9am kanina ang practical driving test ko. Nasa Orewa na kami ni Henry one hour earlier para maging pamilyar ako sa kalsada ng Orewa.
Ross ang pangalan ng examiner ko. After nyang magpakilala, tinanong ko agad sya kung allowed ba ako na magkamali. “Sure, but not big ones”, nakangiting sagot nya habang kinakabit nya yung salamin para ma-check nya ang eye movements ko.
Kaba ang pinakamalaking kalaban ng mga nag-e-exam. Kaya bago ko pinaandar yung sasakyan, nag-breathe in, breathe out muna ako. Nangiti ulit si Ross.
Mga 45 minutes din yung session. May checklist si Ross ng mga tasks na dapat kong kumpletohin. May mga sablay ako gaya ng nag-over ako ng 7kph sa maximum speed, nag-signal ako sa right pero left ang instruction nya, at iba pa. Kaya ng tapos na yung test, hindi ko alam kung pasado o bagsak ako. Kumuha ng calculator si Ross at nagcompute-compute. Thank goodness, I made it!
Nagpa-salamat ako kay Ross for being warm which helped me become comfortable all throughout the test. Kung stricto sya, malamang na mas marami akong mali. Kaya ngayon, Ross is my friend.
1 comment:
Hi jinky,
Congratulations!
Bka naman pwede paki-post narin kung ano-ano yung pinagawa sa iyo..Kahit hindi na fully detailed...Nag babalak na rin kc akong mag take ng practical eh..Pero almost 2 monhts na akong nag drive ngayon dito(NZ). Kasi alam kong marami karin matutulungan kung "A head" tayo sa exam eh..Thank you very much..
God Bless!
Ashton Clark
Post a Comment