sa kaliwa, diretso, etc. Tinitignan nya kung sinusunod ko ang paggamit ng indicator, give-way rule, mirror check (every 10 seconds), use of turning bay, etc.
2- Identifying hazards. Ano nga ba ang driving hazards? These are the vehicles and people that comes or might come along your way. Pinapunta nya ako sa limang intersections. Paglagpas namin sa bawat intersection, pinahihinto nya ako para isa-isahin ko sa kanya yung mga na-encounter kong hazards. Sablay ako nung una kasi di ko nabanggit yung old lady na naglalakad malapit intersection. Kahit pala di akmang tatawid, potential hazard din pala si lola.
3 - Driving in high speed zone. Henry did his in the motorway. Mine was in the Hibiscus Coast Highway. Nakupo, curvaceous yung kalsada at bangin ang gilid. Sinabihan ako ni Ross na mag-over ng 5 sa maximum speed limit na 80kph para daw ma-assess nya kung pano ko yon iha-handle. Pumalag ako oong una kasi sabi ko madaming kurbada yung daan. Sabi nya bahala daw ako. Saglit lang akong ng 85kph tapos I maintained 65kph. Siguro tama yung ginawa ko.
Tips. Ensure that your car is roadworthy. Do drive around the area before the actual exam so that you'll get familiar with the road conditions. Don't place your thumbs inside the steeringwheel, dapat nasa ibabaw lang. When changing lane at high speed area, make sure to do a head check and indicate more than the required 3 seconds.
For more details about the test, check LTNZ website.

Thursday, May 10, 2007
(fully) Licensed to Drive
9am kanina ang practical driving test ko. Nasa Orewa na kami ni Henry one hour earlier para maging pamilyar ako sa kalsada ng Orewa.
Ross ang pangalan ng examiner ko. After nyang magpakilala, tinanong ko agad sya kung allowed ba ako na magkamali. “Sure, but not big ones”, nakangiting sagot nya habang kinakabit nya yung salamin para ma-check nya ang eye movements ko.
Kaba ang pinakamalaking kalaban ng mga nag-e-exam. Kaya bago ko pinaandar yung sasakyan, nag-breathe in, breathe out muna ako. Nangiti ulit si Ross.
Mga 45 minutes din yung session. May checklist si Ross ng mga tasks na dapat kong kumpletohin. May mga sablay ako gaya ng nag-over ako ng 7kph sa maximum speed, nag-signal ako sa right pero left ang instruction nya, at iba pa. Kaya ng tapos na yung test, hindi ko alam kung pasado o bagsak ako. Kumuha ng calculator si Ross at nagcompute-compute. Thank goodness, I made it!
Nagpa-salamat ako kay Ross for being warm which helped me become comfortable all throughout the test. Kung stricto sya, malamang na mas marami akong mali. Kaya ngayon, Ross is my friend.

Wednesday, May 09, 2007
“Made in UK”
Ang ganda ng suot kong jacket ngayon, "made in UK". Orig na Marks and Spencer na nabili ko for $2.
Akala nyo ba sa pinas lang may mga “made in UK” (as in ukay-ukay), pati dito meron din. Pag linggo, merong nagtitinda nito sa Takapuna flea market (tiangge). Kung magaling kang pumili, makakakuha ka ng mga almost new na mga pants, shirts, jackets, etc. Nasa $2 ang isang item.
Kung di mo type ang maghalukay, punta ka Salvation Army, hospice, at op shops kung saan naka-hanger ang mga damit at pwede pang mag-sukat. Aside from apparels, meron ding mga kitchenwares, cutleries, books, home furnishings, toys, etc. na nabibili. Sa charity napupunta ang proceeds nila. Usually volunteers ang mga tumatao (madalas mga senior citizens).

Monday, May 07, 2007
Ang sarap maging hostess
Last week, first time kong mag-host ng mga bisita sa bahay. Isang linggong nandito sa Auckland yung kapitbahay namin sa Bulacan. Sa Manukau sila tumuloy pero nag-overnight sila sa amin nung Friday. They were here to clear their doubts on migrating to NZ.
Friday night, ang haba ng aming kwentuhan. Syempre andyan yung balitaan tungkol sa pilipinas, aming barrio (Sta. Rita, Guiguinto) at kanya-kanyang pamilya. Nandyan din yung reminiscing kami about our first few months in NZ at kung pano kami nag-a-adjust sa bagong environment.
On Satuday, we took the couple to Devonport port, Mt. Victoria and Snowplanet (sight-seeing lang). Iikutan pa sana namin ang Albany kaya lang kapos na sa oras. Hindi lang sila ang nag-enjoy sa pamamasyal, pati kami ay na-appreciate namin lalo ang aming adopted home.
Sure they stay was short but it was enough to convince them that it's a good place to raise their family. Si husband ay babalik sa June. Susunod na lang yung family nya once he's settled. I would love to have them as neighbors here in AKl. They are very beautiful people inside and out. Isa pa, maliliit din yung mga anak nila kaya tamang-tama na playmates ni Shannen.
To M and G, welcome to your new home.

Wednesday, May 02, 2007
Valet parker
Umuwi nang 4:00 kahapon yung puting kasama ko. After 10 minutes, bumalik sya. Di daw sya makaalis kasi may nakaharang sa kotse nya. Pinakiusapan akong ilipat ng pwesto yung kotse nasa likod nya (maraming kotse ang naka-double park). Ayoko sana kaya lang walang ibang available. Either nasa meeting yung mga tao o kaya walang license yung mga available (ewan ko kung excuse lang yon).
Bago ako tumango tinanong ko muna kung kanino yung sasakyan. Kay Martin daw. Ah doon pala sa technical support namin. O sya, kinuha ko yung susi sa kanya.
Pagbaba namin sa parking lot, isang flashy BMW ang nakita ko. Kay Martin na head ng IT pala yung pinapamaneho sa akin (magkapangalan kasi sila). Nakupo, napasubo ata ako. Pero nandon na rin lang, pinaandar ko na yung sasakyan. Kinakabahan ako kasi ang dikit-dikit ang pagkakaparada ng mga sasakyan. Eh kaiinom ko lang na kape non kaya talagang kumakabog ang dibdib ko.
Nailipat ko naman ng maayos yung BMW. Mabagal nga lang para siguradong di sasabit. Siguradong kukutusan ako noong may-ari kung sakaling nagalusan ko yon. Haaayy, next time sasabihin kong paso na ang lisensya ko.

Tuesday, May 01, 2007
Overstaying
Kanina lang lumabas ang approval ng visitor's permit extension ng mommy ko. She was an overstaying visitor for almost 2 weeks. Last week ng April nang personal kong dinala yung application sa Immigration sa Queen Street. Hindi ako aware sa turn around time nila na 30 days para sa processing. Noon kasing kay MIL, online ang extension application kaya ang decision ay nakukuha within a week (kung kumpleto ang requirements).
Kinakabahan kami noong una kasi baka bigla na lang may pumunta sa bahay at pauwiin ang nanay ko. Pero sabi naman ng mga kaibigan namin di naman daw yon mangyayari kasi on-going naman ang processing ng extension. Ibo-blog ko nga sana yon pero naisip ko na baka may mag-sumbong sa mga 'alagad ng batas' at ma-deport bigla si mommy. Di ba maraming ganon sa US? Yung pinoy na nagre-report sa mga pinoy na TNT.
Enjoy the next months with us , mom.

Subscribe to:
Posts (Atom)