Wednesday, May 09, 2007

“Made in UK”

Ang ganda ng suot kong jacket ngayon, "made in UK". Orig na Marks and Spencer na nabili ko for $2.

Akala nyo ba sa pinas lang may mga “made in UK” (as in ukay-ukay), pati dito meron din. Pag linggo, merong nagtitinda nito sa Takapuna flea market (tiangge). Kung magaling kang pumili, makakakuha ka ng mga almost new na mga pants, shirts, jackets, etc. Nasa $2 ang isang item.

Kung di mo type ang maghalukay, punta ka Salvation Army, hospice, at op shops kung saan naka-hanger ang mga damit at pwede pang mag-sukat. Aside from apparels, meron ding mga kitchenwares, cutleries, books, home furnishings, toys, etc. na nabibili. Sa charity napupunta ang proceeds nila. Usually volunteers ang mga tumatao (madalas mga senior citizens).

1 comment:

Anonymous said...

mura nga noh..ang tyaga mo rin na mag halukay(gnagawa mo ba sa pinas yan).naku dito kahit yata may mga bargain mahal pa rin.Mas okay pa rin mamili sa pinas ng mga damit..Ganda ng mga pictures.

gg