Tuesday, May 01, 2007

Overstaying

Kanina lang lumabas ang approval ng visitor's permit extension ng mommy ko. She was an overstaying visitor for almost 2 weeks. Last week ng April nang personal kong dinala yung application sa Immigration sa Queen Street. Hindi ako aware sa turn around time nila na 30 days para sa processing. Noon kasing kay MIL, online ang extension application kaya ang decision ay nakukuha within a week (kung kumpleto ang requirements).

Kinakabahan kami noong una kasi baka bigla na lang may pumunta sa bahay at pauwiin ang nanay ko. Pero sabi naman ng mga kaibigan namin di naman daw yon mangyayari kasi on-going naman ang processing ng extension. Ibo-blog ko nga sana yon pero naisip ko na baka may mag-sumbong sa mga 'alagad ng batas' at ma-deport bigla si mommy. Di ba maraming ganon sa US? Yung pinoy na nagre-report sa mga pinoy na TNT.

Enjoy the next months with us , mom.

3 comments:

Anonymous said...

oo nga,minsan mga pinoy daw ang nag papahamak sa mga kapwa nila pinoy.dito daw meron din ganyan.

gigi

Anonymous said...

Hi Jinkee,

Share ko lang po, PR na kami. :)
After 2 mos din lumabas ung result.
Ang sarap pala talaga ng feeling na after almost 2 yrs na processing, makikita mo ang PR visa sa passport.
Thanks sa lahat ng tips. :)

God bless you and your family.

-Cleo and Brian

jinkee said...

@ g,

Dito sa NZ, so far very helpful at generous yung mga pinoy na name-meet namin. Sana nga walang ganong mga tao dito.


@ Cleo/Brian,

Congratulations! Talagang pinagpapala ang mga mababait at humble na tao. I wish you more blessings :D