Friday, December 28, 2007

Kumukutikutitap








25th December, di ko pa din makumbinse si Shannen na Pasko na. Despite the presents and Christmas decors in the house, sabi pa din nya "It's not Christmas yet!". Kasi daw wala snow at Christmas lights sa paligid. Naku, kaya naman pala.

Sa una nyang hinahanap, wala akong magagawa. Eh hindi naman talaga naye-yelo dito sa Auckland (except sa Snow Planet). Isa pa, summer ngayon.
Doon sa lights, ang pinakamalapit na may mga Christmas lights ay nasa 400m ang layo. Marami namang bahay ang may Christmas trees sa loob pero iilan lang yung nagde-decorate sa labas. Kaya ang naisip namin, pasyalan yung mga bahay na kumukutikutitap.

Merong contest yung isang real estate company dito. Hinahanap nila yung pinakamaliwanag na bahay. Kinuha ko yung address ng mga bahay na malapit sa amin. Noong gabi ng 26th, 10 yung pinuntahan namin. From the smile on her face every time she saw a sparkling house, Shannen is now convinced that it's already Christmas.





Tuesday, December 25, 2007

Merry Christmas!!!

Sa lahat ng mga kamag-anak at kaibigan namin, pati na rin sa mga blog friends ko, Maligayang Pasko :)

Wednesday, December 19, 2007

Bag holder nga


Ngayon alam ko na kung ano yung thingy na pinadala ng kapatid ko. Malaking palaisipan talaga sa akin yan for a couple of days. Now it's known, bag holder nga. Isinasabit yung bag sa isang dulo, yung flat/round end naman ay nakapatong sa ibabaw ng mesa. Pwede mo 'tong gamitin kung kumakain ka sa isang resto at gusto mong nasa harap mo yung bag mo. O kaya kung wala ka ng mapagpatungan ng bag sa opisina. Hay naku, akala ko talaga nilalagay sya sa buhok. Salamat doon sa nag-comment sa previous post ko.

Things to do

Ito ang plano kong ma-accomplish over the 2 weeks Christmas vacation.

1- picnic in Wenderholm Regional Park (best picnic spot daw sabi ng Metro Mag)
2- go to Auckland Zoo
3- fruitpicking in an orchard in Coatesville
4- go to the museam
5- play frisbee in the beach
6- cook paella for Christmas
7- bake carrot cake with Shannen
8- shopping on Boxing Day
9- play badminton
10- update Henry's CV

Kung hindi sasama ang panahon, magagawa lahat yan. Otherwise, tatamarin kaming gawin yung 1 to 4. Sana may napag-aalayan ng itlog dito.

Sunday, December 16, 2007

Shorter trip, longer marriage

Pag may pupuntahan kaming mag-anak, si Henry ang driver at ako naman ang navigator. Magaling akong magbasa ng mapa, ang kaso lang di ako makapagbasa pag nasa moving vehicle. Ang resulta, naiinis ang driver ko. Para daw walang diskusyon, ibili ko daw sya ng GPS navigation device. Sabi ko NO, aba ang mahal ata non. Eh para sa akin eh big boy's toy lang yon.

Noong minsang nakasakay ako sa bus, nakita ko yung ads ng Navman. Ang sabi "shorter trip, longer marriage". Hmmmm.... may katuwiran. I'm sure yung eksena namin sa loob ng sasakyan ay nangyayari din sa ibang mag-asawa. Si mister mainit na ang ulo kay misis dahil hindi sila makapunta sa kanilang destination. Kaya hinayaan ko na si Henry sa gusto nya. Noong isang linggo bumili sya ng Tomtom (ang gara ng pangalan, parang laruan). Happing-happy ang loko, mas reliable na navigator daw yon kesa sa akin (eh ako naman libre, may kasama pang masahe).

Sa totoo lang, ok na ako sa mapa. Hindi ako solve sa idea ng GPS navigator dahil sa presyo nya. Pero sige na para wala ng away. Shorter trip, longer marriage.......

Monday, December 10, 2007

New busway

Kahit na konti lang ang population ng NZ, di pa rin ito ligtas sa rush hour traffic. Nasa 15kms lang ang layo mula bahay hanggang sa trabaho pero inaabot ako ng 50 to 60 minutes sa byahe. Kombinasyon ito ng 5 minutes drive mula bahay hanggang bus station, 30minutes na bus ride, at 10 minutes na lakad papunta sa office. Yung difference ay para sa paghihintay ng bus.

Excited akong pumapasok sa trabaho. First time ko kasing masusbukan yung bagong busway dito sa North Shore. Dati yung shoulder ang ginagamit na bus lane. Ngayon may sarili na silang kalsada. Ang official opening ay sa Feb 2008. Pero noong Saturday binuksan na yung isang lane. Ito yung mula north papunta sa CBD. Yung pabalik ang hindi pa handa.

Inorasan ko yung byahe ng bus. Pag-alis pa lang sa istasyon ay nakatutok na ako sa relo. Wow, in 22 minutes nasa midtown na ako. That's 8 minutes less than normal. Aba, malaking bagay yon. I'm pretty sure maraming mai-ingganyong mag-public transport mula ngayon. When that happens, there will be less cars in the road, less hassle in the traffic and less pollution in the air.

Thursday, December 06, 2007

Kids Christmas Party

First time mag-attend ng totoong Christmas party ng mga bata noong Sunday. It's courtesy of my company and was held at Long bay. I was one of Santa's elves so I designed the invites and shopped for presents (oh I loved it!). The hightlight of the party was Santa's distribution of gifts. Sobrang saya ng mga bata. Well the mere sight of Santa was already thrilling. Idagdag pa don na dumating sya on a fire truck. Ngayon pa lang, hinihintay na ni Vince and Shannen ang party next year.




Wednesday, December 05, 2007

Ano to

Dumating noong isang linggo yung box na padala ng nanay at mga kapatid ko. Ang laman non ay mga regalo nila sa amin para sa pasko. Sa Pilipinas nga naman kasi ang dami naming natatanggap na pamasko, dito iilang piraso lang. Ang sweet nila no (love you all, mwaaah...)

Aside sa mga nakabalot na regalo, sinamahan na din nila yon nga mga anik-anik. Andyan yung dakki pillows, pang-kikay, damit ng mga bata, accessories, etc. Meron isang item doon na hindi ko mawari kung ano. Hindi naman fridge magnet kasi wala namang magnet. Hindi hair clip o earing. Hindi rin bookmark. Di talaga namin ma-figure out kung para saan yon. whachatink? any idea?

Friday, November 30, 2007

Santa Parade 2007

Last Sunday was Santa Parade in AUckland CBD. The kids were really looking forward to this. Masakit man sa pwet yung sumalampak sa sahig for 3hrs, sulit naman.






Saturday, November 24, 2007

MamaSay is here



Dumating kahapon si MamaSay (that's how my mom and sisters address my Mother-in-law). Buti na lang nakasabay nya si Aris sa byahe. He took very well care of her. Aris is my sister Queenie's friend and classmate in Letran. The last time I saw him was 16yrs ago. Aba, mahirap yata yon magbyahe ng malayo na may kasama pang 4.5hrs stop sa Sydney.

Muntik na naming di makilala si Mamasay. Pumayat kasi at naging blondie pa yung buhok. Si Shannen naman ayaw lumapit sa Mama. As in sabi sa akin di daw nya kilala. Pero nung iabot sa kanya yung mga pasalubong, close na sila.

Malaking tulong sa amin ang nandito ang mother-in-law ko. Hindi na ako nag-aalala sa mga bata pag wala kami ni Henry bahay. Hindi na din kami nag-iisip sa lagay nya sa Pinas. Welcome to NZ again Mamasay! Hope you'll enjoy your 9 months stay with us.

Tuesday, November 20, 2007

Writing right


May pumansin sa advertisement ng isang shop dito. Pambihira naman kasi yung sumulat non, mukhang hindi man lang ipinacheck kahit sa isang 10yr old.

Ghastly grammar, hideous spelling and pathetic punctuation. Common yan kahit na english-speaking country na dito. Hindi rin ligtas kahit na mga professionals. Nakita nagsubmit sa akin ng request form kanina. Napansin ko na di lang yung mga boxes ang sinulatan nung employado. Nang tignan kong maige, binilugan pala nya yung mga maling spelling at punctuations. Napilitan tuloy akong i-review ng maige yung form (di ako gumawa non). Ngek, 7 mali pa yung nakita ko. Di naman ako expert kaya lang talagang obvious yung mga errors.

Ang cultura ng pinoy ay hindi masyadong forgiving sa ganitong mga pagkakamali. Ang dami nga naman kasi nating English subjects mula pre-school hanggang university. Meron nga akong naging boss na talagang binibilugan ng pulang ballpen yung mga errors sa magazine. Some people can take it but there are some who don't care much. To them, as long as the message is sent across, pwede na. Ika nga, the end justifies the means. May punto nga naman pero may isang school of thought din na nagsasabi na katamaran yon o kaya sign ng inadequate education. Mas naniniwala ako dito. Kaya kung kaya din lang, write it right.


Note: This blog may contain grammatical and spelling errors as the author is not an expert on these areas. Please use your better judgment when using any material herein.

Friday, November 16, 2007

Our backyard

There's been some exciting things going on in our backyard lately. First, a hedgehog paid us a visit. Upon seeing people, it immediately rolled into a ball (his defence mechanism). It only straightened up when Vince poured water on it (despite my plea to leave it alone). It's sad to think that New Zealand believes that this cute spiny animal is actually a pest rather than a pet.

Now for the second surprise, our apple tree is coming to life again. After hibernating in winter, it's now starting to bloom. Puno na ng bulaklak ang mga dulo nya. By January, we'll have a big supply of apples.



Sunday, November 11, 2007

Aubrey Miles on TV

Nasulyapan ko kagabi si Aubrey Miles sa tv. The show was Amazing Race Asia 1 - second leg. Di ako mahilig manood ng tv dito pero nakakuha ang attention ko nang makita ko yung Philippine flag sa cap ng isang contestant. A few minutes later, saka ko pa lang nakita si Aubrey Miles. I did a little rasearch. Noong isang taon pa pala yon. Sa next episode, matsu-tsugi na sila ng real-life best friend nya. Kaya sa Saturday, manonood ulit ako.

Thursday, November 08, 2007

Haloween 2007





First time mag-trick or treat ng mga bata last week. Shannen wore a fairy costume while Vince put on a scary mask. Dahil sa wala kaming kilala sa aming neighborhood except sa isang pinoy na kapitbahay, naki-trick or treat kami sa street ng aming kaibigan. Maraming bata sa street nila at cul-de-sac kaya ok na ok. The kids had so much fun. In fact, Shannen wants to do it everyday. Nalungkot ng sabihin kong next year na ulit ang kasunod.

Monday, October 29, 2007

I dream of Manila

In the past two weeks I've been having different dreams about Manila. Noong una it was Quiapo. Nasa ibabaw daw ako ng footbridge malapit sa Quiapo Church. A few days later, napanaginipan ko na namimili daw ako sa Tutuban. A week ago, naglalakad daw ako sa Buendia. Last night, COD Cubao naman. The dreams are so clear that it seems real. As in tatawagan ko sana yung isang kaibigan ko para sabihin na nakita ko sya sa Tutuban. Buti na lang na-realize ko na it didn't realy happen. Hay naku, homesick na ata ako :(

Monday, October 22, 2007

Labour Weekend



Today is a holiday. Labour Day kasi. Lahat ng tao ay nasa pasyalan except for us. The kids and I spent the whole day at home. Henry and BIL on the otherhand, worked for few hours. Ok lang yon. Ang dami na kasi naming nagawa nang nakaraang 2 araw.

Let me start with Saturday. Kasama ang mga kaibigan namin, nagpunta kami sa Silverdale (north Auckland). May bagong bukas ng laruan doon. It's called The Luge. This is how it works. Using in a motorless car (see pictures), magpapadausdos ka from the top of the hill (mga 3 to 4 minutes din siguro yon). Pagpataas, you ride in a travellator (parang escallator). The boys really enjoyed it. They like it really fast. Kami ni Shannen sumakay din pero ayaw namin ng mabilis.

Next stop is Bumper Boat. Di ko mapaandar ng maayos yung boat. Talo pa ako ni Vince. At dahil "bumper boat" syempre may banggaan. Masaya talaga pero basa ka naman pagkatapos. Buti na lang may baon kaming extra clothes.

Sunday is dedicated to Kelly Tarlton. Ang dami naming nakitang isda gaya ng clown fish, sea horse, starfish, puffle fish, mako shark, snapper, stingray, etc. We also saw penguins which awed Shannen to the max. Ang cute naman kasi. Gusto nga ni Shannen magkaron kami ng pet penguin. Nakupo, ang hirap non.

Sunday pm, nag-aya si Henry sa Westfield Albany (the biggest mall in NZ). On our way there, may kakaibang nangyari. Nahuli ng pulis si Henry for speeding. It was a 50K road, nasa 64km/hr ang takbo namin. The fine is $80. Oh no!!!!! Now you know why Henry is working overtime today. he he he

Yan ang kwento namin dito.

Friday, October 19, 2007

Kiwi-style sampayan


Ang cute ng sampayan dito sa NZ. Parang spider wed na rotating. Di mo na kailangang lumipat ng pwesto pag magsasampay dahil pwede mo syang paikutin. At kapag malakas ang hangin, para syang roleta ng kapalaran. Nakakaaliw tignan. Kaya nga ng dumating ang mommy ko dito, gusto nyang magpakuha agad ng picture sa tabi ng sampayan.

Sa US, UK at ibang western countries, ayaw na nila nito dahil daw pangit at wa-klas. Kaya maraming bagong subdivisions doon ang banned ang sampayan. In fact, may multa ang mga offenders. Kaya ang siste, sa dyrer ang diretso ng damit pagkatapos labhan. Iba dito sa NZ. Environmentalist kasi kaya they stuck with the old-fashioned clothesline. Oo nga naman, mag-aaksaya ka pa ba ng kuryente sa dryer kung libre naman ang hangin at araw. Siguraduhin mo lang na maayos ang pagkakasipit dahil baka makarating yon sa kapitbahay. At pag dumilim, takbo na at limasin na ang labada.


Note: I have changed the photo above. Sampayan na ng kapitbahay namin ang nasa picture.

Wednesday, October 17, 2007

Kiwiana lunch

3rd anniversary ng opismeyt kong Scottish dito sa NZ. To celebrate, nagkaron kami ng kiwiana lunch. Kanya-kanya kami ng dala ng pagkaing unique or common to kiwis. Ito ang ilan sa mga handa:

  • L&P (softdrink)
  • meat pie
  • sausage roll
  • cheese
  • brandy snaps
  • veggie salad with avocado – ang alam ko lang sa avocado ay yung may gatas at asukal
  • Jaffa – orange coated chocolate balls na gawa Cadbury
  • Pineapple lump
  • chocolate fish – a fish-shaped marshmallow covered with chocolate
  • pavlova – parang sansrival; origin is claimed by both NZ and Australia
  • lamington – a sponge cake; the kiwis and aussies also dispute on this as well
  • Vegemite
  • whitebait fritters
  • asparagus roll – sandwhich nyo ay may palamang steamed asparagus
  • Cheerios – sausage lang to na kulay purple, no big deal, but kiwis cook by boiling in water

That was really a good experience. Imagine, I tasted so many new foods in one sitting. Yung unang 4 lang ang natikman ko na dati. Except for the pineapple lump and vegemite, masarap naman yung mga pagkain (hindi nga lang masyadong exciting). Pag may nag-imbita sa akin na kiwi, din a ako mahihirapang mag-isip ng dadalhin.

Nga pala, yung salad ang bitbit ko (binili ko lang). Kiwi fruit ang unang pumasok sa isip ko pero naalala ko na china nga pala ang origin nito. In fact, it’s also called chinese gooseberry.

Monday, October 15, 2007

Ambury Farm Day








Nagpunta kami sa Ambury Farm Day kahapon. It's a park owned by the Auckland Regional Council (my employer) and it's about 30kms from our place. The weather forecast said it's going to be windy and rainy day. Totoo nga. Buti na lang we got some sunshine enough to have fun in the park.
The day was filled with farming and recreational displays, demonstrations and activites, such as wood chopping, sheep shearing, face painting, farm animal petting and feeding, live entertainment, vintage tractor ride, and more...............

Ang unang bungad sa amin ay yung performance ng maori entertainers. As usual, malalaki sila at yung mga boses ay parang pang-higante. Hindi sanay si Shannen sa ganon kaya natakot. Nagpabuhat tuloy sa tatay nya.

Malayo pa lang, nakita na ni Vince yung bungy jump. Pinilit kaming pumunta doon. Ok lang daw sa kanya kahit mahaba ang pila. Nung turn na namin, natakot yung dalawa. Si Shannen ayaw tumuloy. Ito namang si Vince ang baba ng talon, freaky daw yung feeling pag nasa itaas. Pero ang yabang nung nasa pila kami, sabi nya magdo-double back flip daw sya.

We also went for the tractor ride. Nakasakay kami sa trailer na hila ng isang vintage tractor (naalala ko tuloy yung mga "kuliglig" sa mga bukid sa Bulacan). Walang kaming upuan kundi yung hay bale (dayami). Inikot namin yung buong park. Napakaganda ng view especially yung nasa tabi ng Manukau Harbour. Sa paligid ay ang daming sheeps, cows at pukekos na naglipana.

It was a special day according to my kids. I couldn't agree more. We really had fun despite the weather. It was a taste of real kiwi farm living. Ang sarap tumira sa countryside ng New Zealand.

Friday, October 12, 2007

Botohan

Nakakatuwa ang botohan dito, hindi mo nararamdaman. Parang walang nangyayari pero on-going na pala ang local elections. Di gaya sa Pinas, sa mailbox kinukuha ng botante yung voting pack. Kapag nakapili na sya ng kandidato, ipo-post nya yung voting papers. So di na kailangan ng voting precincts, poll watchers, teachers, etc. Nagsimula ang botohan noong 21 Sep at matatapos sa 12nn nang 13 Oct. A few hours later, may resulta na. Ang bilis no!

"Malinis" ang eleksyon dito. Wala kang makikitang mga campaign materials gaya ng mga posters sa pader, streamers sa poste o kaya mga t-shirts sa mga supporters. Meron din namang mga fyers pero nilalagay lang yon sa mailbox. Ang mga billboards naman ay madalang at di malalaki.

Eligible na kaming bumoto pero useless at this point kasi di namin kilala ang mga kandidato at mga advocacies nila. I've always believed that you need to vote to have a say in the issues kaya sa susunod boboto na din ako.

Sunday, October 07, 2007

All Blacks talo :(

Pag Sunday morning, madalas late na si Henry na gumising. Pero kanina, nang bumangon sya ng maaga, di na ulit bumalik sa higaan. A few minutes later, sinundan ko. Ayun, nanonood pala ng rugby - All Black vs. France. Nakinood din ako (my first time). To my surpise, hindi all-black ang uniform ng All Blacks. Naka-silver and black jersey sila. Natalo pala sila sa piliian ng uniform kaya ang France ang naka-dark colored top.

First half, lamang ang AB. Pero pagkatapos nito, minalas ang New Zealand team at sinuwerte naman ang mga Prances. Ang final score, 20-18. Talo ang All Blacks. hu hu hu.

A lot of kiwis are very passionate about rugby. They follow the games with their hearts. No. 1 and standing ng NZ sa mundo pag dating sa rugby kaya sila ang inaasahang mag-dominate sa laban lalo na ng mga kiwi fans. Kaya ngayong talo, marami ang luhaan. Bat nga ba natalo? Malay ko, di ko kasi alam yung rules of the game. Pero sa tingin ko, may kinalaman yon sa uniform nila. Dapat naka-all black ang All Blacks.

Sunday, September 30, 2007

Plan B

I was on leave for a week coz Shannen was sick. May lagnat sya from Sunday to Wednesday. Monday nagsimulang magkasipon. Sabi ni Dok, viral daw. Di ako nagulat kasi sabi sa daycare i-expect ko daw na maraming virus na makukuha si Shannen sa first year nya doon.

I'm sure nagsusungit na yung kasama ko sa trabaho dahil kailangan nyang akong i-cover. Ang tagal nga naman ng 1 week. At di yon ang first time. Nag-absent na din ako ng 1 linggo nung July dahil na-virus si kulasa.

Maswerte yung iba na hiyang sa daycare. Yes, nagkakasakit nga yung mga bata pero kaya nilang i-handle. Ito kasing si Shannen ang hirap na nang pakainin (kahit walang sakit) tapos mahirap pang painumin ng gamot (esp. antibiotic). Sobra akong na-i-stress. So nag-isip kami ng ibang option. May kapitbahay kaming pinoy na stayhome mom dahil may inaalagaang 1.5y/o na anak. Kinausap ko nung isang araw kung ok lang na paalagaan ko si Shannen. Wala daw problema. Magsisimula kami doon sa Wednesday (baka kasi may natira pang virus si Shannen, ayoko namang mahawa yung mga anak nya).

Maganda sana sa daycare dahil marami silang activities doon pero di kaya ng powers ko pag may sakit ang mga bata. I am really praying that this Plan B will work.

Monday, September 24, 2007

Saturday at the city



Sabado. May overtime si Henry at BIL (mga 3hrs lang naman). Naiwan ako sa bahay kasama yung dalawang bata. Ano ba ang pwede naming gawin? Isip-isip....hmmmmm...... tiiing!!!! Ipapasyal ko sila sa city (downtown). They've never been there so that would be quite an experience. Para mas masaya, nag-bus lang kami. Nakasakay na sila ng bus dito dati pero nung first month pa namin yon. Di na nga nila matandaan sa tagal.

First stop namin ang Civic Theatre. May nabasa kasi ako sa Aklnzpinoys na open home sila kaya may guided tour at kiddie arts. Nakakamangha yung building. It's Arabian Nights inspired kaya sobrang intricate ang design. Dito daw kinunan yung eksena sa King Kong kung saan tinali sya.

Second stop ang Sky City. We had a look of the Sky Tower from a close distance. Nangawit ang leeg nila sa kakatingala. May 2 tumalon mula sa itaas ng tower kaya nakaka-excite. Gusto sana nilang umakyat kaso wala yon sa budget namin. May bonus attraction kami, may grupo ng kabataan na nag-perform as part of the High School Musical promo. Napaindak kami habang nanonood. he he he

Lat stop, Westfield Downtown. Doon kami nag-lunch. Then sumakay kami ng bus pauwi. That was a good experience for the 3 of us. Nag-enjoy talaga kami. At first akala ko mahihirapan akong dalhin yung 2 bata. Buti naman at behaved sila. May pasok daw ulit sila Henry sa Saturday. Mukhang magandang pasyalan yung Luge sa Silverdale. hmmmm... pwede

Thursday, September 20, 2007

Mga balitang nakakaaliw

Hiwalay na si Martin Jickain at Aiko,
Closer ngayon si Gabby at KC,
Sumakabilang-buhay na si Ramon Zamora
Umamin na si Regine at Ogie na sila nga,
Nasa Dos na si Angel, etc.

O di ba, updated ako sa showbiz chika kahit walang TFC dito. One of the things that entertain me here is to read the happenings in the Pinoy showbiz arena. Talaga namang entertaining at nakakaloka ang mga balitang artista. Ang source ko ay ang Phil. Entertainment Portal (http://www.pep.ph/). Ang galing ng mga tsismis don, madalas nauunahan ko pa sa balita ang mga kamag-anak ko sa pinas. Buti na lang nai-share ni Bim (ni Jim) at Sharon B yung site na yon.

May mga istorya din akong pinapalagpas. Una yung tungkol sa mga bagong artista dahil wala akong time kilalanin pa sila. Pangalawa, mga awayan gaya ng kay Joey-Willy. Hindi na yon nakakatuwa, nakakainis na. Parang political news yon, eh yung nga ang iniiwasan ko. Duon na lang ako sa mga nakakaaliw. Ito ang bago kong nabasa, umamin si fafa Piolo na naging sila ni Pops. Naku, ang haba ng buhok ng lola. Si fafa Sam kaya, sinagot na kaya ni Anne Curtis?

Sunday, September 16, 2007

Maori language

Isa na natutunan ko sa trip namin sa museum ay ang origin ng Maori language. Ang nakalagay doon, ang salita nila ay based sa Austronesian which is the base of southeast asian and pacific languages.

May pagkakahawig nga ang salita nila sa tagalog. Sa numbers na lang, tignan nyo pano sila magbilang.

1 - Tahi
2 - Rua (sa ilokano dua)
3 - Toru
4 - Wha (pronounced as 'fa')
5 - Rima
6 - Ono
7 - Whitu (pronounced as 'fitu')
8 - Waru
9 - Iwa
10 - Tekau

Madali lang ang pag-pronounce ng mga words nila. Kung pano mo basahin yon sa tagalog, ganun din sa maori. Ang a, e, i, o, u kasi nila ay ganon din kung pano natin yon sabihin.

Thursday, September 13, 2007

Trip to Auckland Museum



Isa ang Auckland Museum sa mga unang pinapasyalan ng mga bago sa Auckland. Kami, after 16 months, saka pa lang nakarating doon. Akala ko kasi dati eh boring doon at baka di mag-enjoy ang mga bata.

But contrary to my initial impression, Auckland Museum is a cool place. We enjoyed every bit of it. Ang mga paborito namin ay yung stuffed elephant, tree house with oranggutan, insect area, lolli wall at dinosaur fossils. Maganda din yung volcano area kung saan may simulation ng pagputok ng bulkan. Bale papasok kayo sa isang bahay then you’ll see in the window that an underwater volcano (near Rangitoto) is erupting. Magkakaron ng earthquake tapos magwawalan ng kuryente. Cool di ba, pero itong si Shannen natakot. As in nanginig sa takot. Nag-aya tuloy umuwi ng di oras.

We stayed there for 2.5hours. Sobrang bitin yon. We could have stayed there the whole day dahil talaga naman interesting yung exhibit doon. Pero ok lang yon para maulit ulit ang punta naming sometime in the near future.

Thursday, September 06, 2007

Cooking made easy (and yummy)

Pag weekdays, simple lang ang menu namin for dinner. Kailangan, kasi si Henry ang toka sa luto so dapat hindi ito maging stressful sa kanya (otherwise baka mag-strike). Pero pag weekends, ako ang reyna ng kusina and I try to deviate from the norm. Hindi naman kailangang complicated ang pagkain, basta lang bago sa panlasa ng mga parokyano ko.

Marunong akong magluto pero hindi magaling. Limitado din lang ang luto na kabisado ko. Dati tinatawagan ko ang Ate Chris ko kung kailangan ko ng saklolo, di na yon pwede ngayon pero mabuti na lang at natisod ko ang blog ni Connie Veneracion, ang http://www.pinoycook.net/. Madaling sundan at yummy ang recipe ni Tita Connie. May kasamang delectable pictures, interesting dining experiences at practical cooking tips ang blog nya kaya I always visit her site.

Kaya sa mga prends ko dyan na nagpa-planong magluto ng something special sa weekend, check out Connie’s blog. You'll definitely find something you'll enjoy doing and eating there.

Monday, September 03, 2007

Of chores

Nang mai-kwento ko sa opisina ang setup namin sa bahay, sabi nila swerte daw ako. Aba sabi ko talaga, very helpful yata yung 2 kasama kong lalaki sa bahay. Maasahan si Henry at Janjing sa mga household chores. Kaya kahit wala na ang mommy ko, hindi ako masyadong hirap sa trabaho sa bahay.

Ganito ang arrangement namin. Sa umaga, ako ang toka sa paghahanda at paghahatid sa mga bata sa eskwelahan. At 3:00pm, susunduin na ni Henry at Janjing yung mga bata. Pag dating ko nang 5:30pm, nakaluto na si Henry at natapos na ni Janjing ang mga labada. Pagkatapos ng dinner, pag-uusapan na namin ni Henry ang menu for the next day. Ihahanda na din ni Henry ang baon nila for the next day.

Maswerte ako dahil may division of labour kami sa bahay (ewan ko kung nagrereklamo sila pag wala ako). Ganun naman talaga dapat sa bahay lalo na kung walang inday na pwedeng utusan. Very stressful yon sa nanay kung lahat na lang ng trabaho ay sa kanya. Mabuti na lang at magaling ang training ng byenan ko sa mga boys nya. At hindi lang sila willing tumulong sa chores, pulido pa gumawa. O, meron kayo non?

Wednesday, August 29, 2007

Work Visa for BIL

Dumating noong Friday yung work visa ni brother-in-law (BIL). Yup, magta-trabaho sya dito sa NZ. Maswerte syang nakakuha ng job offer mula sa employer ni Henry. Nagustuhan ng boss nya yung skills at attitude nya sa trabaho so ganon din ang expectations nya from BIL. Di naman sya mabibigo kasi masipag at highly skilled naman si BIL.

Nasa Pinas pa lang ay very willing na yung ang boss ni Henry na bigyan ng trabaho si BIL. Dahil sa wala akong mahagilap dati na may kaparehong situation, lumapit kami sa isang agent para ayusin ang work visa nya. Pwede sanang sa Pinas i-apply yung WV kaso mas preferred ni agent na dito na yon i-file. Kaya nang dumating dito si BIL (at sister-in-law), they were on visitor's visa.

10% ng first year salary ang charge ni agent kung sya ang maghahanap ng work. I believe this is a common practice by employment agents. But since may job ofer na, 5% na lang ang bayad. Malaki pa din but because we don't know how the process works, pwede na din.

BIL is currently staying with us. This is really good para may ka-buddy-buddy si Henry at may second tatay yung mga bata. So umalis man ang mommy ko, may isa pa kaming additional na kapamilya.

Monday, August 20, 2007

Daycare: Separation Anxiety

Shannen’s first 3 half-days in daycare went just fine. Pero nung pang-apat na araw na, ayaw nang pumasok. “I’m sad when I’m there”, yun ang rason nya. I asked her what making her sad. Ang tagal daw kasi ng pasok at nami-miss nya kami. Halfday pa lang yon nagre-reklamo na, starting this week 8hrs a day na sya doon.

Nang ihatid ko sya kaninang umaga sa daycare, umiiyak at ayaw nyang bumaba ng kotse. Binuhat ko sya hanggang sa loob ng daycare. Nang nakita ng teacher na na umiiyak sya, kinuha nya si Shannen. Sinenyasan nya ako na pwede na akong umalis. Gusto ko pa sanang magtagal doon hanggang sa ma-appease sya but that wasn’t a good idea. I will just prolonging our agony. Yup, our agony kasi nagdudugo din ang puso ko na iwanan sya doon na umiiyak. Feeling ko nga mas apektado ako kasi si Shannen pagkaraan ng ilang sandali ok. Eh ako, buong araw nato-torture sa kakaisip sa kanya.

Oh my poor little girl, how I wish I can be with her all day. But that’s not possible at the moment. Siguro kung tatama ako sa lotto o kaya magiging manager sa trabaho si Henry, pwede pa. Sa November pa pwedeng bumalik ang Mama ni Henry so 3 buwan kaming magtitiis sa ganitong situation. Cheesecake, cheesecake ….. can someone please give a me slice. please….

Sunday, August 19, 2007

A cheesecake moment

Hinatid namin ang mommy ko sa airport nung umaga ng Sabado. Nang pumasok na sya sa security check area, don ko lang naramdaman ang sobrang lungkot. Noong pa lang nag-sink in sa akin na hindi ko na ulit ang nanay ko. Kung babalik man sya, mga isang taon pa siguro. Mag-uusap pa kami sa telepono at mag-e-exchange ng emails pero iba yung nakikita ko sya ng harapan at nahahawakan.

Ayaw ko pa sanang umalis ang mommy ko kaya lang marami na syang dapat asikasuhin sa Pilipinas. Alam kong gusto pa nya sanang samahan kami dito pero mas malaki ang responsibilidad na naghihintay sa kanya doon. She never asked me if she can go 'cause I know it also breaks her heart to see us in a difficult situation. But I have to unleashed the selfishness in me so allowed her to go. This is for everyone’s best. We will always be grateful that she spent 6 "boring" months with us.

Bakit cheesecake moment? Sa Pilipinas kasi, when I feel really down I always get myself a slice of blueberry cheesecake to cheer me up. Kaso walang Red Ribbon of Cheesecake, etc. dito so sorry na lang ako.

Thursday, August 16, 2007

Clever salesmen

Nasa NZ Herald ngayon yung balita kung pano na-revive ng isang medical equipment salesman ang isang nag-heart attack. Nataon na nagde-demo ng defibrillator itong si salesman kung saan naganap ang aksidente. I'm sure madami syang mebebentang gamit after that real-life heroic act.

Naalala ko tuloy yung kwento ng isang kaibigan kong ahente noong nasa university pa ako. Pero itong version nya eh "for reel". Top salesman ng Vulcaseal itong si Kuya Raul. Madiskarte sya sa pagbebenta ng produkto nya. Sari-saring gimik ang ginagawa nya para makakuha ng madaming order. Ito ang isa sa mga istayl nya (very effective lalo na pagkatapos ng bagyo). Sa halagang Php50, aarkilahin nya ang isang tambay para "sumama" sa kanya. Papasok sa hardware itong si accomplice at magtatanong kung may Vulcaseal sila. Pag wala, sasabihin nyang "sayang, bibili sana ako ng madami". After a while, dadating si Kuya Raul at mag-aalok. Syempre dahil sa may (artifial) market demand, eh mag-o-order ngayon itong si hardware. Ayos!

Eventually, naging sikat ang Vulcaseal (but not necessarily because of his efforts). Nagkaron pa nga nga madaming TV adverts at promo sa PBA. Hindi na nya kailangang maghagilap ng tambay sa kanto para kumota. Matagal na akong walang balita kay Kuya Raul. Ewan ko yun pa din ang trabaho nya. Anyway, kung ano man ang ibebenta non siguradong klik dahil sa creativity nya.

Tuesday, August 14, 2007

None of the above


O ayan, bago na ang hairstyle ko. Unfortunately, hindi nag-materialize yung plano kong style. Nung Sunday, pumunta ako sa hair salon malapit sa amin at ipinaubaya ko sa koreanang beautician ang aking buhok. Korean hairstyle… why not. Ang bilin ko lang eh wag yung style na heavy bangs.

Ang resulta, mahabang layered ang aking crowning glory. My mom said it looks good on me. I agreed with her. Pero after kong maligo, ayan na, may kanya-kanyang direction na ang buhok ko. Kung tutuusin hindi naman masama kasi din dito na ganito din ang style.

I can definitely make it look much better pero hindi ko yon kayang i-maintan. Siguro pag uso na ang maid dito sa NZ. Sa ngayon, kakarerin ko muna ang household chores at baby sitting.

Monday, August 13, 2007

Shannen's first day at daycare


Maagang nagsimula ang araw namin kanina. Alas 5:30am ako gumising para ihanda lahat ng gagamitin ni Shannen sa daycare. Si Shannen naman 6:30 ko pinabangon. Normally, 8:30 ang wakeup time nya. Di naman ako nahirapan kasi excited sya sa first day nya.

Pagdating namin sa daycare, may 5 bata na kaming dinatnan. Nag-aagahan sila ng toast. Maganang kumakain yung mga bata, nakakainggit. Pinakain ko ng baon naming chocolate chips si Shannen (kaya medyo matambok ang pisngi nya sa picture). Kumain lang ng 2, tapos ayaw na. Sana eventually ma-encourage syang kumain ng mas madami sa daycare.

Bawal ang may nakakahawang sakit sa daycare, yung ang nakalagay sa house rules nila. This is conforting to know. Pero 2 bata ang nadinig kong uubo-ubo. Apparently, di masyadong pinapansin ang ubo dito kaya pwedeng papasukin ang bata. Hay naku, wag naman sanang mahawa si kulasa.

Since settling period pa lang ito ni Shannen sa daycare, half-day lang muna ang pasok nya. By noon, lumabas si Henry sa trabaho para iuwi si sya sa bahay. Next week, fulltime na sya doon.

O sya, matutulog na kami. Maaga pa ulit kaming babangon bukas. good night

Wednesday, August 08, 2007

Dog attack

Isa na namang bata ang inatake ng aso dito sa NZ. Poor girl underwent hours of surgery, 290 stitches on her face and a plate on her broekn jaw. Ang masaklap nyan, she's merely 2yrs old (mas maliit pa kay Shannen).

Naalala ko tuloy yung experience ni mommy at Shannen sa aso. Naglalakad papuntang school silang dalawa. Di naman kalayuan yung creche, mga 400meters lang mula sa amin. May nakita si Shannen na hubcap ng kotse na nasa gilid ng kalsada. Tinapakan yon ni Shannen, walang anu-anoy sinugod sila ng malaking aso na galing sa tapat na bahay. Walang tigil yung aso sa kakakahol sa kanila. Boses pa lang nakakatakot na. Tapos kinagat nung aso yung folder na dala-dala ni mommy. Niyakap ni mommy si Shannen habang sumisigaw sya ng tulong. Sarado yung bahay, mukhang yung aso lang ang occupant nung oras na yon. Naisip mommy yung hubcap. Tinulak nya yon palayo sa kanila. Dun pa lang tumahimik yung aso. Laruan pala nya yon at na-agitate sya nung paglaruan ito ni kulasa.

May bad experience din ako sa aso nung maliit pa ako kaya takot ako sa aso. Kaya pag may nababasa at naririnig akong dog attacks, talaga nga namang kinikilabutan ako (para akong si Helen Clark). Ito namang mga dog owners, sana maging mas responsable sila. They must ensure all times that their dogs wont harm any innocent people (ok lang kung magnanakaw). Kung mahirap yon para sa kanila, eh di wag na lang silang mag-alaga o kaya yung maliliit at mababait na breed na lang ang alagaan nila. I really hope wala ng dog attacks mula ngayon, sa bata man o matanda.

Monday, August 06, 2007

$1.50 carseat

Kakailanganin namin ng 2 carseats pagnag-daycare na si Shannen. May isa na kaming carseat pero kailangan pa namin ng isa. Ako kasi ang maghahatid sa kanya sa umaga, si Henry naman ang susundo sa hapon.

2 linggo din akong nagbantay sa Trademe para maghanap ng second-hand carseat. Nagbunga din ang pagtya-tiyaga ko kahapon. Nanalo ako ng carseat for $1.50 (nasa $120 ang bago). Kahit na sa Greenlane pa namin kinuha yung item, sobrang good deal pa din yon.

Friday, August 03, 2007

First language?

Sinagutan ko kagabi yung application form sa daycare. Nang dumating ako sa section na Child's First Language, napaisip ako. Ano nga ba ang ilalagay ko don? English na ang salita ni Shannen 75% of the time. Mula ng mag-kindy, nagsimula ng dumami ang english vocabulary nya. Kausapin man namin sya ng tagalog, english ang isasagot.

Nauwi ako sa paglalagay na "English/Filipino" ang first language ni Shannen. It's inevitable that english will be our kids first language as this is what they deal with most of the time. Gayun pa man, tagalog (or filipino) pa rin ang gagamitin namin sa loob ng bahay.

Thursday, August 02, 2007

"walang ganyan sa States"

Ito ang latest balita sa akin ng Ate ko:

- Nagpapasikat ang Mt. Bulusan in Sorsogon (Bicol), trowing ashes
-2 days ago may buhawi sa Baliuag sweeping almost 100 houses, cutting electric lines & century old trees, pero sa bukid naman hindi sa bayan.
- Yesterday umulan ng yelo (hale) sa Baguio
- Kagabi naman lumindol sa Panggasinan (intensity 4) and Baguio (intensity 2).
- Water in Angat and Magat Dams are both in critical levels kaya madalas walang kuryente sa M Mla, nag re-rain-seeding na nga palagi pero hindi tumutuloy ulan.....

Ano pa kaya ang susunod? Naku, sana naman wala na at matapos ng lahat yan. Kawawa naman ang mga kababayan natin sa beloved PI.

Wednesday, August 01, 2007

Trip to the daycare

May appointment ako kaninang 7am sa isang daycare na malapit sa amin. Tinignan ko yung facilities nila at kung pano sila maghandle ng mga bata. So far, I like what I saw. Malinis yung lugar at mukhang mababait ang mga staff nila.

Plano naming ipasok si Shannen sa daycare by mid-August. Uuwi na kasi ang mommy ko kaya wala ng makakasama si Shannen sa bahay. Sa Nov pa sana pero marami na syang kailangang asikasuhin sa Pinas.

Ang una naming option na tinignan ay ipaalaga si kulasa sa pinoy. Akala kasi namin eh sobrang mahal ang daycare. Hindi naman pala totoo. Meron kasing free 20hrs/week na binibigay ang govt kaya $130pw na lang ang ibabayad namin (kasama na ang pagkain).

The daycare idea is not really bad. Ang mga bata ay may socialization with other kids at madami silang acitivies. Meron din silang nap time sa hapon at pinapakain sila ng healthy food (hopefully this will work for my picky eater). Ang problema lang eh nagkakahawahan ng sakit ang mga bata. Di yon maiwasan kahit na nagdi-disinfect sila ng gamit at banned ang mga batang may sakit. Ang uso daw ngayon ay cold, flu, conjunctivitis at chicken pox.

By end of next week ay magta-trial kami. Dadalhin ko si Shannen doon for a couple of hrs a day. If that turns out fine, she'll be on her own. Ihahatid ko sya doon ng 7am, susunduin naman sya ni Henry ng 3pm. This works for a lot of families so sana mag-work din sa amin ang ganitong setup (*fingers-crossed*).

Sunday, July 29, 2007

Another foggy morning

This photos was taken at 9am this morning



Ito naman 30 minutes later.


Ganito ang nangyayari kapag walang hangin. Nata-trap ang water vapour sa ere kaya kahit may araw na, maputi pa din ang paligid. Buti na lang at walang pasok. Kung hindi, mahihirapan akong magmaneho. Feeling ko kasi nasasakal ako pag makapal ang fog. Teka nga, ano ba ang fog sa tagalog?

Tuesday, July 24, 2007

Filipino Sunday

Pinoy na pinoy kami nung Linggo. Sinimulan namin ng misa sa Good Shepherd Church sa Balmoral. Si Fr. Ruben ang pari, isang pinoy (parang ilocano accent pa nga sabi ng mommy ko). Tumayo ang balahibo ko nang kantahin ang Ama Namin. Feel-na-feel ko talaga kasi matagal ko ng di yon nadidig.

Sa parking lot ng simbahan may nagtitinda ng sari-saring pinoy deli (para talaga kaming nag-time travel sa Concepcion Church sa Malabon). Bumili ako ng puto at Chippy. Nagpabili si Vince ng 2pcs banana-Q (4 pa nga sana kaso sold out na). Si mommy naman bumili ng dinuguan at laing ($5 each). Zesto Mango naman para kay Shannen ("bestest" juice daw sabi nya). Next time, magdadala kami ng kanin para dun na kami kakain ng lunch.

Pagkakapos non dumeretso kami sa meet ng Aklnzpinoys sa St. Mary's Hall, Ellerslie. Nagmamadali ako kasi tatao ako sa registration together with Carlo at his pretty wife Rhodora. Mga 1:45pm kami dumating. Abay ang dami ng tao pagdating namin. 12:30pm pala ang start. Sa tantsya ko, nasa 130 - 150 ang attendees. Nasa 25 ang newbies. Kasama na dito si BIL. Meron din akong nakilala na klassmeyt ni HO (younger brother ko) nung elementary at college (ME sa Mapua). Small world di ba.

Maraming salamat kay Jun D (for all the efforts esp. in bringing Hon. Pansy Wong to the meet), KU and Jean (yummy talaga yung mamon), Rhodora and Carlo (tenks sa pix and laptop), Beah, Ervin, Carina (reyna ng stage), John, sa lahat ng tumulong, at sa nagdala ng potato salad.





Thursday, July 19, 2007

How's your communication skills?

Very good. Yan ang nakalagay sa CV ko pag nagpapadala ako ng application. Bat nga ba hindi, marunong akong bumasa, umintindi at magsalita ng inglis (mataas pa nga ang IELTS points ko). Pero nang mag-simula akong magtrabaho dito sa NZ, na-realize ko na kulang pala ang communication skills ko.

Communication is not only about talking and understanding the language. May iba pang elements sa equation gaya ng ....

Accent. Kiwis pronounce some things differently. They turn e into long e. Gaya ng "you're my beast friend". Don't get provoked immediately when you hear this. Kung nakangiti yung tao nang sabihin yon, ibig sabihin eh best buddies kayo. But if it was delivered with a straight face, tingin ka sa salamin kung me problema ka nga :D

Jargons - Iba ang istayl dito. Maraming wala sa mga american tv programs at movies na napapanood natin sa Pinas. Gaya ng "the torch is flat". Aakalain mo ba na ang ibig sabihin non eh wala ng batterya yung flashlight?

Body language. May kasama akong indian na very fluent mag-english pero nako-confuse ako minsan sa gusto nyang sabihin. "Yes" ang sinasabi nya pero yung ulo nya eh pailing-iling. Ganun pala talaga sila mag-signify ng conformance.

Expression of thoughts. Para sa akin yan ang pinaka-importanteng ingredient sa communication. Di baleng inglis karabao, basta nakakapagbigay ka ng opinion. Yan ang area na dapat kong punan. Hindi kasi ako spontaneous. Madalas delayed reaction. Ine-evaluate ko pa kasing maige kung tama ba ang grammar at context ng sasabihin ko, at kung ano ang magiging reaction ng mga kausap ko. O bi ba, ang haba ng processo bago ko ma-express ang opinion ko. By then, iba na yung topic, ngek. Mabuti pa yung mga chinese eh kahit mali-mali ang inglis, aba sige lang basta nasasabi yung gusto nila.

Monday, July 16, 2007

Paki explain

Ok, ok. Hindi pa ako nagpapa-redo ng aking hairdo. Despite several attempts, laging nau-unsyame ang plano ko. Noong una di pa ako maka-decide kung alin talaga ang hairstyle na bagay sa hair texture at lifestyle ko. Pero ngayon alam ko na. I want it straight and layered, and length should be just below my shoulders. Settled na yon. Ang problema na lang eh yung appintment sa hairdresser.

Matagal-tagal din ang magpa-rebond. Sabi ni Jhoy, isang parlorista sa Malolos pero panadera dito sa NZ, mag-allot daw ako ng 6hrs para don (well, you really can't rush beauty, he he he). Since naging busy kami this past month, naging least sa priority ko ang aking beautification project.

Kung kelan ito mangyayari, di ko pa masabi. Kung wala ng mga issues sa bahay, pwede na akong magpaka-kikay. Buti na langat meron pa akong natitirang konting ganda :D

Sunday, July 15, 2007

A very tiring week

Habang binabagyo ang Aukland last week, ang loob ng bahay namin ay may bagyo ding sinasagupa. Nag-stomach flu si Shannen for almost 4 days. Sinabayan pa ito ng ubo. The poor little girl was so cuddly during those days kaya di ako nakapasok sa trabaho.

Shannen is now better but not yet 100%. Once a day na lang ang trip nya sa toilet pero ayaw pa ring kumain at uminom ng milk. I hope she gets back to her old self very soon.



Wawa naman si Kulasa, ang laki ng hahabuling timbang. Ito yung itsura nya ngayon. Ok, hindi masyadong halatang nangayayat sya pero totoo yon... promise. May sakit pa yan ha. Imagine nyo na lang kung wala.



Monday, July 02, 2007

Sky City pix

Namasyal kami sa CBD nila ILs (in-laws) and mum last Sunday. Here are some picture taken when we were in Sky City






Sunday, July 01, 2007

Offertory

Sunday is church day for us. Sa St. Joseph, Takapuna kami laging pumupunta. Katabi ito ng school ni Vince. Kanina, pagkatapos ng homily, may isang matandang lalaki ang lumapit sa akin at sinabing "would you like to take the offertory?". Ha, ano daw? Mga 10:30am na non pero mukhang tulog pa ang mga braincells ko. Ang unang dating sa akin, may ino-offer syang upuan (nakatayo kasi kami sa likod). Eh di nag- "yup, sure" ako. Na-gets ko na lang ang ibig nyang sabihin nang may inabot syang 2 bowls ng hostia. Sus, pinag-a-alay nya pala kami sa offertory.

Kinuha ko yung 2 bowls - isa para sa akin, yung isa binigay ko kay Vince. Magsisimula nang maglakad ng ma-realize ko na di pala ako naka-lipistik. Yung buhok ko di ko man lang na-check kung tikwas-tikwas. Anyway, wala na akong magagawa kundi siguraduhing safe yung mga hostia pag-abot namin sa pari. Wala naman naging problema kahit na si Shannen ay gustong umextra.

I've learned my lesson. Laging sinasabi ng mommy ko na dapat "the best" ka pag magsisimba. I shouldn't have ignored her. At sa susunod, sa gilid na kami pupwesto :)

Tuesday, June 26, 2007

Henry the babysitter

Henry as a babysitter? Why not.

Ipinasyal ko si mum, BIL and SIL nung Sunday. Naiwan si Henry at mga bata sa bahay. Nang hapon na, may dumating na isang kababayan nya sa Malabon. Syempre kwentuhan muna nung una. Makarami na sila ng usapan nang magtanungan tungkol sa pamilya. Sinabi ni Henry na 2 ang anak nya, sabay turo kay Shannen at Vince. Nagulat itong si kababayan. Akala kasi nya nagbe-babysit si Henry ng anak ng Kiwi. Ha ha ha, napeyk sila ni Shannen.

Thursday, June 21, 2007

BIL and SIL

Gaya ng sabi ko dati, gusto naming makasama dito sa NZ ang mga kamag-anak namin. Nagsimula na nga po ito. Kahapon, dumating ang bro-in-law (BIL) and sis-in-law (SIL) ko. They are here on a 3-weeks visit. Ang unang plano ay Sunday sila dadating dito. Kaso, Saturday na dumating yung visitor's visa nila. Masalimuot ang naging kwento ng pagkuha nila ng visa but I wont go into the details anymore. Ang importante, nakarating dito.

Excited si Vince na makita ulit ang kanyang dear uncle. Close kasi sila non. Pagdating galing school, gustong nyang gisingin si BIL. Buti na lang at napigilan ko. Iba naman ang drama ni Shannen. Noong una, parang makahiya na ayaw lumapit at magsalita. Pero nang tumagal-tagal, lumabas na rin ang kakulitan ni kulasa.

I'll take them to SkyCity on Sunday. Isasama ko na rin sa pasyalan ang aking mum (that's how they spell it here). Aside from that, we'll show them the CBD, countryside, malls, parks and beaches. Sana magustuhan din nila ang NZ. It's more than just sheeps and cows. It's a beautiful country and has a lot of interesting things to offer.

Monday, June 18, 2007

Have a seat

May nakakatuwang eksena kanina sa bus. Dahil rush hour, punuan na yung bus. Maswerte ako at nakuha ko yung huling bakanteng upuan. Kaya yung mga sumunod sa akin ay nakatayo na (mga 8 siguro sila).

Bago umandar yung bus, may isang bagitong koreano (I can easily tell by his hairstyle) na tumayo para ibigay sa isang babae ang kanyang upuan. Tumanggi nung una si babae pero tinanggap din at nagpasalamat noong huli. The lady was in her mid-30s so di mo sasabihing type sya ni koring. Di rin sila nag-usap pagkatapos non kaya malamang di sila magkakilala. Ang tingin ko, nakinig nang maige sa good manners na turo ng nanay nya itong si bagets.

Kahit nasa ibang bansa man, huwag din sanang kakalimutan ng mga pinoy ang ganitong ugali. Oo ngat di sanay ang mga kiwi sa ganong siste, pero wala namang masama kung ipagpapatuloy nating ang nakasanayan. Kiwis are generally kind and lovely so baka mausohan din sila non.

Thursday, June 14, 2007

Pwede nang mag-asawa

My mom is very talented and skillful. Magaling syang educator lalo na sa pre-schools. She plays the piano, marunong mag-drawing (she's done some murals), marunong manahi, minsan puninturahan nya yung bubong at gate namin, etc. Mahaba pa ang listahan ng kayang gawin ng nanay ko but unfortunately hindi kasama doon ang pagluluto. Pagdating sa kusina, she's still learning. Wala akong matandaang special ulam na niluluto ng nanay ko (hindi counted ang special prito at special ginisa). Minsan magsasaing na lang sa rice cooker sumasablay pa. Buti na lang kahit ano kinakain namin. Ang biruan nga namin sa bahay dati, pano sya nakapag-asawa ng di sya marunong magluto. Her defense, my lola did not allow her (and her sister) to work in the kitchen. Baka makasunog, may mabasag, mali ang ilagay, etc. Ayun naman pala.

Nitong mga nakaraang linggo, nagugulat ako sa mga pangyayari. Aba, laging special ang ulam namin courtesy of my mom. Yummy na yung ulam, maganda pa ang presentation. Kagabi chowmein ang ulam namin, pwedeng pagkamalang binili sa takeaway. Kanina burger steak ang hapunan, pati si Vince at Shannen ginanahang kumain. At hindi don natatapos yon, lagi syang naglalagay ng lovely flowers sa kitchen. I therefore concluded na pwede na syang mag-asawa :D

Monday, June 11, 2007

Cultural Diversity Part 2 - Maori

Note: The purpose of the series of seminars is to know the different cultures of people in NZ so that staff would have an understating of the protocols when engaging with them. Whatever is written here is based on my understanding of what the resource person shared with us.

Nang matapos ang 1.5hrs seminar (half hour more than scheduled), napag-alaman kong maraming ways pala para masaling mo ang mga Maoris. Kaya dapat mag-research ka muna bago ka humarap sa kanila. Nandyan yung dapat tama ang pagpo-pronounce ng maori terms. Wag kang uupo sa ibabaw ng mesa. May ibang Maoris na hindi type na nakikitang nagha-Haka o may maori tattoo ang mga hindi nila kalahi (although sa iba ok lang).

Treaty of Waitangi. It was signed by a Crown representative and Maori chiefs from the North Island. This treaty plays a big part in the past, present and future of this country. However, balot ito ng maraming kontrabersiya kaya hanggang ngayon iba-iba ang pananaw ng mga Tao tungkol dito. Andyan yung iba daw ang English version sa Maori version. Merong nagsasabi na di ito applicable sa kanila kasi hindi kasali ang chief nila sa pirmahan. May iba namang kinikilala ang Treaty as agreement para payagang tumira sa NZ ang mga non-maoris.

Di gaya ng mga aborigines ng Australia, Indians ng Tate at Aetas ng Pinas, mas may recognition ang mga Maoris dito sa as first settlers ng NZ. Tingin ko, this is attributed to the fact that NZ has been colonized much later than the other countries. Mas marami ng alam ang dalawang partidos (maoris and the Crown) tungkol sa pananakop.

Isang taon na kami dito pero wala pa akong nami-meet na Maori. Buti na lang yon kasi hindi prior to the seminar, clueless ako kung ano ang cultura at mga tradisyon nila. Actually hanggang ngayon hindi pa din ako confident na makakaharap ako sa kanila ng hindi ako sumasablay sa protocols. And if that moment comes, I think the best way for me to do is to show them respect which every person deserves, regardless of color, culture or ethnicity.

Thursday, June 07, 2007

Garden na sossy

Namasyal kami sa Auckland Botanic Gardens nung Monday. Kinagabihan, pinadalhan ko ng ilang pictures si Queenie (my younger sister). Kinabukasan sumagot ang lola. Para lang daw kaming nasa Tabang (bilihan ng halaman sa Guiguinto, Bulacan). Nag-email ako ulit. Sabi ko, sossy ang Botanic Gardens, ang mga hardinero don eh mga degree holders. At walang panama ang mga halaman sa Tabang sa lupit ng pangalan ng halaman na 'to....

Friday, June 01, 2007

Top of the world

Ang gleng-gleng ng college classmate ko - si Regie Pablo. He reached the summit of Mt. Everest on 17 May 2007. You can read about it in The Phil. Daily Inquirer.

Nakakabilib ang determination nya. He put aside everything (even his job) to accomplish every mountaineer's dream. He's so slim nung nasa Mapua kami. Hindi ko aakalaing kakarerin nya ang pamumundok.

Well done Regie.

Wednesday, May 30, 2007

Lost little girl

Namasyal kami sa mall ng mommy ko at mga bata noong nakaraang lingo. Gaya ng dati, di kami pwedeng hindi dadaan sa paborito naming $2 shop. Habang tumingin ako ng mga home furnishings at ang mommy ko ay nasa mga beauty products, yung 2 bata ay nasa toy section. Sinisipat-sipat ko sila doon from time to time. A couple of minutes later, lumapit sa akin si Vince. Nasaan daw si Shannen. Pinuntahan ko si mommy, di nya kasama si kulasa. Inikot naming yung buong shop, wala doon. I told them to stay in the shop why I look for Shannen. Napansin noong isang Indian na babae na may hinahanap kami. Tanong sa akin “Are you looking for a little girl?”. Sabi ko oo. Balik nya, “There’s a lost little girl near the escalator.”

Dali-dali akong pumunta sa direksyon na sinabi ng babae. Nakita ko si Shannen sa tabi ng pinto papuntang carpark. Nakaupo sya sa sahig katabi ang isang puting babae. Kalmado sya pero mukhang galing sa iyak. Todo-todo ang pasasalamat ko doon sa babae na sumama sa kanya.

Natakot ba ako habang nawawala si Shannen? Sa totoo lang, hindi masyado. Maybe because I perceive NZ as a safe place. But when things begun to sink in, I realized that it was a very scary situation. I could have lost her kahit sabihin mo pang mababait ang tao dito. Next time, I'll make sure that she's got some ID with her.

Tuesday, May 29, 2007

Brain drain

Nandito sa NZ ngayon si GMA. Kung may chance akong makausap sya, itatanong ko to....

How does the govt feel that more and more Filipino skilled workers and professionals are choosing to work and live overseas? Is it a nation's pride or the motherland's anguish?

Saturday, May 26, 2007