Tuesday, December 23, 2008

To-do list

Bakasyon na ako since yesterday. Sa 05 January na ang balik ko sa trabaho. Like last year, I have made a list of things to accomplish for the 2 weeks holiday. Here's what I came up with.

- do strawberry picking
- trip to Cape Reinga (northmost part of NZ)
- make a veggie garden (para di na ako bibili ng kamatis, letuce, basil, etc)
- update Henry's CV (gusto na kasi nyang mag-iba ng work)
- play badminton
- learn to play acoustic guitar (pag marunong na ako, tuturuan ko si Vince)

Maiksi lang ang two weeks . Sana ma-accomplish ko lahat ng plano kong gawin.

Saturday, December 13, 2008

Lola Apong

On Tuesday night, just before midnight, my phone rang. I was already in deep sleep at that time so it was not able to pick up the phone quickly. The phone number is from the Philippines, then I got so nervous. Hindi sila tatawag unless there's something that's extremely urgent. It was my sister. She delivered an unpleasant news - lola Cristina (my mom's mom) passed away. She was 98.

Lola Cristina was very strong person and a caring woman. She raised 7 kids and a handful of grandchildren (including myself at some point). I will miss her very dearly.

Thursday, December 04, 2008

Christmas wishes

My sister Queenie asked her 2 kids to list down their christmas wishes and put it in their christmas socks. When the kids were already asleep, she checked the list, and here is what she found out...

kid 1 (7 years old girl)
i wish that i have a story book, my own laptop (sosyal!) , a toy penguin, diaper & toy stroller for tesa (doll), a clown, my own clock, doll house, pajama and new clothes." - pretty normal wishes.

kid 2 (9 years old boy)
"I wish for a math book, psp, nintendo wii, hot wheels set, wrist watch, belt, briefs (my briefs are already bacon), pajama (it's very tight already), forgiveness, self control, a good start of Christmas, wisdom, cold weather, a good family reunion, a healthy family, good health, wealthy country, kind hearted president, peace & order, better country, kindness, tender hearted, prevent temptation, spread God’s word, remember the good news, don’t let everybody give-up ang more blessings to come."


I was really awed by my nephew's wishes. I didn't think a 9 yo kid will actually wish for immaterial things, for others & for the nation. Pwede bang tulungan nyo kaming i-grant ang wishes ni Migi? You really don't have to buy anything for him. Just be a good human beings and love your country.

Tuesday, November 25, 2008

Hangi

Hohonga, nagha-hangi yung mga maoring kapitbahay namin. Ilang araw din akong na-puzzle don. It wasn't until Monday when I went to work that I learned about this maori tradition. Talagang ipinagtanong ko sa mga kasama kong kiwi kung ano ang posibleng ginagawa ng kapitbahay namin.

Hangi is a method of cooking food using super heated rocks buried in the ground in a pit oven. Traditional hāngi food includes pork, lamb or chicken with generous portions of root vegetables like kamote potato, carrot, etc. Di kasama sa recipe ang bata. ha ha ha

Monday, November 24, 2008

Buried 'n Burned

May party sa kapitbahay naming Maori nung Friday night. May mga adults na nag-iinuman sa deck. Yung mga bata naman masayang naghahabulan sa bakuran.

Extended hanggang Saturday yung kasiyahan nila. Doon na ata natulog lahat ng bisita. About 9am, some 6 adult males gathered in the backyard. Yung isa naman may hawak na ilang piraso ng tela (parang kumot). Yung dalawa may dalang pala at mukhang naghuhukay. Di masyadong makita yung actual na ginagawa nila kasi natatakpan ng bakod. Ilang minuto pa, may usok/apoy na galing doon. Tapos naisip ko yung mga bata. bat wala ng naglalaro? bat wala ng maingay? Naku, baka kaya may kine-cremate na sila doon. At higit sa lahat.... ang sampay ko!!! nauusukan!!!

I was in the verge of ringing 111. Bawal kasi yung nagsusunog sa bakuran. Kaso, nakita ko yung malaking Maori na puno na tattoo sa katawan at mukha. Sa loob-loob ko, maaagrabyado si Henry dito. So we just waited for what's gonna happen next.

5 hours later, tapos na ang cremation. Wala ng apos/usok. Tapos tinanggal nila yung tela na balot. Then kinain nila yung nasa loob non. Naku, asan na yung mga bata!!!

Itutuloy.....

Thursday, November 20, 2008

Rangitoto trek

Auckland has 49 volcanoes. Rangitoto is largest and youngest one.

Last week, nag-class trip Vince doon. Since I haven't been there and I know it's going to be a difficult task for them, I volunteered for parent help. Marami parents sumama. Almost 1:1 ang parent-child ratio.

From St. Joseph's in Takapuna, a big bus took us to Devonport wharf. From there, we took a ferry boat ride to the island. O di ba, yun pa lang adventure na.

Nagsimula kaming maglakad nang 10am. Nakarating sa summit nang 11:30. Ang ganda ng view na dinaanan namin. May mga formed lava, iba-ibang klase ng halaman/puno, at view ng Auckland. I'm glad I spent that time with Vince.






Wednesday, November 12, 2008

Redundancy

definition: dismissal from work because a job ceases to exist. Back in the Phil, we call it retrenchment

- - - - - - - -

May bago kaming kasama sa tranaho. When he started Monday, we had morning tea to welcome him. Nag-speech sya ng konti. 8yrs daw sya sa isang telecomm company. A few months back, na-redundant sya. Tingin daw kasi ng mgmt ay kayang gawin nung bagong pinoy na kasama nya yung ginagawa nya. ha ha ha Iba talaga ang pinoy.

Thursday, November 06, 2008

Melbourne Day

Melbourne Day noong Tuesday. Alam nyo bang isa sa mga highlights ng festvity na 'to ay ang Melbourne Cup (a horse race)? Ako di ko alam yon. Pero may kwento ako tungkol dito.

Umaga ng Tuesday, may narinig akong mga kalansin ng coins. My initial thought was someone's selling something for fundraising i.e Salvation Army, Foundation for the Blinds, etc. So naglabas na ako ng $2. Pag dating sa may desk ko, I found out that my collegue was collecting bets for Melbourne Cup. Dahil naglabas na akong barya, nakisali na din ako kahit di ko alam kung ano yon. Pinabunot ako ng pangalan ng kabayo. There are words, numbers and combination of both in there but I didn't bother to confirm which one is actually the horse's name.

Wednesday, nakangiti lahat sa akin. Nanalo daw yung kabayo! Yipeeee!!!! Kinuha ko yung nabunot kong papel. Nahihiya man, tinanong ko sa kanila kung alin doon yung pangalang ng kabayo. Tapos nagtawanan na lahat. I learned that it's actually VIEWED. Nakitawa din ako sa kanila pero mas masarap yung tawa ko. Syempre nasa akin yung premyo - $44. Not enough to buy me ticket to Melbourne so'll just get something to remind me of Melbourne Day.

Sunday, October 26, 2008

Ka-berks



Pangalawang buwan na ni Shannen ngayon sa bago nyang school. May mga araw na gusto nyang bumalik sa creche dahil miss nya na yung mga friends nya - si Kara na South African at si Priya na indian. Inseperable yung 3 dati sa school nila.

Iba naman si Vince. Mga pinoys ang mga ka-berks nya. Classmates ni Vinca sa St. Joseph's si Angelo (dito na pinanganak) at Patrick (bagong migrant din gaya namin). Sabi ng teacher nila, Three Musketeers daw sila. he he he

Tinatanong ko si Vince kung may mga kaibigan ba syang puti. Meron naman daw pero mas friends nya yung 2 pinoys. Una akala ko they stick together dahil pare-pareho silang tagalog ang salita. Pero inglis namang mag-usap yung mga bata. That makes me wonder kung nararamdaman ba ng mga bata ang cultural differences. Siguro nga. Baka sa age group ni Shannen wala pa yon. But when you reach a certain stage, nafi-feel na yon. At pag adult na, talagang remarkable na yon.



Monday, October 13, 2008

salamat sa technology

Election fever dito sa NZ. A few weeks ago, pinag-uusapan sa media ang campaign poster ng re-electionist PM Helen Clark. Pano naman kasi, kagandahan talaga sya sa campaign photo nya. Di na kailangan ng Vicky Bello o Dr. Calayan.

the before...


the after...


Naalala ko tuloy yung kaibigan kong graphic artist. Kasama ko sya sa printing company na pinagtrabahuhan ko. Minsan may nagpagawa sa opis ng campaign poster ng isang infamous politician. Para makabawi, pina-highlight ni friend yung logo ng shirt ni politician. Ang resulta, lutang-na-lutang yung “buwaya” sa poster. ha ha ha

.

Sunday, October 12, 2008

Friday, October 10, 2008

Ambury Farm Day 2008

Ambury Farm Day is on of Auckland Regional Council's (ARC) biggest annual events. This day is filled with farming and recreational displays, such as sheep shearing, cow milking, butter making, farm animal petting and feeding, clowns, entertainment, pony rides and so much more. We had so much fun last year so we are not to miss it this year (12 Oct 2008).

What I am looking forward to is the "Cow Lotto". Ganito yung game. The kids have to guess which square the cow will drop their "bomb". The child who chooses the right square wins a prize. One year the kids came up with a slogan and were shouting it out, over and over, at the cows…"one, two, do a poo". Nakwento ko yon sa mga bata at sobra silang excited.

Note: Picture to be posted on 12 Oct afternoon.

Thursday, October 09, 2008

Happy Birthday Kuya Vince

Birthday ni Vince nung Sat 04 Oct. I organized a simple celebration for him. I booked him and seven of his friends to play at Laser Force. Para yong paintball shooting pero ito safe dahil laser lang ang gamit. Gusto sanang sumama ni Shannen kaso ang age limit ay 7yrs old so pinanood na lang namin sila sa video monitor. They had 3 game sets, tig-15 minutes ang isa.

Pagkatapos ng laro, sobrang pawis at pagod yung mga bata. Halos ubos yung handa namin pagkain. Pizza, Zesto Mango at ice cream lang naman pero solve na silang lahat don.

H A P P Y B I R T H D A Y K U Y A V I N C E ! ! !

By the way, birthday ulit ni Vince ngayon, 09 Oct. Yung kasi ang nakalagay sa Birth Certificate pero 04 Oct talaga sya pinanganak.







Saturday, October 04, 2008

Skul holiday

School holiday ngayon nila Vince at Shannen. First time na wala kaming kapamilya na mapag-iiwanan sa mga bata. Medyo mahirap pero we're doing fine, so far.

Si Shannen walang problema. Pinapaalagaan ko lang sa kapitbahay namin (who also looks after her on school days). Pwede din sana doon si Vince kaso mabo-bore sya sigurado. Panay girl kasi ang makakasama nya. So we exhausted all options to make his holiday enjoyable.

Sa 2 weeks na bakasyon, kung saan-saan si Vince naka-sched. Apat na araw sya sa YMCA, 2 days sa bahay ng klassmeyt nya, 2 days sa bahay (dahil work-from-home ako), 2 days sa bahay ng klassmeyt nya at 2 araw sa kaibigan namin.

Mahaba-haba ang bakasyon sa Dec-Jan (7 weeks yon). Naka-book na akong mag-leave for one week. Si Henry isang linggo din. Haaayyyy... bahala na yung ibang araw.

_

Tuesday, September 30, 2008

Oreo

A friend from Manila sent me an email on recalled sweets from China. Nasa listahan yung Lotte Koala, Dove choc, Meiji, M&M, Snickers, White Rabbit, etc. Allegedly, marami itong melanine (di ba plato yon?).

As usual, nag-grocery ako sa Pak 'n Save nung weekend. Bakasyon ang mga bata ngayon kaya mas madami than usual ang snack foods na nasa listahan ko. Kumuha ako ng dalawang packs ng Oreo wafersticks, favorite yon ni Vince. Nakailang hakbang na ako nung maisipan kong silipin kung saan gawa yon. Gulat ko, made in China. All the while akala ko galing yon sa Australia. Di ko matandaan kung nasa listahan ang Oreo. So to be safe, iba na lang ang kinuha ko.

Pag dating sa bahay, binalikan ko yung email. Nakupo, nandon nya ang Oreo sa listahan. Hay, mabuti na lang nagdalawang isip ako. My brother-in-law is not a fan of china-made products (kahit na mura). Ngayon nadagdagan sya ng rason bakit.

Sunday, September 21, 2008

Hoodie-doodie

In sa bagets dito ang Billabong, an australian clothing brand. Ang alam ko meron na ring retail non sa Pinas. Kahapon, sinamahan namin ni Shannen yung kapitbahay naming pinoy sa Billabong factory outlet sa Albany. Meron kasi silang teen and pre-teen na anak. Isa pa, nagpupuno sila ng box para ipadala sa Pinas for Christmas.

Itong si friend, tumitingin ng mga hooded jackets. Yun daw ang bilin sa kanya ng mga pamangkin nya. Huh? Eh ang init di ba sa pinas. Pwede sigurong isuot sa December pero after that para ka ng sinisilaban. Eh uso daw yon. Sabi ni brother-in-law, sa teleseryeng Joaquin Bordado, lahat daw ng scene naka-hoodie yung mga tao. O sige, pagbigyan na for the sake of art.

Monday, September 15, 2008

tea with milk

Sa Pinas, Milo drinker talaga ako. Kahit libre ang brewed coffee sa opis namin, sa hot choco pa din ako. Sabi kasi ng nanay ko dati, pang matanda lang daw yon.

Dito sa NZ, natutunan ko ang pag-inom ng kape. Meron ding hot choco sa beverage machine namin kaso sobrang tamis. Minsan latte ang iniinom ko, minsan capucino. Hindi ko alam magkaiba pala ng timpla yung dalawa. Para sa taste buds ko, pareho lang yon.

Last month, may sinubukan akong bago. Tsaa naman. Di lang basta tsaa but tea with milk. Dati napapa-ngiwi ako pa nakikita ko yung mga opismeyts ko na nagti-timpla non. Common yon sa mga tao dito (healthier daw) pero sa akin unimaginable. Lemon lang ang alam kong sinasama sa tea (na hindi ko din masyadong type).

May isang pinoy na nagsabi sa akin na masarap daw yon. Madali naman akong magtiwala so sinubukan ko. Guess what? Gusto ko yung lasa. Since I tasted it, di na ako nag-attempt magtimpla ng kape. Pang matanda lang kasi yon. ha ha ha

Thursday, September 11, 2008

Rippa Rugby

I was supposed to take the day off today. May rippa rugby tournament kasi si Vince. Their school is competing with other schools. Pangalawang laban na nila. Natalo sila nung first. Di ako nakanood dati so sabi ko sa kanya manonood ako this time to give him moral support.

While having dinner last night, sabi ni Vince ok lang daw na di na ako sumama kasi may trabaho ako. That was really thoughtful. But since pinayagan na ako ng boss ko, sabi ko manonood talaga ako. Isa pa, gusto ko ring malaman paano nilalaro yung rippa rugby. Para naman "in" ako, di ba. However, he still insisted na ok lang syang mag-isa. Eventually, lumabas din ang totoong rason. Ma-e-embarass daw sya kung may kasama syang parent/s. ano?!!! ...

Medyo natauhan ako doon. Ang baby ko, nagsisimula ng magkaron ng sariling buhay. He's turning 9 next month. Hindi ko alam kung too early yon para magsimula syang mag build ng sarili nyang indentity and independence. Oh well, mangyayari naman talaga yon. Hindi man ako sang-ayon eh dapat paghandaan ko na talaga.

Wednesday, September 03, 2008

Tuesday

There's been a lot of changes in the past 2 weeks. And all of it had to happen because my mother-in-law (MIL) had to go back to Manila. Umalis sya nung 23 Aug, 9 months after staying here.


Si Shannen ang pinakaapektado. Kailangan na syang ipaalaga sa iba at ilipat ng school. Di na kasi suitable sa bago naming situaton yung dati nyang pre-school.

Tuesday ang official start ni Shannen sa new school (we had 3 days orientation last week). This new "experience" has been causing me grief in the last couple of weeks. Alam ko kasi na magiging susceptible sya sa mga viruses sa school. Sa crèche kasi iba. Lahat ng bata don ay may taga-alagang fulltime sa bahay. Kaya absent ang bata pag may sakit. Sa daycare at ibang pre-schools, most of the time working ang parents kaya unless talagang grabe ang sakit, sige pa din ang pasok ng bata.

On my way home on Monday, may nakatabi akon sa bus na pinay. Madami kaming napag-kwentuhan. Isa na don ay tungkol sa pre-school. Sinabi nya sa akin na sana mag-focus ako dun sa mga matututunan ni Shannen sa school. Aside from letters and numbers, she'll also learn independence, assertiveness, sharing, socialization, etc., At kasama talaga lagi sa equations ang sakit. At kahit naman saan pwede nyang makuha yon. Tama nga naman.

Heaven sent talaga yung babae sa akin. She somehow gave me some peace of mind. Siguro naawa sa akin si Lord dahil nai-stress talaga ako. Good thing that He's looking over us :)

Monday, August 25, 2008

My DIY guy

May nagsabi na para ma-consider mong kiwi ka na, dapat you do what the kiwis do. Isa na don ang pag-d- DIY (do-it-yourself). Aba, si Henry pasok sa criteria na yan. He does a lot of thing by himself. Andyan yun pagme-mekaniko, appliance repair, electrical works sa bahay, etc. Ang latest na project nya ay yung patungan ng TV.

Ang mahal kasi ng bagong entertainment unit. Ang pinaka-mura ay nasa $300 tapos laminated lang kahoy non. Nasa $500 naman kung medyo maganda ang kahoy. Nung sinabi kong igawa na lang nya ako, payag sya agad. Kung di nag-u-uulan, siguro in one whole day tapos na nya yung project nya. Ang cost... pine wood - $215, barnis - $10, henry's talent - priceless :)

Thursday, August 21, 2008

Special Snack



Nag-first communion si Vince nung Saturday. Kabado sya nung una kasi first time nyang iinom ng wine. First time inintroduce dito sa NZ ang wine sa 1st communion. Buti na lang pinalitan nila yung wine ng sweeter version.

After the mass, ilang minuto ding nagtatampo si Shannen. Bakit daw si Vince lang ang may 'special snack'. Binigyan ko na lang sya ng Oreo, sabi ko mas masarap yon kaysa sa kinain ni Vince.

Friday, August 15, 2008

A friend found me

Through Friendster, natunton ako ng isang kaibigan kong matagal ko ng di nakikita. The last time I saw Marivic was in 1995. Sa Mandaluyong sya nagwo-work that time. Nagulat ako, aba nurse na sa Germany ang bruha.

Marivic sent me a photo of us taken in 1993. If I am not mistaken, nag-ninang ako sa binyag ng pamangkin nya sa Magallanes, Cavite. Gosh, neneng nene pa ako non. That was 15 yrs and 10kgs ago.



Monday, August 11, 2008

agoraphobia

After 2 months in the Philippines, balik New Zealand na si brother-in-law (BIL). Ang dami nyang baon na kwento galing Manila. Nung first 3 days daw nya, akala nya di nya kakayanin ang init. Mga 3 weeks bago sya nakapag-adjust.

Tawa ako ng tawa sa kwento nya tungkol sa first malling experience nya nung nandoon sya. Nagpunta daw sila sa Mall of Asia (di ko inabutan yon so I dont know how it looks like). Pagpasok nya sa bldg, parang ayaw na daw humakbang ng paa nya. Nahilo sya sa dami ng tao. At para daw di sya makahinga. Ganun din ang nangyari sa isang kaibigan ko nung umuwi sya. Dati naman silang mga tambay sa mga malls, greenhills at divisoria kaya sanay sya sa makapal na tao pero naiba nung napunta sya dito. ha ha ha... naging sossy na sila, di napang masa.

Thursday, August 07, 2008

I found another classmate

May party sa kapitbahay naming pinoy nung Saturday. Yung ibang bisita ay mga ka-trabaho ni kapitbahay sa Fisher Paykel. Isa doon ay sobrang familiar sa akin ang mukha. Nung tsinika ko, aba classmate ko pala sa university. So far 6 na ang mga ka-batch ko sa Mapua na nandito (may isa daw kaming instructor na nandito din pero di ko pa nami-meet).

Lahat ng mga classmates ko na nandito ay more than 10 yrs na dito. Karamihan sa kanila ay napunta dito through invitation. A few years after I finished school, may natanggap din akong invitation para mag-migrate dito as skilled migrant. Di ko matandaan kung ang nagpadala ay immigration agent o NZ govt mismo (ang sossy ko naman kung yung pangalawa). Anyway, di ko yon pinansin. At that time, hindi ko alam kung nasaan sa mapa ang New Zealand. Ang akala ko lahat ng countries na may "land" sa dulo ay nasa Europe (ang engot ko).

Wala naman kasi talaga sa isip ko noon ang mangibang-bayan. Influence yon ng patriotic kong tatay. Dati kasi feeling ko basta nakapag-aral ka, mabubuhay ka na ng disente. Di pala ganon ang tutuong buhay sa Pinas. Kaya ito kami ngayon, nakikipagsapalaran sa lupain ng mga kiwi.

Wednesday, July 30, 2008

Merc in Marina



What a disaster! The 19yrs old girl driving the mercedes just got her restricted license that day (15yrs old pwede ng mag-drive dito). The car is (or was) her boyfriend's. Ang masaklap, wala daw full insurance yung car. hu hu hu Ewan ko kung break na sila ngayon.

Sunday, July 27, 2008

Wish ko lang

Nakalimutan kong sabihin sa inyo na panoorin kahapon ang Wisk ko Lang (a GMA TV show). Nandoon ang mommy ko. Meron syang isang teacher na feature doon (my mom runs a school in Bulacan).

Background: Si Jackie ay may 2 anak at manganganak sa pangatlo next month . Noong May 2008, naaksidente ang asawa nya at nabyuda sya ng maaga. Di kalakihan ang sweldo ng mga guro kaya nagtu-tutor sya para dagdag kita. May sumulat sa Wish ko lang na tulungan sya.

Noong first week ng July, nag-taping ang GMA TV sa school. Maraming kuha si mommy at yung ibang nyang staff. Ang huling eksena, kinausap ni mommy si Jackie para ipadala sa isang seminar. Doon ibinigay yung gift sa kaya (ie. college scholarship ng mga anak, gamit para sa baby, foodcart showcase at Php5k para sa panganganak). At that time, hindi sinabi sa kanila kung anong show yon pero based sa format, it's Wish ko lang. Yun na nga yon.

Sabi ni Queenie (sister dear ko) maganda daw ang rehistro ni mommy sa TV (naks!) at mukhang malaki yung school. Sayang di ko yon napanood. Wala akong access sa tv shows sa Pinas. Pwede daw yong mapanood sa internet pero aalamin ko pa yon.

So kung napanood nyo yon, feedbackan nyo ako ha.

Friday, July 25, 2008

Ang mistress ni mister

Trivia:

Alam nyo ba na ang origin ng Mrs. ay mistress? In the early days, this is actually a title of courtesy for married women. So nung una daw pino-pronounce ito as mistress but later on it became "missus" but the abbreviation remained as Mrs. Ngayon, iba na ang meaning non. Pag may tumawag sa yong mistress, naku eskandalo yon.

Para naman sa Mr., it was originally "master" (hanggang ngayon may gumagamit dito ng master). Nag-evolve din yon kaya naging mister.

Sunday, July 20, 2008

Sunshine and Ruby


Simula pa lang ng school year, lagi na akong tinatanong ni Vince kung pwede daw ba nyang iuwi yung alaga nilang budgies sa school. Kapag wala kasing pasok, the kids take turn in bringing them home para naman di sila lonely sa classroom. Ang sagot ko lagi, yes but not now. Napa-oo din ako nung early July. Naisip ko, mabuti din na may inaalagaan yung mga bata, the learn how to care and be responsible. Di bale ng makalat (si henry naman ang taga-linis, he he he).

On the last day of the second term, bitbit ni Vince yung magsing-irog na si Sunshine and Ruby (sa totoo lang, di ko alam ang gender nila). Tuwang-tuwa si Shannen. May mga books kasi syang mga pictures ng budgies. Ang bilin ko sa mga bata, kausapin lagi yung mga ibon para di sila malungkot.

Kahapon, isinoli na namin sila sa school (start ng 3rd term). Sana nag-enjoy sila sa stay nila sa amin as much as we enjoyed their presence. Kahit papano, na-experience ng mga bata ang magkaron ng alaga. Sabi ni Shannen sa susunod penguin naman ang alagaan namin :)


Friday, July 18, 2008

Yayanig daw

Ilang emails na yung natatanggap ko tungkol sa prediction na lilidol daw sa Pilipinas. Sabi daw ng isang manghuhulang brazilian, yayanig daw ng malakas ngayong araw na to (8.1 magnitude). Pagkabasa ko, dine-delete ko kaagad. I didn't even bother reading the rest of it. Kung PAGASA pa ang nagsabi non baka naniwala pa ako (of course I'm just joking).

Ilang beses na bang nagkaron ng predictions na magugunaw ang mundo. Naalala ko nung nasa Grade 4 ako, naubos yung mga asin at kandila sa mga tindahan. Pangontra daw yon sa end of the world. Asus, wala namang nangyaring masama, yumaman lang ang Liwanag Candles.

No one really knows what the future holds for us. Pwedeng may mangyayari bukas, pwedeng wala. The thing is lagi dapat tayong handa. Di na natin kailangan ng kahit sinong clairvoyant para mag-remind sa atin non.

have a nice weekend.

Monday, July 07, 2008

Ice, ice bebe

Hindi pala totoong hindi nagye-yelo dito sa Auckland!!! Ilang beses ng umuulan ng yelo dito. Hindi nga lang snow kundi hail na sinlaki ng munggo. Nung Sunday morning namuti yung deck namin sa dami ng hail. Nakaka-aliw tignan. Pero wag kang lalabas ng bahay dahil sobrang lamig. brrrr.....

According to people who have been in Auckland for a long time, hindi daw common yung ganung panay ang hail. Usually ilang beses lang tapos na. Tsk, tsk, tsk... this is not good. Siguradong mataas ang kuryente namin nito.



Monday, June 30, 2008

Shannen @ school

I just want to share this story from Shannen's school. This happenned in March 2008.

Typical for pinoys to be very protective of their kids esp. the young ones but you'll be surprised how tough they really are.

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *



Shannen was busy drilling at the carpentry table. “Look what I am doing” she said.

“It is going up and down” she commented as she watched the indentations of drill bit move.

Shannen soon discovered that the harder she pushed onto the drill the deeper the hole would get. “It is getting deeper, look how deep it is. I am nearly done – it has gone through!"

Shannen then found another piece of wood. Using the glue gun she glued the one piece on top of the other. “It is a skateboard ramp” she explained “the skateboard goes up there and jumps, it is a special present for my brother”. Shannen continued to add some decorations with the glue gun creating a skateboard ramp for her brother.

Saturday, June 21, 2008

21 June: Shortest Day

Today, 21 June is the Winter Solstice or the longest night and the shortest day. Pero sa dito lang yang sa down under. Sa US, Canada and the rest of the northern hemisphere, longest day–shortest night naman. This is supposedly the start of winter in here in the bottom half of the world but simultaneously summer sa itaas.

Winter spell. Although officially, June ang simula ng winter, ngayong pagkatapos ng shortest day pa lang ang talagang simula ng lamig. Sabi ng kasama kong kiwi, brace yourself for the next 6 weeks coz this is the coldest time of the year. He reckons that this is shorter than it used to be. Siguro epekto ng global warming.

The fun only starts now so let’s all enjoy it. Keep cool… and warm.

Wednesday, June 18, 2008

Natawa ako


Akala ko mga pulis lang sa Pinas ang may mga jokes, pati din pala dito. This is really funny. Well at least if you read the headlines in NZ.


= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

How do you tell the difference between a New Zealand police officer, an Australian police officer and an American police officer?

Answer:-
First pose the following question:
"You're walking down a deserted street with your wife and two small children. Suddenly, a dangerous looking man with a huge knife comes around the corner, locks eyes with you, screams obscenities, raises the knife, and charges. You are carrying a Glock ..40, and you are an expert shot. You have mere seconds before he reaches you and your family. What do you do?"

NZ POLICE OFFICER'S answer:
Well, that's not enough information to answer the question!
Does the man look poor or oppressed?
Have I ever done anything to him that would inspire him to attack?
Could we run away?
What does my wife think?
What about the kids?
Could I possibly swing the gun like a club and knock the knife out of his hand?
What does the law say about this situation?
Does the Glock have appropriate safety built into it, am I using it in an OSH approved fashion?
Why am I carrying a loaded gun anyway, and what kind of message does this send to society and to my children?
Is it possible he'd be happy with just killing me?
Does he definitely want to kill me, or would he be content just to wound
me?
If I were to grab his knees and hold on, could my family get away while he was stabbing me?
Should I call 1- 1- 1, would they just send me a taxi?
Why is this street so deserted? We need to raise taxes, have a paint and weed day and make this a happier, healthier street that would discourage such behaviour.
If I raise my gun and he turns and runs away, Do I get blamed when he falls over running away, knocks his head and kills himself?
Will the NZ taxpayer foot the bill for his ACC claim if I injure him?
If I shoot him, and lose the court case, does he have the opportunity to sue me, cost me my job, my credibility and I will lose my family home?
Am I being culturally sensitive to the attacker if I shoot him, will I be offending his mana if I wound or kill him?
Will I have to defend myself in court as a racist if I shoot him?

AUSTRALIAN POLICE OFFICER'S answer: BANG!

AMERICAN OFFICER'S answer:
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
Click....(sounds of reloading)
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
Click.


Thursday, June 12, 2008

Balikbayan

Umuwi sa Pinas si Janjing (brother-in-law) noong 01 June. Halos isang taon din sya dito sa NZ. Bakasyon lang yon, babalik din sya sa August. Sa halos 2 linggo nyang stay sa Maynila, marami ng exciting na pangyayari sa kanya. Unang araw nya, ang init!!! Tagaktak daw ang pawis nya. Nakahubad na nga sya maghapon pero pawis na pawis pa din sya.

Pangalawang araw, encounter with a traffic officer in Makati . Lumiko sya sa kanan kaso nasa second lane sya (nasanay na ata sa right-hand driving). Ayun, huli ng pulis. Buti na lang nakukuha sa "pakiusapan" si manong. Later that day, malling naman sila sa Mall of Asia (di ko na inabot yon). Nung dumidilim na, nag-aaya ng umuwi. Akala ata hanggang 5pm din ang mall hours doon. he he he Pag-uwi nila, tinakasan ba naman yung teller ng parking lot. Eh dito kasi libre ang parking (except sa CBD).

Last week, andyan yung inabot sya ng baha, heavy traffic, brownout at walang tubig. O di ba parang pinababalik na sya dito. Kahapon naman, nakipagbuno sya sa mga "friendly" staff ng POEA.

Pag lumabas ka ng Pinas, lalo na kung medyo matagal, maninibago ka sa mga bagay na dati mo nang ginagawa. May mga bagay na dati ay “ok lang” pero ngayon ay inconvenient na. Sa isang banda, may mga maliliit na bagay na di mo pinapansin dati pero nami-miss mo. Di ko alam kung ano doon ang nararamdaman ni Janjing. Anyway, I hope he’s having a good time there.

Thursday, May 29, 2008

Ako'y shocked.... ayyyy

Extra ingat ako ngayon sa pagbubukas ng kotse. Kung naka-long sleeves ako, yung dulo ng sleeve ang ipinambubukas ko. Lately kasi lagi akong nakukuryente. Yun bang static shock. Nung summer di naman ganito.

Nag-research ako sa internet. Ang haba ng explanation kung bakit nagkakaron ng static electricity. Ang masama non, di ko pa naintindihan. Pero may part don na nakalagay na common daw ang static shock pag dry ang hangin. Teka, lalo akong na-confuse. Very humid dito sa Auckland ke winter man o summer. So bat nga ba ako nakukuryente? Ka Ernie Baron, nasan ka ngayong kailangan kita!

Static shock pa lang yon nasasaktan na ako. Pano na kaya yung mga nasi-silya elektrika. Kaya nga naggu-good girl ako eh :)

Monday, May 26, 2008

Another year added

John Wayne
Lenny Kravitz
Monet O na mutya ng Sta. Rita
Sophie na anak ni Nixon
Carlos na kapitbahay namin
Bro. Tirso a.k.a Pip na friend ko from Letran
Bro. Top also from Letran na nandito sa Henderson

May common sa aming 8. Ano? Birthday namin ngayon!!!!!

Hindi ko nakagisnan na nagce-celebrate ng birthday. Kadalasan kasi wala ng budget ang nanay ko dahil ubos na sa tuition namin (magpapasukan kasi). Kung tyempong itinapon kaming magpi-pinsan sa Pangasinan, tama na yung palitaw na gawa ng lola ko. May ilang birthdays ko din na di pwedeng mag-celebrate dahil may mga close relative akong tsugi at that time. And worst of all, laging may bagyo. Wala na ngang festivity, gloomy pa ang panahon. haaayyyy….

Pero may ilang memorable. Ito yon ….

1987 – in-coming college freshman ako. With my highschool buddies, lumuwas kami ng Maynila at nag celebrate sa Shakey’s. Super exciting yon kasi di naman kami nagkakalayo ng Bulacan at that time.

1997 – Kasama si Ate Chris at Queenie (mga sisterettes ko) at Vicky na kapitbahay namin, stuck kami sa NLEX dahil sa bagyo. Around 10am nang makarating kami ng Balintawak Tollgate. So instead of proceeding to our respective affairs, nag-SM North EDSA kami for the rest of the day (kain, nood ng sine, malling at madami pang iba)

2005 – Sossy ako, sa Bangkok ako nag-bday. Interview kasi namin for NZ migration application.

2006 – Eksaktong 1 week kami sa NZ. With Len and our respective families, nag-dinner kami sa may Wairau Park.

So hindi naman necessary na may handaan para maging special ang isang okasyon. It really how you enjoy it.

Thursday, May 15, 2008

Mahiwagang sayote



May sayote din dito sa NZ. Ang tawag nila ay choko. Last year, may nagbigay sa amin ng isang basket ng sayote. Sa dami, napabayaan namin yung iba. Noong una, gulay pa lang yon. Next time we knew it, aba nagta-transform na sya into a plant. Since mahilig mag-gardening ang nanay ko, itinanim nya yon sa likod ng bahay. Nung umuwi na si mommy sa Pinas, hindi nakakalimutan ni Vince at Shannen na diligan yon. Nilagyan pa nga namin ng bantay na cute scarecrow para hindi puntahan ng ibon.

Last month, nagsimulang magbunga si sayote. First harvest namin, 6 na bunga. Tuwang tuwa kami esp. Vince dahil paborito nya yon (igigisa with hipon). Nasundan pa yon ng ilan pang bunga. Ngayong linggong to, ine-expect namin na makakapag-ulam ulit kami ng sayote.

Nung Martes ng hapon, may pinadalang property maintenance guy ang aming landlord. May pagawain kasi sa bahay. Nang matatapos na yung trabaho, may narinig daw si Vince na parang may nabaling halaman. Punta agad sya sa likod para i-check yung mga sayote. hu hu hu. Yung 5 bunga nabawasan ng 2. Kinatok pa ata nung nagta-trabaho. Masamang magbintang ng kapwa pero di naman pwedeng tinangay yon ng pusa. I'm sure di rin interesado yung mga ibon (may scarecrow nga di ba). Anyway, nasaan sila sayote ngayon, sana nasarapan yung kumain sa inyo.

Sunday, April 27, 2008

Ilaw sa tahanan


When we moved here in NZ almost 2yrs ago, we have to put up with a lot of things. Nandyan yung cold weather, driving on the left side of the road, kiwi-accent, .... On top of these, nakakapanibago din yung mga ilaw na ginagamit. Karamihan ng ilaw sa mga bahay dito ay kulay yellow ang mga ilaw. Pati mga ilaw sa poste ay yellow din. Sanay kasi ako na puti ang ilaw sa bahay at mga poste ng Meralco.

Panay incandescent bulbs ang nakakabit dito sa tinitirahan namin. Relaxing daw ang ganitong ilaw pero para sa akin gloomy ang paligid, para bang merong may sakit. So after a couple of months we decided to replace them with energy saving lights na kulay "daylight". Aprub-na-aprub yon kay Henry. 75watts kasi yung mga incandescent, 15watts lang yung ESL. Ang downside ng ganitong kulay ng ilaw ay attractive sa mga insekto. Kung hindi kami magsasara ng mga bintana, siguradong papi-fiestahan ng mga gamu-gamo, lamok, etc ang bahay namin.

Pag may nakita kayong bahay sa Meadowood na puro daylight ang ilaw, sa amin yon :)

Thursday, April 24, 2008

Rolls Rice

Nakakabigla ang taas ng presyo ng bigas dito. Yung Jasmine rice na 10kg, dati $16 ko lang nabibili. Nung mag-grocery ako 2 weeks ago, aba naging $22.00 na. Tumataginting na 37.50% price increase yon. grabe no....

Yung ibang asians na kilala ko, nag-stock ng as much as 75kg. Dahil sa wala kaming paglalagyan hindi ako bumili ng sobra sa usual kong binibili. Tinanong ko sa bahay kung kaya ba nilang kumain ng walang kanin, okay lang daw. Sa akin sobrang ok. Baka yung ang only chance kong makapagbawas ng timbang, he he he.

.

Wednesday, April 16, 2008

Hannah turned 1



Nag- first birthday last week si Hannah, ang super pretty kong pamangkin (anak ng brother kong si HO). Pinadalhan nila ako ng pictures nung party. Ang saya-saya nilang lahat, nakakainggit. Bigla tuloy akong nakaramdam ng homesick. Oh well, ini-imagine ko na lang na nandoon ako, nakikikurot sa mascot, kasali sa games at kumakain ng chicken joy (ay mali, sa Jollibee pala yon).


Happy birthday Hannah!

Thursday, April 10, 2008

Henry - 2yrs in NZ

Ang bilis ng panahon. Dalawang taon na si Henry dito sa NZ. Sa dami ng pangyayari, ang hirap isipin na lahat ng yon ay nagkasya sa 2 taon.

Karamihan ng nakilala namin dito na datihan na ang nagsasabi na swerte si Henry dahil soft ang landing nya. Yung mga unang dumating kasi dito, mas mahirap ang pinagdaanan nila. All of them came here not knowing anyone, walang kaibigan, kapamilya o kahit support group. Mahirap nga yon, lalabas ka sa comfort zone mo and then move into a place na lahat ay bago. Si Henry, kahit papano may kakilala na.

April 8, Saturday nang unang dumating sya sa Auckland. Nakitira sya sa bahay ng ka-klase ko nung high school sa may Albany. Ang unang nyang comment, "Ang lamig, parang naka-aircon sa labas kahit maaraw". Nung sumunod na Biernes (which was a Good Friday), aba nasa galaan na sya. Nasabit sya sa holiday sa Coromandel. Nang sumunod na linggo, aba may trabaho na sya. Two weeks after that, nakahanap na sya ng isang cute na flat para sa pagdating namin. Di nagtagal, may nabili syang kotse for $400. Konting tuktok at palit ng pyesa, matinong kotse na.

We will be forever thankful to all those people who have helped us settle. We always include them in our prayers. At kung di man namin maibalik sa kanila ang mga favors, bumabawi na lang kami sa pagtulong sa mga bagong dating.

Tuesday, April 01, 2008

April Fool's Day

May april fools prank kanina sa NZ Herald. May ads ang Liquorland sa page 13. Nakalagay - DID YOU TASTE WINE PATCH? May 5 patches na naka-print. Supposedly, 5 different flavors yon ng wine. Ang dami nung nagoyo. Yung iba talagang dinilaan yung dyaryo. ha ha ha. That was really a brilliant idea.

Happy April fool's day!

Sunday, March 30, 2008

Shore to Shore 2008


Nag-participate kami kanina sa Shore-to-Shore. Para syang Alay Lakad. May 5km at 10km run, syempre sa maiksi lang kami. Aside from Vince and I, kasama din si brother-in-law. Si Henry ayaw sumama, di na daw nya kailangan ng exercise. Sinundo na lang nya kami nung uwian na.

Second time na namin ni Vince sumali sa Shore-to-Shore. Last year nakitakbo din kami. Mali pala yung tumatakbo kasi mapagod ka kaagad. Kaya this year, lakad-lakad lang kami. Effective nga, may energy pa kaming natira pagdating sa dulo.

Just like last year, ang assembly ay sa Takapuna Grammar School. Sa Milford Reserve naman ang finish line. Dalawang beaches ang binaybay namin - Takapuna Beach at Milford Beach. Although very relaxing ang sight sa beach, ang hirap namang humakbang sa buhangin. Sumakit tuloy ang mga pata ko.

It took us 1 hr and 27mins to complete the route (we timed 1:43 last year). Pag dating sa finish line may libreng sausage sizzle at tubig. Naghanda din yung organizers ng program at raffle. Mga celebreties yung emcee pero dedma lang kami dahil dehins namin sila kilala.

Sasama ulit kami sa susunod na taon. Sana big enough na si Shannen para maglakad ng ganon kalayo. Pag kasama sya, eh di walang choice si Henry kundi maki-join din. It's really a fun run and will be nice to do it as a family.

Sunday, March 23, 2008


  • Hot cross bun
    Hot cross bun
    One a penny
    Two a penny
    Hot cross bun
    ....
Isa yan sa mga nursery rhymes na paborito ko noong maliit pa ako. Masarap kantahin pero hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin non.

Aside sa chocolate eggs, uso dito sa NZ ang Hot Cross Buns pag-Easter. Bun sya na may white cross sa ibabaw. This is to symbolize Christ's crucifixion. Traditionally sa Good Friday daw yon kinakain ng mga Kristiano na nag-a-abstain.
Masarap yun tinapay dahil may cinnamon, currant, nutmeg, raisin, etc. Pag hindi Holy Week, walang tindang hot cross buns.
Happy Easter!!!!

Monday, March 17, 2008

St. Patrick's Day


Pag dating ko kanina sa opisina, may kung anong berdeng nakapatong sa mesa ko. Isang tumpok pala ng kendi at shamrock (parang cloverleaf). Walang duda na galing sa puting kasama ko kasi naka-green shirt sya with matching green tall hat.

Feast ng St. Patrick ngayon. Noong isang araw pa ito binabanggit sa akin ni Vince. Akala ko naman ordinaryong feast day yon. It's a big celebration pala for the irish kasi si St. Patrick ang patron saint nila. At ang irish color ay green. Sine-celebrate din ito sa US, Canada, Australia and New Zealand.

Aba, dapat nakiki-party din ako sa kanila. Yung lolo ng daddy ko ay Irish-American. So may kalahating kutsaritang irish blood sa akin. Pero baka naubos na yon ng mag-donate ako ng dugo. Anyway, Happy St. Paddy's Day!!!!

Monday, March 10, 2008

Isteytsayd accent

Kahapon sa opis, may dumating na techie na padala ng 2 big software companies. Galing sa Tate itong si kano. When I heard him speak, OMG, it was like music to my ears. Since we moved here, ngayon lang ako naging effortless sa pakikinig sa usapan.

Foreign pa din sa akin ang accent na hindi kagaya ng nasa American shows/movies. Kahit na 20 months na ako dito, sumasablay pa din minsan ang tenga ko lalo na sa kiwi accent. Kaya lagi pa din akong attentive during conversations otherwise, I will surely miss some things. At kung may katabi naman akong nagku-kwentuhan, hindi ko maiintindihan ang pinag-uusapan nila kung hindi ko ihihinto yung ginagawa ko at magfo-focus sa kanila (kaya lagi akong huli sa tsismis).

Two weeks dito si kano so matagal-tagal ko pang maririnig ang isteytside nyang accent.

Sunday, March 09, 2008

Updates on my pinoy workmates

Remember yung post kong Pinoy lunch and migration to OZ? Ito ang follow up kwento.

Si beterano #1 ay nasa Melbourne na. His family is enjoying their stay there. Stelled na sa school yung mga bata. Si misis naman ay nagwo-work na din. They are renting a brand new 4-bedroom house for $360. Nakakagulat yung presyo dahil dito sa Auckland, nasa $500 yung ganung bahay.

Si beterano #2 na dapat ay pupunta din ng Melbourne ay nandito pa din sa Auckland. Nagbago ata ang isip. Ang ok naman kasi sila dito sa NZ so out muna ang Oz.

Si opismeyt #3 na dating tumira sa OZ ay nag-resign recently. Lilipat silang mag-anak sa Taupo. Doon kasi nakakita ng magandang trabaho si misis. Accounting ang linya nya at nahirapan syang maghanap ng relevant job dito sa Akl.

Doon sa tatlong bagong dating galing middle east, umuwi na yung girl. Nahirapan kasi syang mag-isa dito. Sayang yung trabaho nya pero for sure may dadating pa namang magandang oppurtunities para sa kanya. Yung dalawa ay nandito pa. Mukhang nagustuhan na kasi dadalhin na yung pamilya dito.

Iba-iba talaga ang motivations ng mga tao pag dating sa pagpili ng lugar na titirahan. May iba-ibang circumstances na nakakapagpoabago sa pagde-desisyon. One place is home to one, to others it's somewhere else.

Friday, February 29, 2008

Nang dumanak ang dugo

Kahapon dumanak ng dugo dito sa Auckland. 25 tao ang kasama pero 18 lang talaga sangkot, at isa ako doon. Sobra ang nerbyos ko nung una, first time ko kasing ma-involved sa ganon.

Oooppppsss, walang ano mang violence na nangyari. Lahat ng dugong lumabas ay para sa good cause. Nagkaron ng community service yung grupo namin at blood donation ang napili naming activity. Sa Pilipinas, taon-taon nang ginagawa yon pero di ako qualified dahil sa anemia ko so absent ako lagi sa service.

Bago pumunta sa bloodbank, kumain muna ako ng double cheeseburger sa Burger King. Bawal daw ang gutom eh. Uminom na din ako ng maraming tubig para sigurado. Sa NZ Blood, tinignan yung iron level ng dugo ko. Yehey, naka 135 ako (130 - 170 ang normal). Mga 5 minutes lang tumagal yung extraction. Ang matagal ay yung pahinga, mga 30minutes. First time eh, takot akong mahilo. But it turned out ok. Wala naman akong naramdamang kakaiba.

Ilang beses na din akong recipient ng dugo dahil sa surgery. It's my turn this time to give. Next year magdo-donate ako ulit.

.

Wednesday, February 27, 2008

Flat

I'm so flat @ work these past 3 weeks. Most of the time I work 10hrs/day. At kahit wala na ako sa opis, di maiwasang trabaho pa din ang iniisip ko. Kasi naman may major project kaming ginagawa. Walang dinagdag na tao kaya nadagdagan lang load namin. Yung isa naming kasama nag-resign. Tapos yung isa naman biglang na-operahan. haaaaayyyyy.....

I never had this much work before (not even in Manila). Hindi ko ine-expect na i'll be in this situation kasi ang alam ko ay relaxed ang lifestyle dito sa NZ. Sabi nga eh may work-life balance dito. People here don't normally work more than 40hrs a week. Nasa exception list ako ngayon. Oh well temporary lang naman to. I'm sure this will eventually go back to normal. Yung mga sobra kong oras ay babawiin ko na lang. Day (or time) in liueu ang tawag nila. Sa amin kasi walang OT pay kaya yung sobrang pasok ay pwedeng i-absent.

aba, umaga na pala. Ilang oras na lang trabaho ulit. isa ulit haaaaayyyyy.......

Friday, February 15, 2008

Si Mang Boy

Si Mang Boy ang ilokanong may-ari/driver na school service dito sa area namin. Para sa amin, hulog sya ng langit.

Opening ng klase dito sa NZ last week. Yung iba nag-start ng Monday. Sila Vince sa St. Joseph, Thursday. Problema naming ang maghahatid sa kanya sa school kasi nagpunta na sa Melbourne yung kaibigan naming sinasabayan nya dati.

Ang una naming option ay i-train si Vince na sumakay ng school bus. Para din yong regular bus kaya lang panay estudyante lang ang sakay. Sa bus stops lang nagsasakay at baba. Medyo kabado ako dahil 8yrs old pa lang si Vince (although maraming bata na kasing edad nya ang nagbu-bus din).

Tuesday night, tumawag sa akin yung kapitbahay naming pinoy. Solved na daw ang problema namin (wala ding maghahatid sa anak nya). Tinawagan daw sya ni Mang Boy at may slots pa para sa mga bata. 7:15am sya sumusundo. Ok lang pag-summer pero mahirap yon pag winter. May second trip sana (o di ba pang nasa pinas talaga), pero para lang yon sa areas na malapit sa schools.

Gusto pa din naming matuto si Vince na mag-bus. Di naman delikado dito kaya ok lang. Uunti-untiin namin ang pag-e-expose sa kanya sa public transpo. Siguro in a few months pwede na syang isabak.

Monday, February 04, 2008

Nurse2NZ

Tumawag sa akin ang sister-dear ko last Sunday. She relayed to me the news that I've been expecting for a long time. Nakapasa na sya sa IELTS. Magaling namang umingles si Ate X pero mataas lang talaga ang IELTS score na kailangan nya. Isang kasi syang dakilang nars. Requirement sa nursing registration ang makakuha ng 7.0 in all bands sa academic module.

After that call, nataranta na ako. Di ko na alam kung ano ang next step namin. Noong early 2006 pa kasi sya nag-start mag-prepare ng mga requirements. Nakalimutan ko na kung ano ang proseso.

Buti na lang naalala ko yung blog na Nurse2NZ. Isa itong blog tungkol sa pinoy nurses going to NZ. It gives you all steps in going about the application. Very detailed yung guide na nakalagay don. Napaka-informative talaga.

Kaya kung may kilala kayong nurse na nagbabalak pumunta dito, paki pasyalan na lang kung kapitbahay kong blog - nurse2nz.

Wednesday, January 30, 2008

beep..... bang......

Isang mahabang beep tapos nasundan ng malakas na bang. Tunog metal to metal collision. Mukhang may action na nagyayari sa di kalayuan. Pag silip ko sa labas ng opisina, yung bagong company vehicle namin ay nabangga sa likod ng isang black car na mukhang bago din. Umarangkada papunta sa malapit na side street yung black car, nagmamadali namang sumunod yung company vehicle namin. Akala ko maghahabulan sila pero pagdating sa may parking lot, pareho silang pumarada.


Halos sabay bumaba ng kotse yung mga involved na drivers. Nagmamadaling pinuntahan ng ka-opisina ko yung driver ng kabila. Eto na yung hinihintay ko. Nang magkalapit na sila, bigla ba namang nag-shake hands. Usap-usap ng konti tapos nagpalitan ng cards. Di ko na hinintay ang mga mga susunod na eksena, mukhang di naman mangyayari yung aksyon na hinihintay ko. So balik na lang ako sa desk ko.




Nakakatuwang isipin na kung sa Pinas yon nangyari, ibang-iba ang eksena. Una, hindi aalis sa kalsada yung nagkabanggaan. Hanggang di sila nagkakaayos, walang alisan sa pwesto kahit na isang milya na yung naabala nilang sasakyan. At pag nagharap na yung 2 partido, malamang na may sisihan at bangyan. Kung minalas-malas, baka may magbubunot pa ng baril. ngiiii...... nakakatakot.

Sana lahat ng magkakaron ng problema sa kalsada ay kaparis ng nakita ko kanina. Mas may mararating ang usapan kung mahinahon ang mga nag-uusap. Kung mag-aaway pa ay baka lalong lumaki ang problema. At the end of the day, kotse lang lang naman yon, material possession na pwedeng ipagawa o palitan.

Tuesday, January 29, 2008

Auckland Day weekend

We had a long weekend kami. Auckland Day kasi nung Lunes. That means pasyal time na naman.

Together with the some friends, Goat Island ang destination namin. Maganda doon kasi isa itong marine reserve. Protected area yon so no fishing allowed. Meron doong glass-bottom boat para makita mo ang marine life underwater. Apat na beses ngayong taong ito kami nag-attempt pumunta doon pero laging unsyame. Kaya nang banggitin ng kaibigan namin na pupunta sila doon, sama agad kami.

The weather was really, sa loob-loob ko perfect for out outing. Pagdating namin doon marami ng pauwi. Kasi naman pala malabo daw ang tubig dahil malakas daw ang alon. Nag-decide kami na lupiat na lang ng ibang lugar, sa Matheson Beach. Maliit lang pero ang ganda din. Vince and Shannen enjoyed playing in the water.

After beach, di pa din kami nagsawa. Humirit pa kami ng pangatlo - Waiwera. Swimming pools yon na warm ang tubig. Mga 4pm na kami nakarating don. Ok lang kasi summer naman, hanggang 9pm may araw pa. Walang kapaguran yung mga kids, sige pa din sila sa paglalaro. Kaming mga adults, di naman naligo pero kami ang napagod.






Monday, January 21, 2008

Mission accomplished ....almost

Pangalawang linggo ko na ngayong nagta-trabaho mula ng magsimula ang 2008. Ang bilis ng araw pagbakasyon. Malingat ka lang, tapos na. Pero mas masaya ang holiday ngayon kaysa noong unang Pasko namin ito. Noong kasi halos sa bahay lang kami.

Sampu ang nasa
things to do list ko for that 2 weeks holiday. The weather was perfect pero nakakapagod din kaya di namin nagawa lahat. May mga long weekends pa naman na dadating so pwedeng ma-accomplish naming lahat yon. Anyway, ito yung aking listahan.

  1. picnic in Wenderholm - nakapa-picnic din kami sa beach pero hanggang Long Bay lang
  2. go to Auckland Zoo - sa Saturday pa lang kami pupunta
  3. fruitpicking - nakapamitas kami ng strawberry, super nakakaaliw
  4. go to Auckland Museum - done!
  5. play frisbee - we got to play pero sa kapitbahay naming park lang
  6. cook paella for Christmas - sabi ni Henry fried rice daw yung niluto ko, hu hu hu
  7. bake carrot cake with Shannen - di kinaya ng powers namin ito; we need more practice
  8. shopping on Boxing Day - ito ang hindi pwedeng kalimutan :)
  9. play badminton - we did it twice; i hope to do it more often para mabawasan ang mantika ko sa katawan
  10. update Henry's CV - done; next step is distributing it to employers

Saturday, January 12, 2008

Weta what?


Nagdala ako ng payong noong isang araw dahil umaambon. Pagdating ko sa opis, inayos ko yung pagkakatiklop. Aray, may tumusok sa akin na parang karayom. Pagtingin ko, may isang malaking insektong nakaipit sa payong (sa labas ng bahay kasi iniiwan yung payong). Tatapakan ko na sana dahil akala ko ipis kaso pinigilan ako ng ka-opisina ko, bagets na weta daw yon. Yung diri ko napalitan ng excitement. Yun kasi ang largest and heaviest insect in the face of the earth.

Pagkatapos na ilagay sa purple box (cute di ba), inilipat nila yung weta sa isang park na malapit sa amin. Marami kasing pohutukawa trees doon, yun daw ang isa sa paborito nitong kainin. Pero bago yon, nag-pictorial muna ang bago kong friend.


Saturday, January 05, 2008

Pinoy lunch and migration to OZ

Bago mag Christmas vacation, nagkaayaan kaming mga pinoy sa trabaho na mag-lunch. 8 kaming pinoy sa bldg. Sa isang Thai resto sa K Road kami kumain. As usual, I ordered Phad Thai. As usual, hindi ko pinalagyan ng chili.

Typical pinoy kwentuhan ang nangyari. Ang topic - Australia. Yan ang lagi kong naririnig na pinag-uusapan. Actually, 2 sa amin ang magmo-move sa Melbourne ngayong first quarter ng 2008. Yung naman tatlo na bagong dating (naka-work visa), interesadong-interesado na alamin ang buhay doon. Feeling nila dapat doon na lang sila nag-trabaho kaysa dito. Ang mahal kasing ng cost of living dito. Galing sila sa middle east kaya di maiwasang maikumpara ang salary at expenses dito at doon. Mas may ipon daw sila dati.

Yung 2 paalis ay mga beterano na dito. They are NZ citizens, got good jobs and their families are here. Hindi nila iniisip ang OZ dati. Pero ngayong masakit na masyado sa bulsa ang bilihin dito esp. ang presyo ng bahay at dahil talagang mas malaki ang Australian market, napagisipan nilang humanap ng trabaho doon. Hindi naman sila nahirapan.

Yung isa namang kasama namin ay tumira na ng Australia. 2 yrs sya sa Brisbane where he took his doctorate studies. Mas gusto sana nya doon pero may limit daw sa age kaya di na sya magku-qualify as resident.

Nasa 100 a day daw ang New Zealanders ang lumilipat sa kapitbahay na Australia. Kaya nga pag may kilala akong nag-iisip na mag-migrate dito sa NZ, pinapayuhan ko munang i-check ang Oz. Baka lilipat din sila eventually. Mabuting sa umpisa pa lang ay malaman na nila ang buhay-buhay doon.

Very attractive talaga ang Australia. Despite the extreme weather (may heat wave nga sa Melbourne noong isang araw), mas marami namang oppurtunities at mas maa-afford ang bahay. Kami, wala sa isip namin yan... ngayon. Pilipinas at NZ lang kasi ang alam kong buhay and we prefer the latter. Kaya malay natin kung saan kami mapapadpad in a few years time.