Friday, December 22, 2006

Seasons Greetings!




Merry Christmas!

from

Jinkee-ganda, Henry-pogi,
Vince-likot and Shannen-kulit

Thursday, December 21, 2006

Hanapbahay - Part 2

As expected, di ibinigay sa amin yung bahay. Nakakalungkot talaga. Pero tuloy pa rin ang (hanay)buhay. Mamaya may titignan ulit akong bahay na malapit sa school ni Vince (KU, malapit lang kila Marlene). Di ko na isasama yung mga makukulit. Sana ito ang swerte namin. Wish me luck!

Tuesday, December 19, 2006

Hanapbahay

Ilang linggo na rin kaming nagtitingin-tingin ng bahay na malilipatan. 2 bedrooms lang kasi itong flat namin. We want something bigger na may magandang ventilation, may garahe, nasa quite street, malapit sa school, malapit sa bus stop at higit sa lahat, afford namin.

Kahapon, may ni-rekomenda sa amin yung kapitbahay naming pinoy. Ipapa-rent daw nung kaibigan nya yung bahay nila dahil nakabili sila ng bago. So nung gabi, pinuntahan namin yung bahay sa Glenfield. The house is perfect for us. Lahat ng criteria ko ay na nandoon at may bonus pa, malaki yung mga bedrooms, may linen cupboard at cul-de-sac yung kalsada.

Gustong-gusto namin yung bahay. Pero ang tanong, gusto ba kami nung may ari. Huli na nang ma-realize naming na bad idea na kasama yung mga bata. The moment we got there, nakupo, naglilikot na sila. Normally, tameme itong si Shannen kapag di nya kilala yung kaharap. Aba kagabi, hyper si kulasa. Nasobrahan siguro sa lolly noong hapon. Ito namang si Vince, nag-indian sit sa sofa. Di daw kasi abot ng paa nya yung sahig. grrrr.....Nakakainis talaga.

I think we made a bad impression before the landlord. They might think that we are not capable of taking care of their dear house. Yun pa man ding mga renovations nila ay katas ng pawis ni mister. Ngayong lingo daw namin malalaman ang desisyon nila. Dinadamihan ko na lang ang dasal para kami ang i-favor.

Wednesday, December 13, 2006

My gulay

Usapang kusina naman. Lagi kaming may gulay sa fridge. We make it a point to eat lots of veggies so that the kids would grow up liking them. Effective to kay Vince. Kay Shannen, hopeless as she only eats french fries.

Dahil sa GI (genuine Ilocana) ang nanay ko, sanay akong kumain ang ibat-ibang gulay. Kahit ata damo kaya kong lunukin. Dito limitado ako sa variety. Ang mga mainstays sa kusina naming ay kamatis, broccoli, cauliflower, asparagus, cabbage at patatas. Yung ibang gulay ay mga “aliens� sa akin. Open naman ako sa ibang gulay kaya lang di ko alam pano yon kinakain. So if you could give me tips on how to prepare them, that would be great.

Here’s the list.
Rhubarb
Swede
Zuchinni
Beetroot
Courgette
Olive
Parsnip
Yam (parang luya na pula)
Brussel sprouts
Turnip
Silverbeet

Monday, December 11, 2006

Kiwi terminology

Maraming kiwi words ang kakaiba para sa ating mga pinoy. 7 months na ako dito pero madalas pa rin akong nako-confuse. Ito mga examples ng mga terminology nila:

dub.dub.dub = www (as in world wide web)
sellotape = scotch tape
rates = property tax
jandals = sandals
togs = swimming trunks
tap = gripo
bus shelter = waiting shed
bonnet+boot = car hood and trunk
lolly = candy
motorway = expressway
sausage = hotdog
re-imaged pc = re-formatted pc
to let = medyo tunog "toilet" but this actually means "for rent"
roundabout = rotonda
bikkie = biskwit
trolley = grocery cart
scooter = what is trolley to pinoys; two-wheeled toy operated by foot
trainers = running shoes
panelbeater = latero ng mga tsikot
bricklayer (a.k.a. brickie) = kantero
manilla = paper folder (not sure how this is related to our Manila)


Sampol pa lang yan. Pag nahaluan pa yan ng kiwi accent, naku nakakalokang talaga.

Monday, December 04, 2006

First NZ Christmas parties


Christmas party nila Henry kahapon. Ang aga 'no? Ibang klase yung handaan nila, barbaque by the (Long Bay) beach. At ibang klase din ang barbeque nila. Inihaw lang talaga yung beef, lamb at sausages. Wala ng timpla-timpla. I was contemplating on bringing some Knorr Seasoning with us pero sabi ni Henry nakakahiya daw. Mahilig ang mga kiwi na mag-bbq esp. kung ganitong summer (Dec 1 ang official start ng summer pero 10degrees ang temp sa umaga).

Walang mga gimik yung happening nila. Wala man lang silang nakahandang games kahit na para sa mga bagets. Puro kwentuhan lang. Buti pa yung mga pinoy sa katabi naming cottage may dala silang gitara at nagkakantahan.

We left the party early. Christmas party din kasi ng AKLNZPINOYS sa Takapuna. Yoon ang totoong party. May raffle, parlor games at delicious food. Say mo, yung magandang emcee namin ay naka-costume pa ng Snow-white. Ang saya-saya talaga. Pero ang pinakamasaya doon ay si Vince nang manalo ng payong. Noong una kasi nakasimangot dahil talo kami sa Pera o Bayong (di ko kasi alam ang pangalan ng latest bagyo sa Pinas).


Haayyy... ngayon pa lang ay nami-miss ko na ang pasko ng Pinas. Yung may simbang gabi, bibingka, amoy ng castañas, tiangge sa Greenhills, parol at higit sa lahat family reunion. There's no better place like HOME.

Wednesday, November 29, 2006

J-e-n-n-i-f-e-r

Dito sa NZ, especially sa trabaho, you are called by your first name. Kaya sa opisina I am known by my legal name - Jennifer. Hassle kasi kung sasabihan ko pa lahat na tawagin ako ng Jinkee. Ok lang sana kung Jen or Jenny ang nickname ko, di yon confusing. Sa Pinas ang tumatawag lang sa akin ng Jennifer ay yung mga ka-klase kong di kami close, titser ko or kaya ang nanay kong nagsasalubong ang kilay.

Dahil sa hindi ako sanay, madalas akong namamali. Kahit 5 buwan na akong may second identity ko, bopols pa rin ako minsan. Ilang work-related emails na yung napadala ko na Jinkee ang naita-type ko. Minsan naman mali ang ispeling ng Jennifer. Pati sa pagsagot ng telepono natataranta ako. Pag pinakikilala ko ang sarili ko sa ibang tao, lagi kong ine-evaluate kung si Jinkee o Jennifer ba ang dapat kong iharap. Kung isang taon na at ganito pa rin ako, aba malaking problema yon.

Monday, November 27, 2006

It's officially PR

Dumating na yung passports namin kanina kaya officially Permanent Residents na kami ng New Zealand. Yipeeee!!!! Aside from the Permanet Residence visa, meron din kaming sticker ng Returning Residence visa. This means pwede kaming lumabas at pumasok ng NZ if we want to.

Marami daw benefits na maa-avail sa govt through Work and Income. Merong tulong sa paghahanp ng trabaho, financial assitance, Community Service Card (discount sa healthcare), daycare allowance, etc. I haven't had the time to learn more about this. Promise, this week babasahin ko yon. Kung qualified kami, aba, malaking tulong yon sa budget namin.

The Councillors have spoken

Boto ang Auckland Regional Council sa Mt. Eden. We knew it will turn out that way. So far, isa pa lang sa mga nakausap ko ang pabor sa Waterfront. Yung isang ka-opisina ko na magma-migrate sa Australia next month. Lahat ng tao dito ay worried sa impact ng stadium sa tax. Ngayong taon kasi, nagdoble daw ng rates nila. Gano pa kaya kung gagastos ng malaki ang govt sa construction ng stadium.

Nakakatuwa ang consultation system dito. Lahat ng desisyon na makaka-apekto sa tao ay dumadaan sa hearing. Kung sa Pinas yan, malamang papaboran ng mga decision-makers yung option na makakapag-kikbak sila. Di bale ng mamulubi ang mga taxpayers sa pagbabayad. Naku, sana naman tapos na yung ganong kalakaran para naman masulit ang bawat sentimong binabayad ni Juan dela Cruz.

Friday, November 24, 2006

Waterfront or Mt. Eden?

Exciting ngayong araw na to sa opisina. Malalaman ngayon kung kung saan ilalagay ang stadium na gagamitin sa 2011 Rugby World Cup. Dito sa ibaba ng bldg namin ginagawa yon kaya lahat ay nakatutok sa proceedings. Kasalukuyang nabobotohan ang mga inampalan.

Walang existing facility dito sa NZ na kayang i-accomodate ang forecasted na 60,000 people for a big sports event like the world cup. It's either we build a new stadium in the waterfront or renovate Mt. Eden Stadium. Big issue ito sa mga kiwis esp. sa mga Aucklanders. Malaki impact kasi yung stadium sa budget ng govt, tax, business at environment.

Here's my personal thoughts. I don't want it in the waterfront. Dinadaanan ko araw-araw ang marina kaya tingin ko lalala ang traffic conditions dito sa CDB kung itatayo ang stadium sa waterfront. And how about the marine life there? Kawawa naman ang mga isda, shells, seaweeds, etc. doon di ba. And most of all, malaki gagastusin ng govt don ($500M) which means we will pay more tax. Oh no, please.

Malalaman ang results in the next hour. Whatever it is, sana makakabuti yon para sa buong population ng Auckland.

Dethrowned

"Toxic" kami sa opisina ngayon kaya ngayon lang ako nakapag-post ulit. Anyway, nabawasan ako ng isang load kaya maisisingit ko ulit ang blogging.

Na-dethrown ako sa pagiging trainor. Hindi naman ito dahil sa inireklamo ako na walang natututunan sa akin. I think I did fine after my first week of training. Temporary lang kasi talaga ang pagiging trainor ko. Now that we have a professional trainor, I can concentrate more on my blogging este work pala.

Magandang experience din sa akin yung nagtuturo dahil na-improve ang communication skills ko at dumami ang kilala ko dito sa org. Mami-miss ko ba yung task na yon? Naaahh.... tama na yung one month na exposure ko don. Gusto ko namang makapag-blog ako paminsan-minsan.

Wednesday, November 15, 2006

Kakaba-kaba

Sa second wave ng employment ko dito sa opisina, binigyan ako ng bagong kontrata. As in bago talaga kasi may mga nadagdag sa dati ko nang ginagawa. Kahit alam kong duduguin ako don, tinanggap ko na rin ng walang reklamo.

There’s a new module in our ERP (software) that is being implemented and I am part of it. Hindi lang support ang participation ko kundi ang pinakatatakutan kong TRAINING. Susmiyo, nakasama pa ako sa mga trainors. Di naman bago sa akin ito because I’ve done a lot of this when I was still in Manila (but it took me a while before I overcame my stage freight). Pero iba dito. Ang audience mo ay mga spokening-dollars. May times na di ko sila ma-gets. I’m sure may mga sinasabi din akong di nila maintindihan (I still say “deyta� instead of data). Sometimes I want to make the discussion more fun but I worry that it may not sound nice to them, magmu-mukha lang akong eng-eng.

Madalas pinapanalangin kong mag-absent yung mga attendees para para konti lang ang kaharap ko. Sa unang sabak ko nga eh feeling ko nilalagnat ako. Talagang abot-abot ang nerbyos ko kahit na kabisado ko na yung sasabihin ko.

One nice trait of the kiwis is being appreciative and they are vocal about it. Lagi silang nagpapasalamat pagkatapos ng training. Hindi ko alam kung totoo nga yon o they just want to be nice to me. Konting tiis na lang. Malapit na naming ma-cover yung buong organization. Sana naman walang magre-report sa boss ko na wala silang maintindihan sa akin.

Thursday, November 09, 2006

Wild Wind

Yesterday was horrible. Glass walls ang paligid ng building namain kaya talaga nga namang feel na feel ko yung tindi ng hagupit ng hangin. The stongest was about 150km per hour, enough to make the Sky Tower sway, cancel ferry trips and chop off trees. Akala ko mabubura na ang Auckland (of course that's an exaggeration). Yung isang opismeyt ko nag-bus na lang pauwi kasi natakot syang tangayin yung kotse nya sa Harbour Bridge (she drives a small car).

Normal ang malakas na hangin dito. Nagtataka lang ako at di sila nagde-declare ng storm or typhoon, di daw uso yon. Kung sa pinas to, pinauwi na lahat ng estudyante at govt employees (as if sila lang ang apektado, huhuhu). Anyway, it's a fact of life here in Auckland. Naku, pano pa kaya ang Wellington? They wouldn't call it Windy Welly for nothing. mahihirapan ang powers ko don.

Tuesday, October 24, 2006

Congratulations Ate Tei!

Gleng-gleng talaga ni Gilliane Roselle a.k.a Tei (anak ni Janjing, Henry's kuya). She did not just passed the CPA board exam, she actually topped it! Out of thousands of student who took the test, she got the highest score (mahahalikan ko talaga tong batang 'to).

We are really proud of Tei. Not only that she is bright, but she's also mabait, sweet and, of course, pretty. Kudos to Ate Gayie and Janjing for being very supportive parents.

Umpisa pa lang yang. There are more "tests" in your life that you'll ace. Go girl!

Friday, October 20, 2006

Send in the dancing banana!!!

Kaka-post ko pa lang nung last blog ko, eto na naman ako. Di ko na kasi mahintay ang bukas para ibalita na PR approved na kami. Kaka-txt lang ni Henry. May sulat daw galing sa aming pinagkakapitagan VO. Pinasa-submit na daw yung passports namin.

Have a great weekend! We'll surely have a grand one.

The search is over

After almost 3 weeks of unemployment, back to work na ulit ako. No thanks to the 65 job applications and 8 interviews I had. Pinabalik kasi ako sa dati kong trabaho. Sabi nung isang kasama ko, she did an Oscar award-winning act para ma-reinstate ako. Buti na lang nagbait ako sa kanila. he he he...

Hindi ko masasabing sayang yung effort kong mag-apply. Magastos man at minsan frustrating, I really learned a lot from that experience. I didn’t change employer for 10 yrs sa Pinas kaya nangangapa ako sa pag-a-apply. Noong una, talagang nanlalamig yung mga kamay ko habang nakasalang ako sa interview. But after a couple of interviews, I became more confident (although minsan nabubulol pa din ako). Practice makes perfect, ika nga.

One important thing I realised while applying is that you can’t just apply for a role which you think you can do. You should have the required skills and experience before you can claim that you are actually capable of doing it. At dapat nakikita ng recruiter/employer yan sa covering letter at CV mo. Kaya nga ang dami kong versions ng letter at CV. May pang business analyst, helpdesk, admin, contact center and kung anu-ano pang roles. Problema lang don, minsan mahirap tandaan kung anong version ang pinadala mo.

Ilang beses din akong na-reject dahil sa wala akong Permanent Residency. May isang potential job na talagang shoot yung skills at experience ko tapos malapit lang sa amin. Tuwang tuwa ako nung tinawagan ako for an interview. Nang tanungin ako sa residency status ko, biglang nalungkot yung kausap ko. PR or citizen daw kasi ang kailangan nila.

Kahit anong trabaho ok lang sa akin. Ang mahalaga, interesting yung ginagawa ko, may potential growth at syempre may pandagdag gastos kami. In due time, makukuha ko rin yung trabaho na talagang gusto ko.

Thursday, October 19, 2006

Baby snapper

Wag magbibilang ng manok hanggat di pa napipisa ang itlog.

Bigo si Henry sa fishing trip nya noong Sabado. Kaya pasencya na sa mga napangakuan ko ng isda. Isang “maliit� lang na snapper ang inuwi nya. 4 daw ang sana yon pero isa lang ang lumagpas sa minimum legal size. Masyadong mahangin kaya di nakalayo ang bangka nila.

Sayang yung binili nyang pain (pusit at pilchard), di nasulit. Sabi ko nga, ako na lang sana ang kumain nung pusit. Peborit ko pa naman yon, lalo na kung inihaw. Yummm…

Siguradong babalik sa laot si Henry sa susunod na mga weekends. Tatawagan ko na lang kayo kung “success� ang lakad nya.

Friday, October 13, 2006

Snapper Rocks

Magandang klaseng isda ang snapper. Firm ang laman at masarap ang lasa. Medyo dear din ang presyo. Ang fillet ay $31.25/kg. Ang whole fish naman ay $13/kg. Siguro magmumura pa ito sa mga susunod na linggo kasi marami ng nahuhuli ngayon.

Ilang araw din namin inulam yung snapper na huli ni Henry. Para di magsawa, iba-ibang luto ang ginawa ko - prito, sarciado at pangat (my peborit). Meron pang isang buong isda na nasa freezer, pinag-iisipan ko pa kung anong luto ang gagawin ko. Any suggestion is welcome.

Nga pala, magfi-fishing ulit si Henry bukas. Pehadong maraming isda na namang huli yon. Kaya kung gusto nyo ng snapper (yung di pa linis ha), daan lang kayo sa bahay. Ito ang mobile # ko 021 1744990.

Monday, October 09, 2006

Gone fishing

One of NZ's selling point to Henry is it's outdoor activities. Ito kasing asawa ko ay talaga namang mahilig mag-hunting at fishing. This is something he learned from his father.

Last weekend, isang pangarap ang natupad. Kasama yung 2 kiwing ka-trabaho nya, pumunta sila sa laot ng Browns Bay para mag-fishing (nakapag-fishing na sya dati pero sa wharf lang). Si Russell ay isang true-blooded kiwi: DIY guy, may sariling bangka at mahilig maglaro sa tubig. Si Chris naman ay kabaliktaran. Di marunong lumangoy at walang skills sa fishing. Si Henry, although kumpleto sa gamit, isda lang sa fishpond ng Malabon ang kaya nitong hulihin. Put then 3 of them together and you'll have a grand time.

Sa loob ng halos 2 oras, pitong malalaking snappers ang nahuli ni Henry. Ang pinakamalaki ay 46cm ang haba. Yung iba maliit lang ng konti. Mas madami pa daw sana yon kaya lang isinoli nila yung maliliit. Pag walang 27cm, dapat ibalik sa tubig. Si beteranong Russell ay halos ganon din ang huli. Itong si Chris ay kabo. Di kasi counted yung baby shark (as in great white) na nahuli nya. Pano ba naman, all the while di pala nakalubog sa tubig yung pain nya. It was barely touching the water (kaya shark ang nahuli).

Simula lang yon ng love story ni Henry at ng Auckland coast. Siguradong maraming weekends syang mawawala sa bahay para maging isang mangingisda. Well, I'm not complaining. Basta ba pag-uwi nya, hindi ako ang maglilinis ng mga isda :)

Thursday, September 28, 2006

VV XX (visitor's visa second extension)

MIL originally had a 58 days visitor's visa on her passport. We could have opted for a longer period but that would mean paying a non-refundable fee of P4+++. When she's already here, we applied for extension to make it 6months. This is gonna expire in November. Madali lang ang extension. You do it online. No documents required, you just pay $80 application fee.

Two weeks ago, she applied for another extension. This time for Nov to Feb. Again, we did this online. May bayad ulit na $80. A few days later, we got a letter requesting MIL to submit a chect x-ray cert and evidence of fund which amounts to $1000 for each month of stay (or $400/mo if you have pre-paid accommodation). Walang problem sa xray kasi nakakuha na kami nito a couple of weeks ago (for $86). We knew beforehand that visitor's visa application for more than 6months would need an xray cert.

Yung pangalawang requirement ang di namin inanticipate. May funds naman si MIL pero nasa Manila. Marami pang trabaho kung mare-request pa kami ng statement sa bangko. Nag-open na lang kami ng account dito last week. I just printed the account balance from the internet tapos pinadala ko na sa Immigration together with the xray cert.

On the same day na na-receive ng Immigration yung requirements ay inapprove yung extension. MIL will be staying with us til mid Feb. That brings her total visit to 9 months which is the maximum. Makakapasok ulit sya ng NZ after 9 months.

You don't ask, you don't get

Nakaka-touch ang effort ng mga ka-opisina ko para maihanap ako ng trabaho pag natapos na ang contract ko. Nagse-search sila sa internet ng mga trabaho na pwede kong subukan. Andyan din yung tinatawagan nila yung mga tsokaran nilang team leaders para tanungin kung may bakante. Sila na ang naglalakad kasi alam kasi nilang medyo shy-type ako (bat wala pa rin sa inyong naniniwala kahit ilang beses ko ng yong dine-declare, hehehe).

Maiksi man ang stay ko dito, malaking bagay naman to para sa akin. Ngayon, may local experience na akong pwedeng ilagay sa CV, na-improve ang communication skills ko at higit sa lahat ay nadagdagan ako ng mga kaibigan.

Monday, September 25, 2006

Last week at work

Bilang na ang masasayang araw ko. Last day ko na sa trabaho sa Friday. I have a one-month contract na na-extend to three months. Tapos na yung project ko kaya hindi na yon mae-extend.

I’ve been sending out my CV for several weeks now. Akala ko mas madaling maghanap ng trabaho kung may local experience na pero bigo pa rin ako. I have already “downgraded� my CV, baka kasi ma-overqualify ako sa mga ina-applyan ko. So far, wala pang result, not even an appointment for interview (***sigh**).

Nag-apply din ako sa internal job opening dito sa opisina pero wala pa ring balita. I-follow-up ko daw sabi ng mga officemates ko pero, dyahe ako (eh di ba shy-type nga ako, hehehe). Maghihintay na lang ako ng developments. Maganda sana yon, permanent position, relevant sa experience ko at higit sa lahat, confident akong kayang-kaya ko yung trabaho.

School holiday ngayon so magiging busy ako playing and mediating with my kids, and doing some kitchen experiment (pinoy-style spaghetti, yummmy). I know there is time for everything.

Friday, September 22, 2006

Instant Bahay

May isang pangyayari sa neighborhood namin na talagang na-surprise ako. Biruin mo, in less than a week nakapagtayo ng bahay doon sa isang bakanteng lote na malapit sa amin.

Day 1 - tinabas ang damo at mga halaman

Day 2 - giniba yung bakod

Day 3 - site inspection

Day 4 - wala lang

Day 5 - viola! May instant bahay ng nakatayo!!!!

Kumpleto yung bahay, may pintoradong dingding, bubong, bintana at pinto. The bungalow is quite big, mga 180sqm ang floor area. However, it seems that it's a used dwelling. Apparently, nilipat lang from somewhere.

Di ba meron ding ganito sa Pinas. Bayanihan nga ba ang tawag? Dito, lipat-bahay truck ang gumagawa. Talagang literal na lipat-bahay kasi yung buong bahay ang nire-relocate. I remember a story similar like this from one of the members of the forum emigratenz.org (dati kong "tambayan"). The truck that does this is really big (see pix below).

Ok rin yung ganong siste. Kung sawa ka na sa mukha mga kapitbahay mo, eh di ilipat mo yung bahay mo sa ibang lugar. O kaya kung ayaw mo ng facing north yung bahay mo, ipausog. Nakakaaliw talaga.

Wednesday, September 20, 2006

rong-misteyk

The day after my sister informed me about her IELTS result, she phoned me again. I could sense that her spirit was down this time. Kaya pala, 7.0pts nga ang over-all score nya pero may isang area (writing) na di nya na-meet yung minimum score na 7.0. Ibig sabihin non, kukuha ulit sya ng IELTS. 10,000 pesoses din yon.

Nanlata talaga ako. Ina-anticipate ko na makakapunta sya dito early next year. Mau-usog pa yon. Well, ganyan talaga ang buhay, may panahon para sa lahat.

Thursday, September 14, 2006

IELTS Result

Ang saya-saya ko kahapon. Nakausap ko ang Ate ko at ibinalita nya sa akin na pasado na sya sa IELTS. Second take nya yon. Although 6.5pts sya nung first take (which is ok if you’re applying for residency), 7.0pts ang kailangan nya. Ngayon pwede na syang mag-proceed sa registration nya with NZ Nursing Council. Ito na lang ang hinihintay nya, all other docs are ok.

I really hope my sister and her family could join us here. Mas masaya kung meron ka ng kapuso, may kapamilya ka pa.

Monday, September 11, 2006

Sky Tower



Sky Tower is the tallest structure here in the southern hemisphere. This famous landmark can be found in Auckland CDB. Nadadaanan ko to araw-araw. Actually, sa tapat ng SkyTower ako nag-aabang ng bus pag-pauwi sa hapon.

I had a chance to climb up the mighty tower last month when my high school classmates came here for a vacation. Kung di sila nag-aya, malamang hanggang ngayon eh ini-imagine ko pa rin kung ano ang feeling ng nasa taas.


The tower’s elevator has glass floor panel. Makikita mong paliit ng paliit yung mga tao sa kalye habang umaakyat. Sa itaas, nandon yung Orbit Restaurant kung saan kami nag-dinner. The floor Orbit occupies is revolving. Glass ang buong paligid kaya makikita mong unti-unting gumagalaw ang view. 80 kilometers on all directions ang tanaw from that observation level.

Nang pauwi na kami, dumaan kami sa casino. Wala namang naglaro sa amin, nag-usisa at kodakan lang. Pagdaan namin sa isang casino staff, bigla syang nagsabi ng “balut�. Yun daw ang code para malaman mong pinoy yung kaharap mo. Apparently, maraming pinoy na nagta-trabaho doon.

One of these days babalik ako sa SkyTower. This time isasama ko naman sila Henry para ma-experience din nila ang nasa 328m above ground.

PS: the photo is courtesy of Carlo Jaminola, pinoy2nz's talented "litratista".

Tuesday, September 05, 2006

Faather's Day

Father’s Day dito sa NZ noong Sunday, 03 Sept (sa Pinas, June ang celebration nito). It’s a big thing here. Big shops have “specials� especially for the dads.

Kahit papano, naki-ride din kami sa trip ng mga kiwi. Pero kami, personalized ang style namin (short for nagtitipid). Vince prepared a card for Henry. Natuwa naman ako dahil marunong ng mag-spell ang anak ko.

Ang gimik ko naman, I did him a pedicure with foot massage (aba, mahal yon dito). I did it when Henry was having his afternoon nap. Sa himbing nung matulog, di nya naramdaman yung mga sablay ng pusher (o baka makapal lang talaga ang kalyo nya). Nag-"thank you" naman sya pag-gising nya so di naman siguro nasugatan. he he he

Belated Happy Father’s Day sa lahat ng mga tatay.

Wednesday, August 30, 2006

Punto

Before going to NZ, I have prepared myself to kiwi accent, yun bang parang bisaya na may long "e" palagi - "are you feeling bitter now", "ixcillint!", "sivin", "tin", etc.

I really struggled with accents when I started the NZ workforce. Pano ba namang hindi, there are 6 of us in the team and you could hear 5 different accents. Merong kiwi, Indian (parang ilocano sa pag-rponounce ng “r�), chinese (kulang naman sa "r" at "g"), scott (mabilis magsalita at matigas ang mga vowels) and pinoy (americanized, naks). Except for a little difficulty with the scott-twang and the head-gesture of the indian, I am now ok communicating with people here. Ang problema ko na lang eh yung pagka-shy ko (yup, believe it or not). Well, that’s a different story.

Monday, August 28, 2006

Winter, Spring .....

We conquered winter. Will we survive spring?

A few weeks ago, some Aucklanders complained about paint spills all over the Auckland Region. After the pollution scientists checked the water samples, they found out that it not paint but pollen! The pollen in the water has a greasy texture between the fingers and may spread out across the surface in bands and whorls. It is a natural phenomenon and occurs on a regular basis.

Spring is a few days away kaya naglipana na ang pollen. If you leave your car outdoor for a few hours, you’ll notice some yellow dust on it. May mga asthma ang kasama ko sa bahay. Vince and Henry have hika while Shannen has skin asthma (mas delikado sya pag-winter). Vince has mild asthma for a few days now. I hope it’s not caused by pollen.

Ito ang mga tips na nakuha ko to prevent pollen allergy.
- keep windows in cars and homes shut when pollen counts are high
- Wear sunglasses to avoid irritation
- Keep your home dust-free as possible, regularly dusting surfaces and frequently washing linens, stuff toys and pillows in hot water
- Use a quality vacuum cleaner with HEPA filter

Friday, August 25, 2006

Our first NZ car



Matagal ko nang gusto I-blog tong kotse ni Henry kaya lang baka batukan ako non pag nalaman nya. Nawawalan daw ng dignidad yung kotse.

4 weeks after he got here, nakabili na agad si henry ng kotse. A friend of a friend sold him her family’s spare car. The car is a black Honda Legend 1991. The price…. NZ$400! Ginastusan ni Henry ng $700 para sa WOF, tires at solenoid, and presto, may matinong kotse na sya. Walang problema, walang kalampag. May CD-changer, sun-roof, programmable seat-setting, automatic transmission, all-power, aircon/heater, etc. Poging-pogi itong kotse na to nung kabataan nya.

Pwede pa daw i-trade-in tong kotse for $2000. Tutubo pa kami. However, we’re keeping it. Kahit makabili na kami ng maganda-gandang second car, di namin idi-dispatsya itong si Legend.

Note: Kamukha ng nasa picture yung kotse pero hindo ito yon.

Thursday, August 24, 2006

BOB in QS

Dinumog ng mga tao ang Queen Street, Auckland City kahapon. May parade ng Boobs-On-Bikes (BOB) which has been a yearly thing. Topless girls (and boys too) went on parade in 26 motorbikes and 2 tanks. This event is actually a prelude to this weekend's Erotica Expo at the ASB Showgrounds in Greenlane.

Hindi bawal sa NZ ang topless as long as no indecent actions yung tao. Sari-sari ang nanood ng parade. May mga locals na talagang inaabangan ito, meron mga tourist na curios at higit sa lahat, may mga conservative groups na kino-condemn ito.

(sorry, I’m not attaching any pictures)

Tuesday, August 22, 2006

Whakapapa holiday



Two weeks ago, two of my high school classmates visited Auckland for a 12-days holiday. Ronald came with his bubbly wife Berna, while Noel was with his best friend Ollie. They stayed in one of our classmates house in Albany. It was some sort of reunion for the 4 of us. 1987 ko pa huling nakita yung dalawa.

These guys were are really great. No dull moment with them. Sayang at di ko sila nakasama sa lahat ng lakad nila (which happens to be every single day of their stay). I promised to take them around on their next visit (sana nakakapag-drive na ako non).

On 11-13 August, sumama ako sa kanila sa Whakapapa, Mt. Ruapehu (poor Henry, naiwan sa bahay para mag-alaga sa mga bagets). We had a grand time in the snow mountain on Saturday. Ganon pala ang snow, parang yelo sa freezer. Una worried ako na baka mangisay ako sa lamig pero kung properly clothed ka pala di naman pa masyadong inconvenient ang yelo.

Ronald had ski lessons while we played with toboggan. We were scheduled to go back there on Sunday but it was cancelled because of a snow storm. Ok na rin yon, at least nakatikim ako ng snow.

May mga exciting places pa kaming napuntahan, next kwento na yon.

Wednesday, August 16, 2006

Kiwi Goodness

Last Friday, I took the day off to take my MIL for a blood test. Walang bayad ang Glucose Tolerance Test (GTT) despite declaring her visa status (tourist). Libre daw ang blood tests sa NZ.

Since Henry has work that, MIL, Shannen and I took the bus (takot pa akong magmaneho). Instead of bringing a bus route map with us, tinandaan ko na lang yung bus # at lugar na bababaan – 2 bus rides papunta, 2 bus rides pauwi. We did ok going to the clinic which happens to be in the corner of Apollo Drive and Rosedale. Nang pauwi na kami saka nagkawindang-windang ang lahat. Pagsakay namin sa bus, sinabi ko sa driver na ibaba kami sa bus stop na papuntang Forrest Hill. After nyang i-confirm sa radio kung saan kami dapat ibaba, sabi nya “ok�. Ang kaso, mali ang instructions sa kanya. Sa ibang stop kami ibinaba, sa Constellation Station. @#$*#$%^!

Nagtanong ako sa isang bus na nakaparada kung dadaan ba sya dun sa area namin. Oo naman daw. Iba ang routa nya pero dadaan sya malapit sa amin.

Ibinaba nya kami malapit sa kanto ng Wairau at Tristram. Mga 50 meters na yung nalalakad namin nang nakita kong tumatakbong papalapit sa amin si mamang driver. Nang makalapit sya, sinabi nyang di daw kami pwedeng dumaan sa Tristram kasi walang footpath doon (ibig sabihin, bawal ang pedestrian). Sakay na lang daw kami ulit at ihahatid nya kami sa bahay. Buti na lang at kami lang ang pasahero.

Kasalanan ni Tsuper-man kung bakit napunta kami sa lugar na yon pero he could have just left us there and let us find our way home. But instead of that, he went out of his route to ensure that we get home safe. That was really sweet. O di ba mababait sila.

Tuesday, August 15, 2006

My first Maori 101

I had my first Maori lesson last week courtesy of my kiwi officemate. Maoris pronounce “Wh� as “f�. So Whangarei is “Fangarei� and Whakapapa is “Fakapapa� (ay, bastos).

Thursday, July 27, 2006

Go home and plant Kumara

Pag-sinabihan ako dito ng "go home and plant Kumara" (or camote in tagalog), I won’t get offended. Bat kamo? Ginto kasi ang camote dito. Ang grapes nasa $3/kg, broccoli $1.5/kg and Kiwi fruit $0.99/kg (minsan $0.59 lang) pero ang camote, tumataginting na $4.00. My gulay, camote lang yon! As in camoteque.

Isa pang mahal na gulay dito ang baguio beans. Nasa $11 ang isang kilo. Iniisip ko na lang na mahal ang pamasahe mula Baguio hanggang NZ. For prices of veggies and groceries, check out www.foodtown.co.nz (pero cheaper sa Pak 'n Save, wala lang silang online shopping)

Friday, July 21, 2006

DIY haircut

$10 ata yung pinakamura, most often asian ang taga-gupit. Kung sa parlor na puti ang haircutter, nasa $20 to 22 ang patabas. Nakakamiss yung friendly neighborhood barbero naming si Jimmy na P40 lang ang singil.

Gamit ang $19 na clipper from Hill&Stewart plus 10 minutes na free tutorial kay Jimmy, nangahas akong gupitan ng buhok si Vince. Noong una, nagaaway pa kaming mag-ina kasi naiipit yung buhok nya sa ngipin ng clipper. Nang patapos na kami, nakuha ko na rin kung pano gamitin yung lintyak na clipper. Final result: parang gupit din ni Jimmy yun nga lang kung may hangover sya. (picture to follow)

Tuesday, July 18, 2006

Fog

I never realized how uncomfortable and dangerous foggy environment could become until last week. Paglabas naming ni Henry ng bahay para pumasok sa trabaho (mga 6:00am), nagulat ako sa kapal ng fog (mga 7:30 simisikat ang araw). Sabi ni Henry hindi pa raw yon ang pinakamatinding na-experience nya.

Mga 15meters lang ang nakikita ko ng malinaw. Further than that, blurred na. Yung naramdaman kong excitement noong una ay nawala. I suddenly felt suffocated. Hindi ako makahinga. I think it was a psychological thing. Henry didn’t have any problem with it except that he couldn’t drive as usual. Nag-on na yung fog light nya pero palabo pa rin yung paligid.

Well, this is one of the things that I have to live with. Masasanay din ako.

Thursday, July 13, 2006

Overheat

Yesterday, I woke up in the middle of the night with a big panic. Shannen, who sleeps beside me, was kinda hot. When I took her temperature, it was 38.1 degrees. Her cheeks are so red. Gosh, I didn't know what was happening. She was very ok went we went to bed.

Esep-esep ako kung ano ang gagawin. Tinanggalan ko sya ng kumot (duvet), baka ma-dehydrate. Then gave her a bottle of milk. I checked her temp after 10 minutes. Bumaba na, 37.1 na lang. Although mainit pa rin, di ko na kailangang bigyan ng paracetamol. Gising ulit ako after an hour, nasa 36degrees. Nang nasa-trabaho na ako, minomonitor ko pa rin si Shannen. Normal naman daw sabi ni MIL.

Naikwento ko to sa kaibigan ko. Sabi nya, baka daw nag "overheat" ang katawan ni Shannen dahil sa kumot. Maybe the duvet was too hot for her. Mukhang tama sya, di kasi sanay nagkukumot si kulasa. Nung gabing yon ko lang sya nakumutan, duvet pa.

Malaking lesson sa amin yon. Kids' bodies don't work like adults'. Mas kaya nila ang lamig. Overclothing (in our case it's over-blanketing) them could make them generate more heat which can lead to dehydration. Hayaan lang natin sila kung saan sila comportable.

Wednesday, July 12, 2006

Chinese? who? me? Part 2

This actually happened in Henry's workplace. Na-assign si Choi (syempre di tunay na pangalan) sa isang installation project. Not long after he left, eto na sya sa pintuan ng planta bitbit lahat ng gamit na dala nya noong umalis sya. Ang nangyari, di sya pinapasok noong puting customer because he's different. Choi is chinese. Di lang minsang nangyari sa kanya yon. Ngayon, di na sya mautusan na lumabas para humarap sa mga kliyente.

Aside from the fact that there is no single drop of chinese blood in my body, some chinese here are somewhat discriminated. Yan ang iniiwasan ko kaya ayaw kong ma-tag kami na chinese. Oo, meron ding ganyan dito pero di naman kasing lakas kumpara sa ibang parte ng mundo. Hanggang dito na lang ang sasabihin ko. Mahaba at malalim kasing usapin ang discrimination. Sino ba naman kasi ang naka-imbento nyan?

Thursday, July 06, 2006

Chinese? who? me?

Siguradong pagtatawanan ako ng mga kapatid ko pag nalaman nilang 4 na beses na akong napagkamalang chinese dito. One 2 occassions I was asked translate chinese script. Yun namang 2, basta na lang akong kinausap ng 2 chinese.

Oo ngat medyo maputi ang balat ko at darkhaired ako pero naman-naman, me kalakihan ang mata ko. Di naman ito side-effect ng goiter ko. Sadya lang maraming nasasakop ang tingin ko. Ang ginagawa ko ngayon, naglalagay ako ng eyeliner para lalo pang dumilat ang mata ko. Plano ko ring magpakulay ng buhok. Ano ba ang maganda? brunette, redhair or blonde?

Ngayon pa

Kung kailan ako may trabaho na, saka naman dumadating ang ibang employment opportunities. Since late last week, nakaka-walong na calls na ako. Naku, ngayon pa, nakakahiya ng umatras dito sa trabaho ko. Isa pa, may potential growth tong ginagawa ko. Ang downside nga lang talaga nito ay nasa city ito. Mas malayo, mahaba ang travel time.

Ganun daw talaga yon. Don’t expect the employers/employment agents to contact you 1 or 2 weeks after sending your application. Mahihinog pa lang yung mga itinanim mong CV mga 3 to 4 weeks later. Don’t get depressed kung isang buwan na ay wala ka pang trabaho. You really need patience when applying for a job, lalo na kung wala kang local experience. Sanay naman siguro lahat ng new migrants doon (lalo na kung VO mo yung lovely VO namin).

If you get rejected after an interview, ok lang yon. The interview alone is a good sign. Ibig sabihin non, your qualification/experrience is good enuogh for them to notice you.

Monday, July 03, 2006

Shhhhhhh....

Aside from being friendly, one Kiwi characteristic that I am really awed is the manner they speak. They speak so softly. I observed this in the grocery, park, school and even here in the office. Parang boses pang library. Kaya nga nagbaba ako ng “order� sa bahay na dapat ay laging malumanay at mahina ang usapan namin. Gosh, ang hirap palang masanay sa ganon.

Sunday, July 02, 2006

Yehey, di na ako jobless

Nag-start na ako ng work noong Friday (June 30). May naawang isang kaibigan, ni-recommend ako sa trabaho. Ang gara nga eh, when I accepted the job, saka naman nagdatingan yung reply sa mga inapplayan ko.

About my job. Casual lang naman ako but it's very exciting . Related kasi sa experience ko sa Pinas. Medyo nangamote ako nong Friday. Sana by tomorrow, adjusted na ako.

Friday, June 30, 2006

Kulo-kulo

Eversince dumating kami dito, lagi na lang kumukulokulo ang loob tyan ko. Di naman ako nababanyo, tumutunog lang na parang may drum and buggle sa loob. Well, di lang naman ako, lahat kami sa bahay ganito ang nararamdaman. Sa tubig kaya ito? Sa lamig? I really don't know. KU, Kiwinoy and KP, ano ba tong phenomena na to?

Thursday, June 29, 2006

The boxes have arrived

Gone are the nights when Henry and Winnie would sleep together. Hindi nakakatulog si Henry pag di katabi si Winnie (malapit na nga akong magselos). Limitado kasi ang gamit namin kaya pinatyatyagaan nyang gawing unan yung Winnie the Pooh na stufftoy ni Shannen. Buti na lang dumating kahapon yung boxes.

Our things were shipped thru EMCS. It left Manila on May 22 and arrived in Auckland port on June 25. Mga 3 days ang processing/releasing sa customs. Para makatipid, sabay kaming nagpa-ship ni Bubut (hi, Bubut). She has 8 boxes, while I have 5 (7 if included yung fishing rod at cue stick). Approximately 0.8cbm yung gamit namin. I paid P9600 to EMCS. Nasa P11k ata yung kay Bubut. Upon delivery, nagbayad pa kami ng NZ$525 for the whole thing to EMCS' NZ counterpart, NCT Freight Services. None of our things was taxed. Mga electronic devices at commercial items lang ata ang subject doon. Panay personal effects ang laman ng mga kahon. Some are used, some are now.

Monday, June 26, 2006

Walking School Bus

Problema ko ngayon ang work pero pag may work na ako, problema ko naman ang paghatid-sundo kay Vince. Buti na lang may program na Walking School Bus ang mga schools dito sa North Shore. This is how it works. Instead of riding a car or bus to school, naglalakad lang ang mga bata but under the supervision on one or two adults. "Driver" ang tawag dun sa nanay o guardian na-chaperone ng mga bata. This saves gas, promotes camaraderie among the kids and, of course, is very healthy. One requirement though is that you have to take turn in sending/picking up the kids.

Sa school ni Vince, may ilang buses na nag-o-operate. Sa routa namin (Becroft), may 2 school buses. The big one has 18 kids and 2 drivers. The smaller one, on the otherhand, has 8 kids and 1 driver. Ilang beses na rin naming sinabayan yung bata. Vince prefers the small one because he has 2 classmates there. I'm sure it'll be fun "riding" the school bus.

Thursday, June 22, 2006

Updating NZIS

Magta-tatlong buwan na si Henry dito, kahapon lang nya nakausap ang NZIS para malaman kung ano ang procedures for converting WTR visa to PR. Actually, he made sevetral attempts to contact the Keep-In-Touch (KIT) manager on his first week here pero lagi daw recording ang sumasagot sa kanya.

This is what one should do upon arriving in NZ (on WTR visa).

1- Advice your visa officer in Bangkok that you have already arrive in NZ and that you want your application transferred in NZ.

2- Call KIT manager to know where to mail the request for Welcome Kit. Also, confirm with him/her about the transfer of your application.

3- Once you have a "relevant" permanent job for 3 months, ask your employer for an employment contact and letter of offer.

4- Send the above plus 2 payslips to NZIS in New Zealand. Tell them that you are requesting for the upgrade of your WTR visa to PR. Dito daw sa Akl, the approval takes around 1 to 3 months.

Dalawang buwan pa lang si Henry sa trabaho nya pero ngayon pa lang inaalam na namin yung mga dapat gawin pagtungtong nya ng 3 buwan.

Monday, June 19, 2006

Jobs, jobs, jobs

Ang hirap ding maghanap ng work dito. Panay "sorry" ang reply ng mga pinadalhan ko ng CV ko. Is it just me? Naku, tama na ang drama ko.

Ano nga ba ang hinahanap kong trabaho? First criteria, office work. Second, officework. Nevermind if it's not related to IT. Third, malapit sa bahay. Karamihan ng mga IT job vacancies na nakikita ko ay nasa city. Sa ngayon, di pa kami ready sa ganon. Kailangang maihatid o masundo ko si Vince sa school. Ang pang-apat, actually bonus na to, ay may room for growth.

May iterview ako kanina for a call center job. Pasok naman sa mga criterias ko yon. Ang tanong na lang eh pasado ba ako sa kanila. The company is looking for 10 people. Ang dami naming nag-a-apply. Panay puti pa yung kasabay ko. Lamang sila sa akin. Syempre native tongue nila ang english. But there is such thing as "divine intervention". Kaya paki tulungan na lang akong magdasal.

Wednesday, June 14, 2006

"Living Thing"

Usapan namin sa bahay noong isang araw.

Henry: Nakita mo ba yung pajama ko?
Jinkee: Anong itsura non?
Henry: Yung suot ko kagabi na blue?
Jinkee: Ah yung ba, baka naglakad na. 3 araw mo nang suot yon di ba?

Pag-ganitong malamig at maulan, di ka papawisan kaya pwedeng i-recyle nang i-re-cyle ang damit. Pero kung naging "living thing" na yon at naglakad nang mag-isa, aba'y dapat ng i-shoot sa washing machine.

Sadyang mahirap magpatuyo ng damit sa panahong ito. Meron naman drier (separate from the washer) pero sayang ang kuryente kung laging gagamitin. Isa pa, nasisira ang elasticity ng garter ng mga damit pagnainitan sa loob ng drier.

Sa susunod na may mawalang recycled na damit sa bahay namin, alam ko na kung ano ang nangyari.

Monday, June 12, 2006

Koreans and Korea-nobela

Mula ng dumating kami dito, maaga na ang bedtime namin. Sa Pinas kasi, hiniintay pa ng MIL ko na matapos lahat ng mga kapana-panabik na telenobela at Korea-nobela bago sya matulog (mga 10:30pm na yon). Dito, walang masyadong "interesting" na palabas sa free-TV kaya maaga kaming natutulog. At 9:00pm, nahihiga na kami.

Madaming Koreano dito sa North Shore. Akala ko nung una, dun lang sa lugar namin (Forrest Hill). Yung kasing take-away, bakery, Asian store at dairy na malapit sa amin ay panay Koreano ang tumatao.

Noong isang araw nabasa ko sa dyaryo na laganap pala sila sa buong North Shore. There are about 13% Asians here at majority ay mga koreans. Talo pa nila ang mga chinese. In fact, second most spoken language dito ang salita nila. Sana balang araw may korea-nobela na rin sa NZ-TV. Pero dapat may english sub-title. hehehe

Pumapatak ang ulan

It was windy and drizzling this morning. I was actually awakened by the wooshing sound of the wind. If I am in the Philippine, I would think that there's typhoon. But today is just as usual as any "maambon" day.

Instead of walking to school, Vince and I took the bus. Takot kasi akong mabasa kami. Kahit na may water-repellant clothes, gum boots at raincoat pa. Never mind if the bus fare is $2.40 ($1.50 for me and $.90 for the young lass), what's more important is the we don't get wet. Ganyan ang mga Asians, takot mabasa (baka kasi dumami pag-nadampian ng tubig, hehehe). Bat ko nasabiang mga asian? Aba'y sila lang ang nakita kong nagpapayong. Yung ibang mga older kiwi kids, ni walang dalang jacket habang naglalakad sa ulan. Naka-sweatshirt at shorts lang. At hindi lang iisa ang nakita ko. Halos lahat ng nadaanan kong puting papasok sa Westlake (boy's school) ay ganon ang get-up.

Sa mga papunta pa lang dito, don't forget to bring raincoats and water-repellant pants for your kids. Yung gum boots, dito nyo na lang bilhin. Mas cute ang mga available dito. I got Vince a pair for $12. Spiderman pa yon.

Wednesday, June 07, 2006

Proudly Pinoy

Limited pa lang ang trips ko sa grocery at chemist, pero may ilang produktong pinoy na akong na-encounter. Natutuwa ako everytime I see a Philippine-made item. At least I can buy something na familiar sa akin ang lasa/effectiveness.

Here are the items I found so far:

- bananas (yung mahahaba na mabango)
- Incremin at Dimetapp (gawa ng Interphil)
- Milo Cereals (gawa ng Nestle Cabuyao)
- Clover Chips (NZ$1.65 yung malaking pack)
- Jack 'n Jill Mr. Chips

Tuesday, June 06, 2006

Brrrrrrrr.....

Grabe, umabot ng 3degrees dito kaninang umaga. Umaabot pa daw ng zero pag talagang winter na. Nag-yelo yung mga salamin at bubong ng kotse ni Henry. Even the lawn is not spare. Parang may puting kumot na nakatakip sa damuhan nang lumabas ako kaninag 8:30am.

How do people here keep warm? Aside from warm clothing, kailangan ng makapal na kumot. Wa-epek yung mga kumot sa Pinas. Ang mga nakita ko na so far ay duvet and electric blankets. Andyan din ang heater at dehumidifier to keep the room comfy. Medyo tataas lang ang electric bill mo pag lagi kang gumagamitn ng heater at dehumidifier. May nag-tip kay Henry na maglagay daw ng mga bote na may hot water sa ilalim ng duvet blankets. This will keep you warm through the night.

Saturday, June 03, 2006

Visit to the doctor

Nagpa-checkup yung dalawang bata nung Wednesday. Sa may Chartwell, Glenfield yung clinic ni Dr. Wilcox. My friend recommended him to me.

Yung ubo ni Vince ay 11 days na. Bronchitis @ right lung daw sabi ni doc. Surprisingly, walang respiratory asthma si Vince. Mukhang hiyang sya sa Auckland. Si Shannen naman kumakati ang torso dahil sa skin asthma. Well problem na namin yon sa Pinas pa lang.

Ang bayad sa doctor ay NZ$28 para sa kids over 6 at NZ$5 for under 6. Presyong may govt subsidy ito. Di ko pa alam kung magkano ang sa adult.

May mga prescription na isinulat si doc. NZ$12 ang binayad ko sa Chemist (botika) para sa Ventolin inhaler, anti-biotic at lotion for skin asthma. Subsized din ito ng govt. Nakakatuwa dito, good for 3 months yung gamot na yon. Pag-naubos na, pwede akong bumalik sa Chemist para magpa-dispense ulit ng gamot (except for the antibiotic). Wala na daw bayad yon. Kukunin ko yung gamot kahit di na kailangan, sayang din kasi yon. Haaay, ugaling pinoy pa rin ako.

Vince is going to school

I went to Forrest Hill Primary School last Tuesday to enroll Vince. Simple lang ang reqt - passport and visa ko at ni Vince. Hindi nanghingi ng school records/certs. Age ang basis nila kung saang class ilalagay ang bata. Since Vince is 6.5y/o, he'll be joining Year 2. Pwede na sana syang magstart nung Wednesday pero sabi ko sa Tuesday na lang. Di pa kasi ako emotionally prepared. hehehe

Maliliit lang ang class size dito. Less than 30 ang isang klase. Sa class nila Vince, 23 lang sila. Ang start ng class ay 8:55am to 3pm. 3 beses ang break para kumain. Isang 5 minutes sa umaga where they need to bring "healthy food", isang tea break at lunch sa 1pm. Di daw uso ang kanin sa school kaya ipagbabaon ko ng sandwiches at pies si Vince. Sana masanay sya sa ganitong pagkain.

Kung working ang parents, pwedeng iwanan ang bata before or after school. May ganitong service na available sa school. NZ$12 ang bayad. Isasama ko si Vince dito pag nakapag-work na ako. Kung sanay na sana sa area yung MIL ko, pwedeng sya na ang susundo. Medyo takot pa kami at this point.

Monday, May 29, 2006

Our house in the middle of (Havelock) street

I'm now in the library. Libre ang internet usage dito, sa labas NZ$4/hr.

Our house is in the middle of Havelock Ave. in Forrest Hill. We're actually in North Shore. This is north of the central business district (CBD). May mga mfg companies na malapit but if you're work is in finance or IT, dapat sa CBD ang destination mo.

Sa baba kami nakatira, sa taas naman si landlord. The house is already furnished when we arrived. With the help of friends and friends of friends, Henry was able to make a home for us. Merong nagdonate ng pots, sofa, beds, linens and a lot more. May nagpahiram din ng TV. Washer, drier, heater (yes, you need it here) and dehumidifier (unknown to me until we moved here) na lang ang binili ni dear husband.

Across our house is an asian store kaya di masyadong mahirap kung maubusan ng pagkain. Earlier, I went to the primary school to enroll Vince. It's 12 minutes walk from where we stay. Sa Tuesday sya magsisimulang pumasok. He'll go to the year 2 class.

I'll start looking for work tomorrow.

Thursday, May 25, 2006

Auckland at last!

We're here in Auckland, at last! Arrived here on May 20 via Cathay Pacific. Except for Shannen's ear problem during landings, wala naman kaming naging problem. Mga 1pm na kami nakalabas ng airport but it was really cold in the parking lot (17degrees).

On our first night here, talagang nag-chill ako sa lamig. We had to turnon the heater. I must admit that I underestimated the temperature down here. Di pala kaya ng powers ko.

The 2-bedroom flat we are renting in nice (newly renovated) but a little small for us (ako, Henry, MIL and 2 kids). We pay $310/week to the kiwi landlord. Dapat $290 lang pero pinadagdagan sa amin nang ipaalam ni Henry that MIL is staying with us too.

Last Sunday, my friend Len invited us to her place for a dinner. Uso yon dito. Dapat nakapagdala kami ng pagkain but because we just arrived, next time na lang ako babawi.

By the way, here are my phone numbers - +64 9 4102524 (res) and +64211744990 (mobile). Contact me if you have time... pls.


PS: medyo malayo ang internet cafe dito kaya madalang pa rin akong makakapag-post.

Tuesday, May 16, 2006

Last day @ work

Although the effectivity of my resignation is on May 12, I am at work today for the final turnover. Di gaya ng dati, nandito lang ako ngayon sa isang sulok at nagtya-tyaga sa isang super lumang pc. Iba na ngayon ang nagmamay-ari ng mga dati kong pribilehiyo. Nakakapanibago...

Wala na rin yung ever reliable kong si YUMMY (my car). Kinuha na sya ng bago nyang boss. Buti na lang pinahiram ako ni Janjing (kuya ni Henry) ng kotse nya.

By the way, I may not be able to post here in my blog for sometime. Wala pa kasi kaming pc sa Auckland. Inuna ni Henry ang pagbili ng mga mas kailangang gamit. Mami-miss ko ang blogging at ang mga blogkada ko. Anyway, tempo lang naman yon, magkikita-kits pa rin tayo. bye for now.....

Friday, May 12, 2006

Calorie Expenditure

Maiba naman ako. Usapan pang-kalusugan naman tayo. Nasa ibaba ang calorie expenditure per hr para sa iba-ibang activities. Ito ay nakabase sa body weight na 50kgs.

Badminton.................... 300cals
Baseball..................... 225
Basketball................... 415
Basketball - Competitive... 445
Boxing........................ 455
Circuit Training............. 380
Cycling @ 12mph............ 390
Racing...................... 510
Dancing.................... 295
Field Hockey............... 405
Football..................... 400
Golf......................... 260
Horse Riding............... 275
Rowing Crew................ 660
Running @ 6.5mph.......... 480
Running @ 10mph........... 690
Skating (inline)........... 285
Skiing (piste)............. 335
Squash..................... 580
Swimming - slow............ 260
Swimming - fast laps....... 445
Tennis - social.............. 340
Weight Training............ 395
Walking 5kph............... 220

Note: Remember that these are only guidelines. Your lean muscle percentage, skill and fittness level will alter your expenditure

Thursday, May 11, 2006

Visitor's Visa for MIL - Final Chapter

The end justifies the means.
- Machiavelli


After weeks of getting tensed and all, MIL is finally permitted to travel to NZ for 59 days. Her visitor's visa was released this morning. Yipeee!!! May makakatulong na ako sa pag-i-istima sa mga bata sa trip namin. Aba, mahirap din bumiyahe ng may bitbit na 2 makukulit na bata tapos may iintindihin pang mga bagahe.

Thursday, May 04, 2006

Tutpeyst



Noong December ko pa nabili tong tutpeyst (50ml) na 'to. Gamit ko to sa office. Tinitipid-tipid ko ang kuha kasi mahigit isang linggo ko pa syang gagamitin. Tuwing magse-sepilyo ko, kulang na lang pasagasaan ko sa pison para mapiga ang laman. Di bale, ilang tulog na lang, retired na sya.

Tuesday, May 02, 2006

The doctor is in

24 days na ngayon si Henry sa Auckland. So far, marami nang nangyari sa buhay nya. Nakapagbakasyon na sya sa Matarangi, may work na rin sya (since last week), nakahanap na ng bahay na lilipatan at, higit sa lahat, nasubukan na nyang magpakonsulta sa doktor. His eye got inflamed so he went to see a doctor yesterday. It was 'bloody' expensive! Since di pa sya PR, he paid full for the consultation fee and prescription. Tumataginting na $65 ang bayad kay doc at $38 naman para sa antibiotic and eye ointment. Almost isang araw na sweldo na yon ni Henry.

Nagbilin si Henry na magdala daw ako ng mga OTC medicines (biogesic, imodium, mefenamic acid, etc.) Kadalasan kasi ay kailangan ng reseta bago makabili doon ng gamot. For my maintenance meds, I'll probably bring 3 months supply.

Monday, April 24, 2006

Credentials for Employment

Ilang interviews na rin ang napagdaanan ni Henry kaya alam na nya ang mga dapat dalhin pag haharap sa employer or employment agent.

1. NZQA report
2. Recommendation letter from at least 3 employers
3. Certificate of employment from previous employers
4. Passport showing visa
5. IELTS certificate

Mahal daw ang magpa-photocopy sa NZ kaya dito pa lang sa Pinas, magpa-reproduce na (mga 5 copies each). Pero dapat A4 size ang paper kasi yung ang standard sa NZ.

Thursday, April 20, 2006

Henry @ Matarangi



Five days after Henry arrived in Auckland, nasabak na agad sya sa outing. Yun kasing kaibigan namin ay nag-bakasyon nang 5 days sa Matarangi kaya tangay din sya. Tama yon, bago sya sumabak sa trabaho, dapat ma-experience muna nya ang ganda ng New Zealand.

250km from Auckland ang Maratangi. Beach yung pinuntahan nila kaya surfing, boogey boarding and fishing ang naging activities nila. Whattalife! Henry enjoys the outdoor and this kind of leisure really thrills him.

Wednesday, April 19, 2006

Visitor's Visa for MIL -Part 4

A week after completing the requirements, NZIS Makati emailed my dear MIL to inform that her application is on Managed Queue. Within the next 4 weeks they'll contact her again for her application's processing time and case officer. I don't think she'll face the case officer for an interview. I believe that they'll make a decision based on the documents we submitted.

The end of the 4th week falls on May 10. I hope that a positive decision has been made by then. The kids and I are scheduled to leave on May 19. It would be less taxing for me if she could accompany us on our trip.

Wednesday, April 12, 2006

Henry's first job interview

Henry had his first job interview today. Although willing naman yung host nya to drive him around the city, he took the bus to know his way around. Nakauwi naman sya in one piece.

The position he applied for is something he would never consider here in the Philippines. But what the heck. It's NZ! When we started our migration plans, we expected that our jobs will be downgraded. This way, he won't get frustrated just esily. Kahit anong trabaho muna sa una, saka na lang yung job na talagang gusto nya.

His interviewer said he overqualified for the position but would still consider him. If they hire him, he'll start on Wednesday next week. I advised him to look for other oppurtunities before saying accepting any job. Malay mo, meron pang mas maganda pa syang makita.

Monday, April 10, 2006

Henry's Day 01 in AKL

Share ko lang ang unang araw ni Henry sa Auckland.

= = = = = = =

Day 01:

Arrived in NZ at 11:45, the airport is in the southern part of Auckland. My hosts greeted me at the arrival exit.

Got a little confused with RHD, felt like the vehicle is always on the wrong side of the road. Never felt this in Bangkok bec. traffic is slow. In Auckland, everyone drives very fast.

We passedby a Korean resto to have lunch. Servings are very large equivalent to 2 meals for me. Noel ordered chicken noodles for me but I only finish half of it. (inuwi ko pa kalahati and ate it the next day).

Nag-rest ng konti then went to Thomas Moore church to attend mass.
Then dinner sana sa vietnamese resto but puno ang place, so we went to pizzahut-request ng mga kids and have dinner.

Went home after dinner and watched the Rex Navarrete DVD I brought. Tawa sila ng tawa kay Rex. Rested after that.

end of day 1.

Thursday, April 06, 2006

NESW Auckland



Nagsimula nang mag-submit ng resume(online) si Henry since last week. Noong umpisa, mahirap kasi di kami familiar sa Auckland geography. Naghanap kami ng magandang mapa para solve ang problema (thanks, MapQuest).

Ang titirhan ni Henry ay nasa north (Albany) kaya doon ang concentration ng kanyang application. Pag walang magandang oppurtunities doon, susubukan nya rin sa ibang lugar.

Wednesday, April 05, 2006

DSWD -Parental Consent

I was talking to Jane of P2NZ yesterday. She was confirming if it's true that minors travelling with one parent doesn't need DSWD travel clearance anymore. Ang alam ko kailangan kasi kumuha kami ng clearance for my 2 kids last Feb. 16.

I made my own research. Tinawagan ko kanina ang DSWD Malate. To my surprise, tama ang sinabi kay Jane. Ang requirement na lang ngayon ay notarized parental consent from the non-accompanying parent. Any lawyer can do this.

Kahapon lang daw ito na-disseminate ng DSWD. Since bago pa, bigyan daw namin ng konting time ang Immigration para maging informed sila. Good news to kasi talaga nga namang sobrang hirap pumila sa DSWD.

Friday, March 31, 2006

Visitor's Visa for MIL - Part 3

Kahit senior citizen na ang MIL ko (she's 68), mukhang dadaan sya sa butas ng karayom sa pagkuha ng visiotr's visa. Nang ipasa ng travel agency yung application form nya, nag-note si visa officer na kailangang mag-submit ng additional requirements - Sponsorship form from Henry, and bank account history. Yung unang hinihingi, impossible. Eh sa April 7 pa lang aalis si Henry. Kahit nasa NZ na sya, di pa rin uubra. Only bonafied residents and citizens can sponsor a visitor. WTR visa lang ang hawak ni Henry.

2 bank certificates were submitted as evidence of financial support. However, account history should be presented. This can come in the form of passbook or bank statement (last 3 months). Don medyo may problema. Pareho kasing bagong placements yung pera ni MIL. Yung isang account ay dating nakapangalan kay Henry na ginamit nya as WTR 'show money'. Yung isa naman ay dating low-interest investment bago naging time deposit. Ang available lang na history nung old investment ay photocopy na galing sa bangko.

Medyo kinakabahan ako sa result ng application na 'to. Kung di namin makakasama si MIL, lagot ako sa byahe :-(

PhP to US$ to NZ$

Next week na ang alis ni Henry kaya mega-prepare kami sa mga dadalhin nya. Isa sa pinaka-importanteng kailangan nyang dalhin ay ang kaperahan. Syempre, no-pansin sa NZ and ating pesos. Pwede ring magdala ng US$ doon pero sabi ng isang new migrant, mas maganda raw magpalit ng NZ$ dito sa Pinas. Di ko na to ni-research, I just took her word for it.

Hindi available ang pera ng mga kiwi sa ating mga suking palitan. I really don' know the reason behind this. Saan nga ba nakakapalit ng NZ$? 3 ang alam kong options - ANZ Bank, HSBC and 'black market'. Hindi ako nag-attemp na mag-resort sa black market pero may kilala ako na nakabili nito somewhere sa Ermita.

ANZ Bank (tel# 818-8117). Kung bibili ka ng NZ$, pwede mo itong kunin in cash or in bank draft. NZ$1000 ang max. na pwedeng bilhin kung cash ang gusto mo. Pag bank draft, walang ceiling pero may bayad na US$13. Ang selling rate nila ay Php31.75 or US$0.6166 (pwede PhP or US$ ang ibayad mo). Passport lang ang hihingiin nila para makapa-transact.

HSBC. Mas convenient sa akin ito kaya dito ako bumili. Actually, withdrawal yon kasi kailangan may acct ka sa kanila. Buti na lang at may Dollar Account doon ang nanay ko na pwedeng i-withdraw in any currency. Ang siste lang, you have to give them 3 days para maka-request sa Head Office nila. Ang US$617.11 ay katumbas ng NZ$1000 (or US$0.6177 per NZ$). Pwede ring bumili sa kanila ng bank draft sa halagang US$30.

Mas maganda ang rate ng ANZ Bank. Aside dito, pwedeng peso at US dollar ang ipambili.

Wednesday, March 22, 2006

Visitor's Visa for MIL - Part 2

6:50am nasa embassy na ako. Pambihira, ang daming mas maaga sa akin. Sa unofficial listahan, pang no. 23 na ako. 7:00am, dumating na yung guard na taga-lista. Tinawag yung mga pangalan ng di na-accommodate kahapon. Pambihira, naging no. 28 na ako. Siguradong mauubos ang isang araw ko sa paghihintay.

Since 9:00am pa magpapa-akyat ng applicants, pumunta muna ako sa Anscor-Casto Travel para bayaran yung plane ticket ni Henry. Sa April 7 na ang lipad nya via Cathay Pacific. Si Carol ang contact person ko don. Member din sya ng Pinoyz2NZ. Nai-kwento ko sa kanya na magsu-submit ako ng application for my dear MIL. Pwede rind aw na sila na ang mag-lodge non. Uy, maganda yon. Di na ako pipila. Ibinigay ko sa kanila lahat ng docs na dala ko plus the P700 processing fee. Kung kukwentahin ko ang parking fee, gas, leave ko sa office at oras ng paghihintay, di na ako lugi doon. I should have considered this right from the start.

Bukas na nila dadalhin sa embassy yung application form. Sana walang additional documents na hihingin para may interview sked na agad.

Monday, March 20, 2006

Champ

May nagpa-Jollibee kanina dito sa office. Ang laki pala ng Champ. Grabe! First time kong kumain ng burger na mas malaki sa cheese burger. yummmmmm....

Friday, March 17, 2006

Visitor's Visa for MIL - Part 1

Galing ako sa NZ embassy sa Makati nung Tuesday. Magsu-submit sana ako ng Visitor’s Visa application para sa mother-in-law (MIL) ko. 9 to 11:30am ang oras ng pagtanggap ng application form. 8:05am ako dumating, madami nang taong naghihintay sa baba ng bldg. Ang una kong ginawa ay hanapin yung guard na naglilista. Wala! Umakyat daw sabi nung isang guard. Nasilip ko yung listahan, medyo mahaba na.

Habang naghihintay, ilang ulit kong ni-review yung mga dala kong documents. Dala ko yung application form, passport, bank certs, business registration cert., at booking cert. ni MIL. May isa na lang akong kulang, yung Supplemental Questionnaire (one page lang) na sa embassy lang nakukuha. Nang kampante na akong kumpleto ang dala kong documents, inumpisahan ko nang makipag-tsikahan sa mga nandoon. Syempre, mga babae lang ang nilapitan ko.

Girl #1 - Babae na may 2 anak. Family Category daw sila. Nandon na sa Palmy yung mister.

Girl #2 - Visitor’s visa ang pakay para sa kanilang mag-ina. May dala syang medical cert kasi more than 1 yr ang plano nyang stay. Si husband daw ay almost a year nang nasa South Island as Dairy Farm worker. Tinanong ko kung pano nagka-work visa si mister. Nag-apply daw sya at mga kasama sa www.frenz.co.nz.

Girl #3 – May good friend daw syang pupuntahan sa Auckland. Plano nyang wag nang bumalik sa Pinas if ever ma-grant ang application nya.

Girl #4 – Magpapakasal daw sya sa NZ sa jowa nyang Kiwi. Nagtataka ako bakit yung sister ni lalaki ang nag-sponsor sa kanya at di si fiancé.


9:00am nang bumaba yung taga-lista. Pinaakyat nya na yung mga taong una sa listahan. Pagkatapos non, inilista naman yung pangalan ng mga naiwan. Dahil sa walang sistema, naging number 1 ako…. number one sa next page. Grrrrr!#$%^*&^ . Mamayang konti, pinaakyat na si girl #s 1 and 4.

10:30am, yippee, mapalapit na ang turn ko. Medyo nag-retouch na ako (ang arte. he he he). Bumaba na si girl no. 4 (yung may fiancé) na nakasimangot. Kulang daw sya ng requirements, kailangan daw dala na nya yung application fee na P4700 (libre kung ang stay ay less than 59days). Nakupo, wala din ako non. Bayad pala agad. May credit card ako pero bank draft, cashier’s check and manager’s check lang ang acceptable. Takbo ako sa BPI (sa grnd floor din). May account naman ako doon, pwede akong bumili ng manager’s check. Nanlambot ako nang makita kong ang haba ng pila sa teller. Imposible na akong umabot sa cut-off time ng embassy. Kainis, nasayang ang oras ko.

May part 2 pa to. Sa Tuesday, babalik ulit ako sa embassy. Sisiguraduhin king nandoon ako nang 6:45am para mauna akong tawagin.

Wednesday, March 15, 2006

Happy birthday Lola



Lola Cristina is my maternal grandmother. She’s very special to me because she and my Lolo Ponso took care of me when I was 2 to 4 yrs old. Today is her birthday.

After 96 years (kaya nyo yon?), 7 children, 21 grandchildren and 28 greatgrandchildren, I must say that she’s still a “strong� and independent woman. If not for a bad leg which she got from an accident a few years ago, her physical and mental health are perfect.

Recently, she’s been weakened by pains in her lower body. According to the doctor, it’s osteoarthritis. This makes my mom really crazy. She’s on rollercoaster of emotions lately because of my lola’s condition. In the past weeks, my mom has already made several trips to Agno, Pangasinan. I know in her heart that she doesn’t want to leave lola’s side but she also has a business to run in Bulacan.

Happy birthday, Lola. I wish you more healthy years.

Wednesday, March 08, 2006

Saying Goodbye to my Staff

After keeping my mum for two weeks, yesterday, I finally decided to talk to my staff about the "inevitable" day. Hindi pa sana pero I know they'll know about it soon. Meron na kasi kaming ads sa Manila Bulletin nung Sunday. Kaya kesa malaman pa nila sa iba, mabuting sa akin na manggaling yung announcement.

Gaya ng inaasahan ko, meron nang nakatunog. May mga natatanong na daw bakit posted yung position ko sa dyaryo. Ipinaliwanag ko sa kanila yung dahilan ng aking paglilihim (naks, ang lalim ng tagalog ko) at kung bakit ako aalis. Walang masyadong reaction sa kanila. Palibhasa, mga shy-type at no-talk itong mga boys ko.

Tuloy pa rin ang mga projects namin. Lahat ng deadlines ay dapat pa ring i-meet. The least I expect to happen is for my group to go in chaos after I leave. I'll make sure that my replacement will be able to pickup from where I left off. Kaya eto ako, busy sa pag-document ng mga itu-turnover ko.

Thursday, March 02, 2006

Middle-class na Pinoy

May pinadala sa akin sa email yung isang ka-opisina ko. Nakakatuwa kaya ilalagay ko sya dito sa blog ko. Parang ako yung sumulat kasi I share the very same sentiments with the author. Sana maka-relate kayo.


PAANO NAMAN KAMING MGA MIDDLE CLASS NA PINOY

Ako ay isang middle class Pinoy, isang officer sa isang malaking korporasyon at may asawa...dalawa anak. Di na importante pangalan ko kasi parepareho naman tayong mga middle-class....trabaho 9-5, inom konti tapos uwi sa pamilya, laruin si baby, itutor si ate/kuya tapos tulog na, pag wala na pera intay nalang ng sweldo.

Sa nangyayari ngayon sa ating bansa, lahat nalang ng sector ay maingay at naririnig, tayo lang mga middle-class, tax paying at productive Pinoys ang di naririnig. Subalit, buwis natin ang nagpapaikot sa bansang ito. Pag may mga gulo na nangyayari, tayo ang tinatamaan. Kaya eto ang liham ko sa lahat ng maiingay na sector na sana makagising sa inyong bulag na pag-iisip.


Sa Mga Politiko:
Diyos ko naman, sa dami na nang nakurakot ninyo di na ba kayo makuntento kelangan nyo pa ba manggulo.


Sa Administrasyon:
Hayan ayus na ha pinatawad na namin ang pandaraya nyo sa eleksyon, pruweba dito e di kami umaatend sa mga panawagan ng people power, kaya sana naman gantihan nyo kami ng magandang serbisyo at magaling na pamumuno at malaking bawas sa kurakot naman please para kahit papano maramdaman naman namin na may napupuntahan ang binabayad naming buwis.

Saka Madam GMA, step down ka na pag parliamentary na tayo sa 2007, tignan mo, i-announce mo mag-step down ka kapag parliamentary na tayo, resounding YES yan sa plebiscite at tigil pa ang mga coup at people power laban sayo. Try mo lang.......


Sa Oposisyon:
Di nyo pa ba nakikita na dalawang klase lang ng tao ang nakikinig sa inyo....isa ay bayaran na mahihirap kungdi man ay tangang mga excited na reporter na parang naka-shabu lagi....mga praning e at nagha-hallucinate.

Bago man lang kayo maglunsad ng kilos laban sa administrasyon, pumili muna kayo ng magiting at nararapat na ipapalit sa liderato ngayon. Hirap sa inyo paresign kayo ng paresign wala naman kayo ipapalit na maayos.

Advise lang galing sa isang middle-class na syang tunay na puwersa sa likod ng lahat ng matagumpay na People Power, magpakita muna kayo ng galing bago nyo batuhin ang administrasyon. Wala na kaming narinig sa inyo kundi reklamo, e wala naman kayong ginagawa kundi magreklamo....para kayong batang lagi na lang naaagawan ng laruan.....GROW UP naman...sa isip sa salita at sa gawa.

Please lang gasgas na rin ang pagrarally nyo na katabi nyo ay mga bayaran na mahihirap, magtayo nalang kayo ng negosyo at i-empleyo ang mga rallyista para maging productive silang mamamayan. Sige nga, pag nagrarally kayo yakapin nyo nga at halikan yang mga kasama nyong nagrarally!! Nung People Power namin nagyayakapan kami lahat nuon.

Wala naman mangyayari sa mga rally nyo nakakatraffic lang, kami pang middle-class ang napeperwisyo. Di nyo kayang paghintayin ng 3 araw ang mga rallyista nyo kasi kelangan nyo pakainin at swelduhan ang mga yan.

Kung gusto nyo tagumpay na People Power kami ang isama nyo....pero pagod na kami e, sori ha.


Sa Military:
Alam nyo lahat tayo may problema, pati US Army may problema, 2,000 plus na patay sa kanila sa Iraq na parang walang rason naman, pero nakita nyo ba sila nagreklamo? Wala diba kasi professional sila na sundalo.....yan dapat ang sundalo di nagtatanong sumusunod lang. Kasi may mga bagay na di kayang maintindihan ng indibidwal lamang, at ang mga nakatataas lang ang nakakaintindi ng kabuuan, kaya ito ang panuntunan ng lahat ng military ng lahat ng bansa. Pero parang military natin yata ang pinaka-mareklamo.

Sabi nga sa Spiderman "with great power comes great responsibility"... kaya maging spiderman kayo lahat at protektahan ang mamamayan. Sa totoo lang natatakot kami kapag nagrereklamo kayo, kasi may baril kayo at tangke, kami wala.

Wala ako comment sa mga mahihirap, di naman kasi sila maingay na kusa eh, may bayad ang ingay nila. Saka wala rin naman silang email.

Kaya paano na tayong mga middle-class?? Eto hanggang email nalang tayo kaya ikalat nyo na ito at magdasal tayo na umabot ito sa mga dapat makabasa nito at makiliti naman ang kanilang mga konsyensya.


Signed,

Isang Middle-Class Pinoy na walang puknat na binabawasan ang sweldo ng Buwis!

Wednesday, February 22, 2006

Ang Pagre-Resign – Unang Yugto

Yung pagpapaalam ko sa boss ko noong isang araw ay hindi ang unang pagkakataon na nag-abot ako sa kanya ng resignation letter. That was actually the second time. The first time happened a couple of years ago.

The year was 2001. May nakita akong magandang ads. Business Analyst for SAP for JAKA ang nakalagay. Tamang-tama sa qualifications ko yung requirements nila. At higit sa lahat, SAP yon. Malaking challenge para sa akin. As in malayo sa Visual Foxpro/Basic applications namin sa office.

So nag-apply ako. After the exam, I was interviewed by the team leader. Pasado naman ako sa kanya kaya pinasa nya na ako sa MIS Manager. Ang huling tanong sa akin “when can you start?�. Sabi ko, “Please give me a month�. Ok daw.

Di nagtagal, nagpa-medical ako (sagot nila yung bayad). Nang-ok ang result ng medical ko, nagpasya akong mag-hand in ng resignation letter sa boss ko. Nagulat sya. May mga pinangako syang “changes� sa akin, baka daw sakaling magbago ang isip ko. Balikan ko daw sya kung decided na ako.

Right after that talk, I got a phone call from my future boss. Katatapos lang daw ng meeting nya with her bosses. Pinapa-hold ng management lahat ng personnel hiring kung hindi rin lang replacement. Ano!!!! Bakit nangyari yon? Natalo kasi sa national elections si Juan Ponce-Enrile kaya naapektuhan ang finances ng company. Pano na yon? Pano na ako? Saan ako pupulutin gayung nakapag-paalam na ako? Kung alam ko lang na magkakaganon, ipinangampanaya ko sana si Enrile.

Buti na lang at di ako kaagad pinayagan ng boss ko. After two days, bumalik ako sa opisina nya. Sinabi ko na nagbago na ang isip ko (syempre di ko sinabing yung employer ang nagbago ng desisyon). A few months later, I was promoted.

Monday, February 20, 2006

I do hereby tender my resignation....

I just had a talk with my boss. I told her that I’m leaving the company to migrate to NZ. Contrary to what I was expecting, di sya mukhang happy/excited para sa amin. In fact, she sounded skeptical. Ba't daw New Zealand (with matching taas ng kilay)? Why are we uprooting ourselves in the Phil for NZ? Ba't hindi sa Canada, US or Australia? Eh di syempre sinabi ko na maganda ang NZ at tingin namin ay maraming potentials. Although she agrees that it’s a beautiful place pero parang di sya elibs sa NZ. Well opinion nya yon, di ko na sya kinontra.

April 22. That will be my last working day. Sana makakuha sila agad ng kapalit ko para naman maayos ang turn-over ko. Ayoko namang iwanan ang trabaho ko na chaotic.

Friday, February 17, 2006

CFO and DSWD

Wala akong pasok kahapon (Kalookan Day) kaya sinamantala namin ni Henry ang pagkakataon para lakarin ang 2 sa pinaka-importanteng docs bago kami makaalis – CFO sticker at DSWD Travel Permit for Minor. Dalawa lang yon at magkalapit pa ng opisina pero inabot kami ng maghapon.

First stop CFO. Dapat one hour before the seminar nandon ka na kasi limited seats lang. Dumating kami doon nang eksaktong 9am. Nandon na si Jes nang dumating kami (of course kasama si mommy). May mga P2NZ members na dumating later on pero di na sila nakahabol sa 10am seminar. Pinabalik sila ng 2pm.

Puno yung seminar room . Nasa 60 to 70 ang tao. 3 kami na going to NZ, 1 sa Japan, 1 sa Australia at isa Spain. The rest, mga papuntang US.

Pre-Departure Orientation Seminar or PDOS ang pangalan ng seminar. Pinag-uusapan dito ang mga travel regulations, settlement issues and rights/obligations ng isang migrante. I would like to point out some important things I’ve learned from the seminar.

- A migrant must inform the Philippine embassy in his host country about his arrival.
- Never bring pirate stuffs (i.e. CD, bags, shirts, learning materials, etc).
- Have you passport renewed if it’ll expire in less than 6 months from time of departure
- Lastly, if your passport is damaged (torn page, broken plastic laminate, food/beverage stain, etc.), have it replaced.


2:00pm na kami dumating sa DSWD sa Malate. Inabutan namin doon si Tinay kasama ang cute-na-cute kong inaanak na si Shasha. Papuntang US naman sila.

May customer no. na binibigay yung guard pagpasok sa gate. #126 and #127 ang inabot sa akin. Nag-usisa ako. Ngek, #62 pa lang ang pino-process. Ilang minuto pa, tinawag na si Tinay - #99. Ang siste pala doon, pwede kang magpalista tapos balik ka na lang. Kung wala ka nang tawagin ang number mo, malalaktawan ka pero pagdating mo, salang ka na agad. Dapat pala nagpalista na kami bago pumunta ng CFO.

1 day, 2 accomplishments. Next step, LTO.

Thursday, February 09, 2006

Visitor's Visa Reqts

Plano namin na isama sa NZ ang mother-in-law ko para naman di ako mahirapan sa pagdala kay Vince and Shannen sa eroplano (Henry will go ahead of us). Kung nandon na sya, pwede rin akong magtrabaho to augment the family income. Kaya kanina, pumunta ako sa NZ Embassy sa Makati to get the requirements for Visitor's Visa. May mga requirements ang embassy sa Pinas na wala sa website ng NZIS.

Ito po ang akin nakalap.

VISITOR’S VISA APPLICATION CHECKLIST
MANDATORY REQUIREMENTS
1. Completed and signed Application for Visiting New Zealand form.
2. Supplementary Questionnaire
3. Application fee of P4,700 for Filipinos staying more than 59 days. No fee if staying not longer than 59 days.
4. Valid passport (valid for at least 3 months)
5. One (1) recent passport size photograph
6. Evidence of funds for maintenance in New Zealand (examples below) and/or evidence of sponsorship (i.e. sponsorship form)
..... Bank certificates supported by bankbooks showing savings history
..... Personal assets – land titles, shares, stocks, business registration, etc.
..... Employment certificate showing monthly income, supported by income tax return
..... Is self-employed, provide business registration. Permit, SEC, bank accounts, income tax return
7. Any other information, evidence and submissions the applicant considers show that the applicant should be issued with a visitor visa.
8. Completed TB screening if intended stay in NZ is more than 6 months. Full medical examination if staying in NZ for more than 12 months


ADDITIONAL REQUIREMENTS
1. Old passports to indicate previous travel history
2. Leave certificate from employer if employed
3. Confirmed 2-way booking certificate from Travel Agent/Airline showing onward travel. (We do not recommend you purchase the tickets until your visa is issued.)


HOW TO LODGE YOUR APPLICATION
You can mail or submit the application in the address below
Visa Section
New Zealand Embassy
23rd Floor BPI Buendia Center
Sen. Gil Puyat Avenue, Makati City 1272
(PO Box 3228 MCPO, Makati City)


VISA SECTION OPENING HOURS
9am – 11:30am, Monday to Friday


EMBASSY CONTACT NUMBERS
Tel: 8915358; Fax: 8915352

PROCESSING TIME
Each application is assessed on its own merits, on a case to case basis. Normal processing time is 5 working days for applicants with good travel history

Wednesday, February 08, 2006

Aside sa mga gamit at papeles na bibitbitin papuntang NZ, may mga kailangan din lakarin ang mga WTR visa holder bago lumipad. Ito ang pinagpa-planuhan ko ngayon. Oo nga't malayo pa ang departure date namin pero dapat maasikaso na to the soonest possible time.

Pre-Departure Registration and Orientation Seminars
Description: Required to all emigrating Filipinos
Agency: Commission of Filipinos Overseas (CFO)
Site: http://www.cfo.gov.ph/pdos.htm
Requirements: passport + visa, photo, valid ID with photograph, P250


Travel Clearance for Minors
Description: for minors traveling outside the Philippines, alone or unaccompanied by his parents
Agency: DSWD (tel# 523-9117)
Site: http://www2.dswd.gov.ph/images/articles/mtaformabd.pdf
Requirements: birth cert. on SECPA, marriage contract, passport, latest picture, Parental Consent (notarized)


Driver’s License Certificate
Description: NZ may require this upon application of driver’s lic.
Agency: LTO Central Office
Site: http://www.lto.gov.ph/dlcertreq.html#abroad
Requirements: Driver’s license and TIN


Reduced Travel Tax
Description: entitles children <13 to 50% discount on travel tax (P1620)
Agency: Department of Tourism (tel# 5235383, 5241751)
Requirements: passport + birth certificate + P200 processing fee

Memo on Documentation of Overseas Workers
Description: exempts WTR visa holders from POEA processing
Agency: OWWA

Monday, February 06, 2006

Blue, blue, blue . . .

Our passports with that shiny blue visa has finally arrived. We’ve been praying for this for 4 years now. The best ka talaga, Lord.

Ibang level na naman ng anxiety tong nararamdaman ko. Ang daming aasikasuhin (CFO, DSWD Clearance, LTO license cert., etc) at bibilhin. Don't get me wrong, I'm not complaining. Mas gusto ko ang ganito ang pino-problema.

To everyone who has been a part of our NZ dream, thank you. To those who are still in the process of applying, konting tiis na lang at dadating din yan.

Thursday, February 02, 2006

Ang utang....bow

Wow! Yipee! Wahoo! Sa lahat ng may utang na P42,767.47, kami ang pinaka-masaya. Bat naman hindi, galing sa NZIS Bangkok yung charge na yon (Migrant Levy). Pero nagtataka ako, bat wala man lang abiso si lovely visa officer namin. January 27 pa yung date ng transaction, sana may email man lang si VO. Naku, wag nyang sasabihing nagkamali sya ng charging, baka magkaron ng masaker sa Bangkok. Anyway, I'm writing her later to confirm.

Monday, January 23, 2006

Para sa iyo ang laban na 'to

Yan ang battlecry ni Manny Pacquiao sa pangalawang paghaharap nila ni “El Terrible� Morales. I’m sure importante sa kanya yung $4M na maiuuwi nya sa laban na yon pero more than that, he offered his fight to his countrymen. Nagpagawa pa nga sya na kanta kay Lito Camu na yun ang title – “Para sa Iyo ang Laban na 'to�. Sabi sa news, it'll be played on Pacman's big night. Di ko sure kung nangyari ito.

Hindi ako boxing fan. Wala akong pakialam kung sino ang naglalaban, much more kung sino ang panalo. Pero sa huling laban ni Manny, I joined the nation in praying for his victory. Bakit kamo, this guy brings so much hope and joy to the Pinoys, babae man o lalaki. Kahit sa sandaling panahon, nakakalimutan nila ang kanilang mga problema at nagiging united. Sa bawat puntos ni Manny, sabay-sabay ang hiyaw at palakpakan. Sa bawat tama sa kanya, napaparay din sila.

Mr. Pacquiao, it was a wonderful fight. More power to you and may you continue to bring glory, joy and hope (and $$$) to your country.

Friday, January 20, 2006

Remembering Phone #s




An average person can memorize about 50 phone numbers. This was 8 years ago when you really need to memorize the contact numbers. Now, we have phonebooks in our pc and cellphone wherein we transfer part of our memory capacity.

When I changed my mobilephone number a few months back, it took me more than a month to stick that number into my head. Sariling phone number ko na yon ha. Kasi naman, ang hahaba ng numbers ngayon. Before, all Globe cp#s start with '0917' ('0919' ata ang sa Smart) so all you need to remember is the 7-digit subscriber's number. Ngayon, you wouldn't recognize kung Smart, Globe or Sun ang isang number. Life is getting complicated.

Friday, January 13, 2006

12 Little Things Every Filipino Can Do to Help Our Country

Nang mabasa ko yung "12 Little Things Every Filipino Can Do to Help Our Country" ni Alexander L. Lacson, napatango ako. Yes, this nation can be great again. At hindi naman pala mahirap yong gawin. Kaya pakiusap lang mga friendship, pagsikapan nating ibangon ang ating mahal na bayan.

1. Follow traffic rules. Follow the law.

2. Whenever you buy anything, always ask for an official receipt.

3. Don’t buy smuggled goods. Buy local. Buy Filipino.

4. When you talk to others, especially foreigners, speak positively about us and our country.

5. Respect your traffic officer, policemen, soldier and other public servants.

6. Do not litter. Dispose of your garbage properly. Segregate. Recycle. Conserve.

7. Support your church.

8. During elections, do your solemn duty.

9. Pay your employees well.

10. Pay your taxes.

11. Adopt a scholar or a poor child.

12. Be a good parent. Teach your kids to follow the law and love our country.

Wednesday, January 11, 2006

My name is Jennifer

My real name is Jennifer. Sabi ng nanay ko, nakuha daw nya yon sa movie noong 1970's na Love Story. Jennifer ang pangalan ng female character at Oliver naman yung lalaki (kaya naging Henry Oliver ang name ng brother ko). Hindi ako nag-iisa. Sa US, Jennifer ang most popular female name noong dekada 1970 to 1984.

Ok sa akin ang nickname na Jen or Jenny pero mas pinili ng nanay ko ang Jinkee (take note, dapat double E). Recently, nalaman ko sa aking tyahin na sya daw ang nag-suggest sa nanay ko na tawagin akong Jinkee. Ang layo non sa real name ko pero di ko na inusisa ang dahilan.

Nickname na nga ang Jinkee, marami akong kaibigan na pinapaiksi pa ito, ginagawang 'Jinks". May iba pinapalitan pa ng spelling - nagiging jinx. Hindi kaya malasin naman ako non? Sa totoo lang, I used to mind that until i learned that it's Halle Berry's name in Die Another Day.

You can call me Jennifer, Jen, Jenny, Jinkee or Jinx basta ba nakatingin ka sa akin sa pagtawag mo.

Tuesday, January 10, 2006

Koling-koling Bangkok

6 months na kaming naghihintay sa aming WTR visa. Ang unang pangako ay 2 months lang. Yung ibang applicants are lucky to have theirs on time. Yung iba medyo nagkaroon ng delay ng konti pero wala na atang tatagal pa sa paghihintay namin. Actually, 2 kaming members ng pinoyz2nz ang waiting soo patiently. Sya June 15 nag-submit, kami July 8.

When we made a follow-up early December, v.o. Kamonrat said she’ll finalize our application by end December. Dumaan ang December, walang visa na dumating. Henry decided to give our her a call yesterday. Binalaan ko si Henry na maghanda ng bala in case sabihin ni VO na maghintay kami hanggang end-Feb (yun kasi ang sinagot nya sa isa ring nagfo-follow up).

3:30pm, tinawagan ako ni Henry. Obvious ang suya sa boses nya. Tama nga ang kutob ko, end-Feb ang bagong ipapangako sa kanya. Pumalag daw sya pero ready si Kamonrat na sumagot na “you have to understand that we have some delays in the office�. Poor us, we are at her mercy.

Kung end-Feb pa nga yon dadating, April pa ni Henry maiiwan ang trabaho nya. Tsk, tsk, tsk... Malamang na maiba na ang plano namin. Baka imbes na mauuna sya sa NZ for a month or two eh magsasabay na kami. Pag-inabutan si Shannen ng 2nd bday nya sa May, magiging 75% na ang airfare nya instead of 10%. Sayang din yon. Isa pa, parang mahirap na pagdating namin doon eh sobrang lamig na.

Monday, January 09, 2006

Happy New Year



Ang tagal ko ding hindi nag-post. I've been through a great ordeal which made me detached from the "world". Nakalimutan ko ang trabaho ko, ang current events, pag-inom ng maintenance meds, blogging, pati na nga ang pagsuklay. Haaay, na-loka talaga ako.

Shannen got sick a few hours before 2005 ended. Sinalubong namin ang bagong taon sa ER. She had 6 vomits in 3 hours. When this subsided, pinahinga namin sya sa bahay. Ang kaso ayaw namang kumain o dumede. January 2, nag-lbm naman sya. Nag-desisyon na kaming i-confine sya sa Phil. Children's Medical Center (PCMC). When the IV was inserted in her hand, she was crying so loud but now tears would come out of her eyes. Her frail body was dehydrated for sure. Viral infection daw yon. I think it's Rota Virus that got her. January 6 kami pinayagang umuwi ng bahay.

Now I'm back to work. Medyo nangangapa pa kasi talagang naglaho sa isip ko ang office. All that mattered to me was my family. Anyway, Happy New Year!