Isang taon na kami dito sa NZ!!! Ang bilis talaga ng panahon.
368 days na nang kami ay sumakay ng Cathay Pacific para magsimula ng bagong buhay sa Akl. Grabe, miss na namin ang mga kamag-anak at kaibigang iniwanan namin. May email, Yahoo Messenger at telepono man, iba pa rin yung nakikita at nahahawakan mo sila.
Maliban sa kanila, may ilang mga bagay-bagay na sana meron dito kagaya ng:
- Phil. mango, lakatan, latundan
- cheap na beauty parlor (para makapagpa-rebond at highlight ako ng buhok)
- Purefoods hotdog (di ko type ang lasa ng sausages nila)
- Jollibee, Chowking at Kenny Rogers
- Pork (sabi ni MelNep, di kinakapon ang mga baboy dito kaya may kakaibang lasa)
- Sari-sari store
- Jeepney at tricyle
- mga nagtsi-tsismisan sa kanto (nuisance ang tingin ko sa kanila dati, ngayon mga “concerned citizens” na)
- Teleserye, telenovela, fantaserye, etc.
- Ready-to-eat na pinoy food (di kasi ikaw mismo ang magluluto)
- Beach na warm ang tubig
- Pinoy novelty songs (like otso-otso, spaghetti, wowowee, etc.)
- SM City, Megamall, Mall of Asia
- yaya (para di ko na kailangang pwersahin ang mommy ko na mag-stay dito kahit marami syang responsebilidad sa pinas)
So do we have plans to go back to the Philippines sometime in the future? At this point, wala. Pilipinas na lang ang dadalhin namin dito.
3 comments:
Sobrang miss din namin ang pinas..dagdagan ko lang ung list ng na mimis mo..sa akin naman ay Quiapo(mga DVD he..he), Divisoria..(Murang Bilihin, sobrang daming tao..), Liga (Volleyball/Basketball), Eleksyon(Parang Fiesta..), Pasko, Bagong Taon,Bagyo,Baha, Andok's Litson manok,Unlimited Download ang Internet, Brownout..
Ashton Clark
jinkee,
nakatuwa naman ang post mo. kala ko pa naman gusto mo na bumalik dito sa pinas. ok ang twist mo ah! at least pag dinala mo pinas dyan, kasama na ko dun... salamat hahaha. siyangapala, regular visitor ako ng blog mo. very light but informaive. nakakagaang ng araw... after a whole day`s work...so thanks for sharing your days with us, readers.
sinag
@ tatay ni Ashton Clark,
isasama ko sana talaga yang DVD kaya lang baka may mag-pulis sa akin dito. he he he. oo nga pala, sana may pinoy pasko at bagong taon din dito. Di bale next time ipauso natin yan.
@ sinag,
mahilig akong magkwento kaya lang walang akong makwentuhan dito kaya sa blog ko na lang binubuhos. Bonus yung may bumabasa.
Nung nag-a-apply ako dati, naitanong sa akin sa isang interview kung ano ang gagawin ko kung sakaling manalo ako ang $1M. Sabi ko dadalhin ko ang mga kapamilya ko dito. Kaya ata ako di tinanggap dahil sa sagot ko. he he he
Post a Comment