Wednesday, May 30, 2007

Lost little girl

Namasyal kami sa mall ng mommy ko at mga bata noong nakaraang lingo. Gaya ng dati, di kami pwedeng hindi dadaan sa paborito naming $2 shop. Habang tumingin ako ng mga home furnishings at ang mommy ko ay nasa mga beauty products, yung 2 bata ay nasa toy section. Sinisipat-sipat ko sila doon from time to time. A couple of minutes later, lumapit sa akin si Vince. Nasaan daw si Shannen. Pinuntahan ko si mommy, di nya kasama si kulasa. Inikot naming yung buong shop, wala doon. I told them to stay in the shop why I look for Shannen. Napansin noong isang Indian na babae na may hinahanap kami. Tanong sa akin “Are you looking for a little girl?”. Sabi ko oo. Balik nya, “There’s a lost little girl near the escalator.”

Dali-dali akong pumunta sa direksyon na sinabi ng babae. Nakita ko si Shannen sa tabi ng pinto papuntang carpark. Nakaupo sya sa sahig katabi ang isang puting babae. Kalmado sya pero mukhang galing sa iyak. Todo-todo ang pasasalamat ko doon sa babae na sumama sa kanya.

Natakot ba ako habang nawawala si Shannen? Sa totoo lang, hindi masyado. Maybe because I perceive NZ as a safe place. But when things begun to sink in, I realized that it was a very scary situation. I could have lost her kahit sabihin mo pang mababait ang tao dito. Next time, I'll make sure that she's got some ID with her.

1 comment:

Anonymous said...

naku jink,naranasan din namin yan,namasyal kami sa SM (north) mga 3 yrs old pa si Cioline.Kinabahan kami ng husto.Safe din dito sa Singapore,kaya lang mula noong nangyari yun nakaka dala na rin..Ingat.
gg